Hindi ko alam na sa labis kung pagfo-focus sa trabaho ko ay nakalimutan ko ng may mga anak akong naghihintay sa akin sa bahay. Naging kampante ako sa isiping nariyan naman na ang Papa nilang magbabantay sa kanila. Kaya para makabawi sa lahat ng araw na hindi ko naibigay sa kanila ay naisipan kung ayain ang mga bata para mamasyal ngayong weekends. Nagsuot ako ng simpleng puting blusa at jeans at sneakers. Pagkalabas ko ng kwarto ay pinuntahan ko ang kambal sa silid nila at naabutan ko silang binibihisan ng kanilang ama. Napasandal ako sa pinto at pinagmasdan sila. Hindi nila ako napansin dahil abala sila sa pakikipagkulitan sa kanilang Papa. Palihim akong napapangiti dahil sa magandang tanawing nakikita ng mga mata ko. Ang saya lang sa pakiramdam na makita ang mga anak mong naibigay mo

