KALAKARAN

1091 Words
CHAPTER 2 Nang nasa Saudi na siya, minsan ay nagkagusto rin naman siya. Iyon ay kay Nicole. Si Nicole na nakilala niya sa isang Pinoy Party na pinuntahan niya. Kaibigan na niya ito ngayon dahil sa loyal kasi ito sa naiwan nitong boyfriend sa Pilipinas. Sinubukan pa rin niya itong ligawan kaso tinapat siya na hindi raw papatol sa iba kasi mahal na mahal nito ang boyfriend niyang nasa Pilipinas. Kahit masakit na muli siyang mabigo, tinuruan na lang niya ang puso niyang tanggapin na lang ang lahat. Alam niyang mahirap para sa kanya na ipilit ang hindi naman talaga dapat. Sasaktan lang niya ang kanyang sarili at lalayo lang din ang loob ng babaeng natitipuhan niya kung ipipilit ang gusto. Hindi siya natutuwa sa mga kaibigan niyang iba-ibang babae ang isinasama nila sa kanilang mga house party o kapag nagkakape sa labas. Alam naman nilang bawal pero ginagawa pa rin ng karamihan. Nagpapagawa ang mga ito ng pekeng marriage contract para makapag-date sa labas. Nakakatawa lang, sila man ay nalilito na sa pangalan ng kanilang date dahil sa dami at iba’t iba nilang kinakarelasyon. Hindi naman siya nagmamalinis, nagkaroon din siya ng dalawang girl friend sa Saudi. Minahal din naman niya ang mga iyon ngunit nang lantarang maramdaman niyang pineperahan lang siya, siya na mismo ang kumalas. Hindi siya mayaman para waldasin ang pera niya sa taong mas naiwan nang anak at asawa sa Pilipinas. Yung isa, may landing di niya inakala. Lahat na pala ng kaibigan niya ay pinatikman na niya sa talaba nito. Siya na lang pala ang hindi nakakaalam na ikinama na ito ng lahat. Mula noon, mas pinili na lang niyang magsarili dahil madami pa siyang responsibilidad sa Pilipinas. Kaya nga siya nangibang-bansa dahil sa kahirapan ng kanilang buhay. Siya na lang ang inaasahan at kung hindi siya tumino at mag-ipon nang mag-ipon habang nasa ibang bansa pa siya ay baka uuwi siyang luhaan. Sa kabila ng pagiging matigas ng puso niya sa mga lantarang narpaparamdam na mga babae ay may malambot naman siyang puso sa alam niyang talagang nangangailang ng tulong na kababayan. Kapag wala siyang trabaho ay tumutulong siya sa Embahada para sa mga distress OFW, mga kababayang niloko, may malubhang sakit at kung anu-ano pang mga problema na kinakaharap ng ilang hindi pinalad sa ibang bansa. Nagbibigay siya sa mga nangangailan. Kinukuha niya iyon sa kanyang sariling ipon. Nagtitipid siya sa sarili niyang pangangailangan para may maiabot sa ibang alam niyang walang ibang matakbuhan. Siya ang sinasabing gwapo na sa panlabas, pogi pa sa panloob. Pagkatapos niyang kumain ay naligo na siya para maghandang matulog. Ipinagpapasalamat niyang hindi siya tabain. Maganda pa rin ang kanyang katawan kahit bihira siya magbuhat. Angkin niya ang katawang pangromansa. Ngunit bakit napakailap sa kanyang makahanap ng totoong pag-ibig. Hindi naman siya pangit pero bakit wala sa kanyang nagmahal ng totoo? Hindi kaya dahil masyado rin siyang pihikan? Pagkatapos niyang maligo ay naglagay muna siya ng moisturizer sa kanyang mukha. Dahil sa sala sa init, sala sa lamig ang panahon ng Saudi, madaling magtuyo ang balat lalo na ang labi. Kaya iyon ang hindi niya kinakaligtaang gawin bago matulog. Kung tutuusin dahil likas naman ang kinis at puti ng kanyang kutis, hindi na siya dapat naglalagay pa ng mga ganoon pero dahil nasa bansa siya kung saan madaling matuyo ang balat, kailangan isama niya iyon sa kanyang daily regimen. Kahit pa lalaki siya, importante pa rin sa kanyang alagaan ang kanyang mukha. Nag-f******k muna siya pampaantok. Nakita niya ang post ni Leigh na “Here I Come Saudi.” Nagulat siya. Hindi niya alam ang kanyang gagawin. Matagal na niyang f******k friend si Leigh. Matagal na niyang crush nang nasa Pilipinas palang siya ngunit alam niyang kagaya ni Nicole, loyal ito sa karelasyon niya. Kilala niya si Leigh, nakita na niya ito in person, nakausap at minahal. Hindi lang naging maganda ang simulain at kuwento nilang dalawa. Isang pagkakamaling hindi niya makakalimutan. Paano pala niya nakilala si Leigh? Nag-appear lang sa people you may know ang profile ni Leigh sa kanyang f******k. Dahil siguro sa may tatlo silang mutual friends. Akala niya nga noong una, poser ito dahil bukod sa artistahin, kokonti lang ang picture nito sa profile niya at bihira ring mag-post. Sinubukan lang niyang i-add. Iaa-unfriend na lang niya kung sakaling mapatunayan niyang poser nga lang ito. Umabot pa ng ilang weeks bago may notification ito na in-accept na ang friend request niya. Nakalimutan na nga niya ito noon. Nang naging friends sila sa f******k ay saka niya nabigyan ang sarili niya ng pag-asa. Pag-asa na baka pwede naman, pag-asang baka mapansin siya, pag-asa na sana mapansin siya at mahalin rin nito. Nakuha kasi ni Leigh ang mukha at tipong hinahanap niya sa isang babae Kaya niyang pagmasdan ng kahit ilang oras ang mga pictures nito sa f******k. Nangangarap na sana maging sila. Kung hindi pwede, baka naman maaring kahit magkaibigan lang. Okey na sa kanya yung makausap o maka-close niya ito kung hindi talaga sila pwede. Ngunit nakailang wave na ba siya? Ilang hi, kumusta, anong atin, hello at mga simpleng pagpapansin at comment sa pictures nito ngunit walang kahit pa-like man lang. Ni hindi nito magawang buksan o basahin ang mga message niya. Iyon ang katotohanan sa f******k. In-accept nito ang friend request niya ngunit hanggang do’n lang pala lahat. Hindi siya kinausap, hindi siya pinansin o kahit man lang i-seen ang message niyag inamag na ng panahon. Naka-ignore na siya agad hindi pa man siya nagme-message. Hanggang sa naisip niyang gumawa ng fake account. Baka naman sa pagiging poser ay magkausap sila. Baka iyon lang ang paraan para mapansin siya. Naghanap siya ng guwapong-guwapo at macho na picture ng lalaki. Hindi naman siya nahirapan. Kahit sa mga nasa friendist niya ay pwede na. Maraming gwapo at macho na kaklase niya noong high school at college. Pati mga videos ng profile na napili niyang nakawan ng pagkakakilanlan ay dinownload niya saka in-upload. Ginawa niyang parang totoo ang account na yon. Nag-ipon ng madaming friends, likes at comments at nang alam niyang handa na ang account ay nag-like siya gamit ang account niyang Culver Ayala sa isang naka-public profile ni Leigh. Walang pang tatlumpong-segundo, nakita na niya agad na nagpapa-add si Leigh. Nalungkot siya. Napatunayan niyang mahilig lang yata sa gwapo ang crush niya. Paano ngayon ito. Sobrang payat na payat siya. Maitim dahil bilad sa araw niyang trabaho sa DPWH? Malayo sa ginamit niyang picture. Paano siya magugustuhan at mamahalin ng isang maganda at seksing kagaya ni Leigh na mahilig sa gwapo at macho?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD