Lumipas ang isang linggo ngunit pakiramdam ni Alierissa ay idang taon dahil patong-patong na gawaing ibinigay sa kanya. Hindi na rin magawang ni Alierissa ang ayusan ang kanyang sarili dahil wala na ring natitirang oras para asikasuhin niya ang pag-aayos. "Mula sa paggawa ng kape hanggang sa paglilinis ng opisina nito." Alierissa hissed. Puro 'Ms. Montigue' na lang ang bukang bibig ng presidente. "Ginawa akong sekretarya, head ng strategy department at maintenance. Hindi lang 'yon balak niya pa yata ako gawing nutritionist! Ako na din kasi ang naatasan niya sa paggawa at pagpili ng pagkain." Mahinang agrereklamo ni Alierissa habang inilalagay sa xerox machine ang ibang papeles na kinakailangan ng copy. Lumipas ang minuto natapos din si Alierissa sa kanyang gawain at dumiretso na sa

