CHAPTER 93 Sumunod ang mga magulang ni Leigh sa pagpasok ng mag-ama. Nanginginig siya. Hindi niya maintindihan ang kanyang nararamdaman. Kanina pa niya gustong lapitan ang anak pero ayaw niya itong biglain. Huminga siya nang malalim habang nakatingin sa kanya si Clint at nagtatanong ang mga mata kung sino ang kaharap niyang babae. Nakita na niya ito sa picture noon at ipinapakita sa kanya ng lolo, lola at mga tito niya pero iba pa rin pala sa personal. Hindi niya makilala. Hindi niya actually, kilala. “Clint, anak. Siya ang Mommy mo. Lapitan mo anak, hug mo si Mommy, dali.” Itinutulak ni Culver ang bata pero ayaw nitong lumapit. Para siyang natatakot na nahihiya. “Kamukha mo nga siya anak ‘nong bata ka pa.” Si Nanay Belen na todo ang ngiti. “Sige na apo, si Mommy ‘yan. Yung pinapaki

