Bumalik akong San Vicente para tapusin ang mga hindi ko pa natapos na misyon doon. Bumalik ako sa inuupahan kong bahay. "Oh Roxanne, Hindi mo naman sinabing ngayon ka babalik." Wika ni Aling Nena na siyang may ari ng bahay na inuupahan ko. Paakyat na kasi ako sa silid na inupahan ko at sakto namang lumabas si aling Nena sa bahay nila. "Ah, biglaan po kasi." Sagot ko lang at nginitian ito. Gaya ng dati ay itinago ko ang mga gamit ko na ginagamit ko sa aking misyon. Bukas na bukas din ng gabi ay mag gagala ulit ako baka kasi may mahuli o may makita na naman akong kasapi ng black carat. Hindi pa sila lubusang nahuhuli lahat dahil nariyan pa ang pinuno nila. Wala kasi kaming lead kong saan namin makikita ang Intsik na iyon. Ang galing niya magtago. Gumawa rin ng imbitasyon si Boss sa

