Pagkarating ko'y may tatlong kalaban agad ang sumugod saakin. Sinipa ko ang isa palayo at mabilis ko namang inagaw ang espada ng dalawa atsaka ito ibinaon sakanilang ulo. Hinila ko ito ulit atsaka ibinato sa isang kalaban na papunta saakin. "So what are you gonna do now, Katharine-san?" Tanong ni Scram saakin. "Revenge." Tipid kong sagot. "Katharine." Pagtawag saakin ng mama nila Ken. Hinugot ko naman ang espadang nakabaon sa lupa malapit saakin at sa pagharap ko sakanila'y kasabay ng pagbato ko nito sakanila. Naging alerto naman sila at agad na nakaiwas. Ngunit sa pagiwas nila'y dumiretso ang espadang binato ko kay Lauren. "Lauren!" Tawag nila sakaniya atsaka siya nilapitan. "Katharine." Natatakot na tawag saakin ni Kyla kaya ako napaharap sakaniya. "This isn't you, Katharine. Plea

