Hating gabi na pero at heto gising na gising pa rin ang diwa ko. Tumayo ako sa aking pagkakahiga at lumabas ng kwarto para pumuntang kusina. Nagtimpla ako ng gatas baka sakaling makatulong sa akin para makatulog ako. Lumabas ako sa veranda at doon ay nilasap ang sariwang hangin. Napatingin ako sa kalangitan. Ipinikit ko ang aking mga mata at doon ay hindi ko na naman napigilan ang sariling hindi maiyak. _ Lumipas ang mga araw at mula nung insidenteng iyon ay nagbago na ang pakikitungo ko kay Ashtero. Lagi ko siyang inaaway kahit na wala naman siyang ginagawa. Naging malamig ang pakikitungo ko sa kanya na umabot na sa puntong hindi na kami nagtatabi tuwing gabi. Minsan pa nga pagkagising ko sa umaga ay madadatnan ko siyang natutulog sa sofa malapit sa guest room ng condo niya na gina

