Bakas ang pagkagulat sa dalawa dahil sa muli nilang pagkikita at sa pagitan lamang iyon ng iilang oras. Tadhana ba o hindi lang sila pinapalad?
Bumagsak ang balikat ni Alierissa kahit walang magsasabi, alam na niya ang kahahantungan ng kanyang pagpunta rito sa MCL. Iyong tsansa na mayroon siya ay wala na. Nawalan na siya ng pag-asa noong mga oras na ininsulto o inaway niya ito sa istasyon pa lamang nang tren.
'When karma knows how to bite back nga naman. Grabe, hindi pa ginawang bukas. Kailangan ngayon ngayon agad iyong karma?' Inis na saad ni Alierissa sa kanyang isip. Iniyukom niya ang kanyang palad. Hindi inaakala ni Alierissa na ang isa sa nagmamay-ari ng kilalang kompanya ay sumasakay pala sa pampublikong transportasyon.
Mas lalong dumilim ang ekspresyon ni Leoniodes Myths. The hottest rich bachelor at his 20s and one of youngest billionaire.
Nang magkatinginan sila diretso sa mata. Alierissa was the first one to divert her gaze. Walang mukha na maihaharap dahil sa kahihiyan.
"Look, what we got here. Hmm, the one who called me a society pest." Saad ni Leo habang binabasa ang resume na ipinasa ni Alierissa at ng ibang pang aplikante.
Napagtanto ni Alierissa na siya rin pala ang dahilan kung bakit lubusang iritable at galit ngayon si Leo. The video they were probably referring to was probably taken this morning and went viral now. Kung saan ipinagsigawan ni Alierissa na di umano ay nambabastos si Leoniodes.
Gusto na lamanag maglaho ni Alierissa na para bang isang bula dahil sa kahihiyan.
"Why don't you take a seat first? You seem to be more quiet than the first time I met you." Kalmadong sambit ni Leo tsaka siya prenteng umupo at nagbasa ng mga artikulo nakalagay sa kanyang lamesa.
"I don't have any idea what you are talking about, Sir." Pagtatanggi ni Alierissa sa sinasabi ni Leo. Ngumiti lamang si Alierissa patay-malisya niyang ititanggi ang nangyari.
Kinakabahan ang dalaga sa kanyang sasapitin o matatanggap na salita. Nakatakas na nga siya kanina, nabulilyaso pa ngayon. Kahit siya ay aminado na naging mapanghusga siyang tao at mahilig mag bayani-bayanihan.
Tumikhim si Leo bago ibinagsak ng malakas ang hawak-hawak na babasahin at kunot-noo itong tumingin sa mga aplikante.
"Get out." Walang emosyon nitong utos ni Leo sabay harap-harapang itinapon ang mga resume ng aplikante na hindi man lang binasa ni Mr. Myths.
Kung kanina pinapanood lang ni Alierissa iyong mga naunang aplikante sa labas, ngayon naintindihan niya na kung ano ang pakiramdam pag siya na mismo ang lalabas sa opisina na ito. It could make anyone cry but on the positive perspective, it is an opportunity for her to get away from this guy.
"Ms. Montigue please stay back." Ma-awtoridad na sambit ng nag-iisang lalake sa kanila at walang iba kung hindi si Leo lamang.
Lumingon si Alierissa nang marinig iyon. Nagtataka ang dalaga kung bakit kailangan niyang manatili sa presensya ng lalaking ito. Kinakailangan bang pagbayaran ni Alierissa ang nasira nitong reputasyon o baka hindi papayag si Leo na makalabas si Alierissa ng buhay?
Hindi na nakagalaw si Alierissa sa kanyang kinatatayuan, tahimik na humihiling na sana na maayos pa siyang makalabas.
Why not just escape? Tutal malapit na rin naman siya sa pintuan at sa pamamagitan ng iilang hakbang abot kamay na niya ang pintuan.
Hawak-hawak at bubuksan na sana ni Alierissa ang pinto para makalabas siya pero lumitaw ang matipunong bisig ni Leo para pigilan ang pagbukas ng pinto at muling isinara. Nanatili sila sa ganoong posisyon hanggang sa may naramdaman si Alierissa na mainit na paghinga banda sa kanyang tainga.
"Alierissa Montigue. Is it your thing to run away after making trouble with the president, eh?" Halata sa tinig ni Leoniodes na sobra siyang nalilibang sa reaksyon na ipinapakita ni Alierissa. Who would have guessed that this girl could make someone laugh, especially someone as tough as Leoniodes?
Alierissa keeps pulling on the doorknob, ignoring how strong he is and how hot it ended up getting around them. Leoniodes laughed.
Hindi mawari ni Alierissa kung si Leoniodes ba ay, may sakit sa pag-iisip dahil sa paiba-iba nitong ekspresyon. Isinantabi ni Alierissa ang pag-iintindi sa nasisirang utak ni Leoniodes dahil hindi na siya natutuwa sa mga nangyayari.
"Anong nakakatuwa? Iyong pagtripan ako ganon o manyakin ako? Is this something you could make fun of? Scaring the s**t out of me." Alierissa happened to have reached her patience limits. Hindi siya papayag na pagkatuwaan ng ganito.
Napagpasiyahan na ni Leoniodes ang lumakad palayo kay Alierissa at saka umupo sa black leather sofa tapat lamang ng office desk niya. Hinarap nito ang direksyon ni Alierissa.
"Subukan mong lumabas dyan. Kahit issng hakbang papalyo sa akin. I can guarantee that you're dead." Pananakot pa ni Leo at saka inilagay sa bulsa ang kamay. Alam ni Leo na hindi na ito lalabas dahil sa mga katagang binitawan niya. Alierissa is an easy to read person, like an open book.
"All right,I will listen to what you have to say. What do you want?" Kunot-noo itong nilingon ni Ali hindi maiwasan ang pagkairita nang makita niya ang mukha nito habang hawak-hawak ang isang bagay kung saan nakaukit ang pangalan ni Leoniodes Myths at ang posisyon nito sa kompanya.
"Kita mo ito? Sabihin mo sakin mukha ba kong tambay sa kanto? Tell me, para pagbintangan mo na nangmamanyak sa pampublikong lugar." Saad ni Leoniodes. He ran his fingers through his hair and bit his lower lip, trying not to utter any curse words.
"I already apologized, what else do you want? Mayaman ka naman diba, take those video down napaka-basic lang sayo no'n isang utos mo lang." Pagbibigay ideya ni Alie na siya namang naisip na rin ni Leoniodes, pero hindi iyon makakatulong. The issue is getting too big. They can't just shut it down without resolving anything.
"Kahit na mawala pa yan sa kahit anong social media platform. I am an influencial person. Once I forcefully shut it down, malicious rumors will spread after that." May puntong paliwanag ni Leoniodes kay Alierissa.
"Wala akong kasiguraduhan na hindi babalik iyong video na 'yon." Dagdag pa ni Leoniodes. It's understandable because he's a businessman, alam niya ang takbo ng kalakaran. He is well aware of how greedy a man can become when their hand gets in contact with massive amounts of money.
Hindi na sinubukan ni Alierissa tumingin sa mata ni Leoniodes. Nakakaramdam siya ng konsensya sa ginawa niyang paratang pero hindi niya mapigilang sumulyap pa rin kay Leoniodes ng patago. Agad na iniwas ni Alierissa ang kanyang paningin ng biglaang lumingon si Leoniodes sa kanya, kaya naman nagtama ang kanilang paningin.
"Ang tapang mo kanina, ngayon hindi ka makapagsalita? What you gonna do about it? Take responsibility. You made this mess." Saad ni Leoniodes.
Napahawak naman ng dibdib si Ali sa sinabi nitong responsibilidad. Siya pa ang sinisi ng lalaking ito.
'"Ano siya nabuntis ko? responsibilidad daw. Para akong ama na tinakbuhan ang mag-ina" Gulat na turan ni Alierissa, base sa tono ni Leoniodes ganoon ang gusto iparating nito. Kung tutuusin hindi naman ganoon kalala iyong issue, eh.
"Anong pinagsasabi mo dyan?" Singhal ni Leoniodes nang marinig niya ang sinabi ni Alierissa, halatang matalas ang pandinig. Nainsulto ba ito o natawa sa sinabi ni Alierissa. Lalake nagbubuntis?
"Mr. Myths. Hindi ko alam kung paano humingi ng tawad iyong mayayaman, paghingi lang ng pasensiya kaya ko." Saad ni Alierissa hababg ginagawaran si Leoniodes ng tipid na ngiti. Kaunti na lang baka makurot ni Alierissa ang pisngi ni Leoniodes dahil hindi matanggal nitong ngisi.
"Wala ako mabibigay sa 'yo na pera o kahit ano pa mang tutumbas d'yan sa nasirang imahe, reputasyon o ano pa." Pagpapatuloy ni Alierissa habang umiiling, pinulot na rin niya ang mga nahulog niyang dokumento. Balak na sana niya iwanan ang mga dokumento rito pero ngayon may oras na siyang
"There's another way, Ms. Montigue. All you need to do is to cooperate." Saad ni Leoniodes habang hinahawakan ni Leoniodes ang baba ni Alierissa upang i-angat ang mukha nito at magkatinginan sila.
"Be my girlfriend." Seryosong saad ni Leoniodes.
Alierissa had no idea that getting in trouble with the president would drastically alter her mundane life.