Nangangamoy ulam na nang lumabas sila sa kwarto. Nagluluto na pala si Champie. It smelt really good. Iyong tipong lutong bahay. I seldom eat home cooked foods because I'm always busy at work. Minsan nagpapadala si Mama ng mga lutong bahay sa opisina pero madalas ay hindi ko rin nakakain dahil sa pagkaabala sa trabaho. I end up eating outside with clients and business associates.
Tinakbo ni Chloe ang kaibigan habang nagluluto at inakbayan ito. "Wow! Is that my favorite?"
"Opo kamahalan..." Pabirong sagot nito at nagtawanan pa ang dalawa.
Naupo ako sa kitchen table at binuksan ang laptop bag na dala dala ko kanina. Inilabas ko ang laptop upang mag check ng emails.
"You know what? I'm gonna take a shower first so that I'll be very fresh for my favorite food!" Excited na sabi ni Chloe.
And she's gonna leave me here with her bestfriend. Great! Just great! Should I join her in the shower instead? But there's an important email that brings my attention.
"Ligo lang ako ha lover boy...." Malambing pa nitong sabi bago tumakbo papuntang shower.
CHAMPIE.
Sa totoo lang, nanginginig ang mga kalamnan ko. I just want him to go to the living room instead habang nagluluto ako pero mukhang busy na ito sa laptop. Ibinuhos ko na lang ang atensyon ko sa pagluluto.
"What are you cooking?"
I nearly jumped out of my own skin when I heard him after a long moments of silence. Napalingon ako kay Duke pero sa laptop screen ito nakatingin while typing from his keyboard.
"Pork humba at chopsuey."
"So, Chloe's favorite?"
"Paborito niya sa lahat ng mga luto ko."
"So marami ka pang alam lutuin bukod dyan?"
"Mga basic pinoy recipes lang naman."
Nagpatangu-tango ito. "I see."
Katahimikan uli.
Malapit nang maluto ang mga ulam kaya nag-umpisa na akong ihanda ang mga plato.
"Do you need help?"
Muli akong napalingon sa kanya. Busy parin ito sa laptop. He is really that polite para mag-offer pa sa'kin ng tulong kahit obvious naman na may trabaho itong inaayos.
"No thank you..."
"I insist..."
He closes the laptop at tumayo upang tulungan ako. Napaatras ako ng konti. He is really tall and big. Parang biglang sumikip ang dining area. I felt so uneasy around him in a different way this time. This feeling is new to me and I don't want to acknowledge or it might slap me hard on the face.
"Hmm, this really smelt good huh? Kaya pala ayaw ni Chloe na mag-order na lang kami ng food."
I smiled nervously. Is he really going to taste what I cooked?
"Am, b-baka gusto mo mag-order na lang ng food for you, Baka di mo magustuhan to. Si Chloe kasi sanay na sa luto ko e."
He smiled at me. I felt like this was the first time he provided me a genuine smile.
"Mind if I taste it? Kapag di ko nagustuhan, then mag-oorder tayo ng additional food."
Kinuha niya mula sa'kin ang sandok. Una nitong tinikman ang sabaw ng humba at isinunod ang sabaw ng chopsuey.
"Hmm. This tastes great! How did you learn to cook this?"
Napangiti siya. Unti unting nabawasan ang kaba niya sa harap nito.
"Iyong teacher ko ang nagturo sa'kin noong Elementary."
"Not your mom?"
Tila may bara sa lalamunan ko sa huling tanong niya. Ini-off ko na ang apoy at sinimulan ko na lang lagyan ng kanin ang isang malaking bowl para makaiwas sa mga tingin niya.
"May mali ba sa tanong ko?"
Umiwas ako ng tingin dahil kung hindi ay mahahalata niyang namumuo ang mga luha sa mga mata ko.
"Wala naman. Ang tagal lang kasi maligo ni Chloe. Gutom na ako."
"I know. E nilinis mo ba naman itong buong apartment ng mag-isa e. Sandali tatawagin ko siya."
Tumalikod na ito upang puntahan si Chloe sa shower. Nasundan ko lang siya ng tingin. He is talking to me now and I can't believe it. Parang may imaginary wall na biglang naglaho sa aming dalawa.