Augustus’ POV “Malaki na si Kalid, ama. Sobrang dami na ng pinagbago niya sa ilang buwan niyang pananatili sa mundong ito,” bungad ko nang makarating ako sa kaharian ng aking ama, si Alastair. Tulad ng palagi kong nadatnan sa tuwing pumupunta ako dito ay nakatalikod lamang siya sa akin habang nakaharap sa malawak na kagubatan. Ito yata ang pinakapaborito niyang posisyon sa tuwing nagpapalipas siya ng oras. “Ama, natatakot kami sa maaring maging landas ni Kalid. Ngayonc pa lamang ay ramdam na ramdam na namin na kakaibang landas ang kanyang tatahakin. Kakaiba siya, ama.” Pagpapatuloy ko pa. Naghintay ako ng ilang segundo bago ko napansin ang paggalaw niya, bumaling siya sa akin. Sa aking mga mata unang dumapo ang kanyang mga tingin at dito ay ramdam ko ang reaksyon niyang normal lamang at

