CHAPTER 71 Mausok ang apartment nang dumating silang apat nina Elena, Amy at Glenda. Guwapong European na lalaki ang nagbukas ng pintuan sa kanila nang matapos tawagan ni Amy ang kontak nito na nasa loob. Mahina ang musika na naririnig. Malaswang pelikula ang nakatambad na pinapanood ng mga naabutan nilang anim na lalaki at apat na lalaking ibang lahi. Tumayo ang isang may kapayatan at matangkad na lalaki. Sa asta niya, halatang siya ang may-ari ng apartment at organizer. Isang baklang Pinoy. "Oh, Hi bitches! Welcome sa party. Naku! Akala ko, hindi na kayo darating.” Lumapit siya kay Amy. Bineso niya ito. “Pwede ba naman yun bakla, minsan-minsan lang ‘to.” Hinawakan niya ang kamay ng bakla. “Saka napakatagal mo na kayang nagsasabi. Kaya dahil pauwi na ako bukas, parang despedida ko na

