SANRIO C24 "Bakit Rio?" Ang nagtatakang tanong ni Sanjo ng mapansin etong parang natatakot. "N-nakita ko si Owen, Ang aking pinsan. Nakita niya tayo." "Pinsan mo? Anong ginagawa nya rito?" "Sanjo, isa siyang Nbi agent. Baka may minamanmanan siya dito." "Hayaan mo siya. Wala siyang makikita dito dahil legal ang casinong eto." "B-bakit sayo ba to? " "Oo." "Kaya naman pala palagi akong nanalo kakontsaba mo pala ang mga bangka dito." Natahimik na lamang si Sanjo. At pilit na umiiwas ng tingin kay Rio. "Umuwi na tayo wala na akong gana. Seguradong nakita niya tayo kanina. Sa titig niya kanina sa akin alam ko nang ikinahihiya niya ako. Alam kong alam na nya na may relasyon tayong dalawa." "Rio, pasensya ka na. Nang dahil sa akin ang dami mo ng problema at ginulo ko ang tahimik mong

