Habang ginagamot ako nila Pat ay dumating ang mama nila Ken na nakasakay sa kanilang Chimera. Nagbuga ang chimera ng kanilang kapangyarihan sa phoenix ngunit agad itong nakaiwas. Umungol sila at ang phoenix naman ay gumawa rin ng ingay. "Mom!" Sabay na sabi ng kambal nang magbuga ng apoy ang phoenix papunta sa mama nila. Mabuti na lang at nakaiwas sila agad. Ang mga kalaban namag nasa ibaba ay pinipilit tamaan ang Chimera at si Mrs. Tala. "These fuckers." Madiing wika ni Ken. "Alright. Let's back them up." Sambit ni Wil. "Stay here, Katharine, okay?" Ani ni Kyla saakin bago umalis. "Look out!" Mabilis kong sabi nang makita ko ang ibang kalaban sa likuran nila Pat at mister Baron. Si Pat ay agad na yumuko kasama si mister Baron at mabilis siyang kumuha ng dalawang punyal sakaniyang hi

