SANRIO C21 "RIO, Hintayin mo ako nahihilo ako." "Ha?" Alanganin si Rio sa kong ano ang gagawin nya sa kanyang boss at kaibigan. Pasuray-suray etong naglalakad sa loob. Tulad niya alam din ni Rio na walang patid ang pag-inom nito ng alak. Batid din niyang katulad niya ay mahina ang tolerance ni Henry sa alak. Ni ayaw nga nito uminom. Noong kasalukuyan silang nasa first year colleges ay nayaya sila ng isa nilang classmates sa birthday nito sa mismong bahay nito. Para naman sa pakikisama ay sumama silang dalawa. Pero napilit silang dalawang uminom ng alak, ayon na-unang bumagsak si Henry, sa loob ng cr. Dalawang beer lang ay tulog na eto at wala ng paki-alam sa paligid. Samantalang siya ay naka-tatlo na at umiikot na din ang paligid niya. Inihi lamang niya iyon at uminom ng tubig upan

