Nabi Point of View "Manang, hindi ako pinapansin ni Daddy. . ." sumbong ko sa ginang habang kumakain. Tamad na sumusubo ako ng pagkain. . "Subukan mo ulit mamaya." aniya naman. Tumango ako. Susubukan ko talaga. Kailangan kong makita si Vladimir. Kailangan na ako mismo ang makakita na ayos na ang kalagayan niya. Tinapos ko ang pagkain ko at nagpahinga muna saglit bago ko tinulungan si Manang na maghugas ng plato para libangin ang sarili ko at hindi masyadong mag-isip tungkol sa lalaki at sa Daddy ko. Nag-usap lang kami ni Manang habang ginagawa 'yon kwenento ko sa kaniya ang ilan sa mga nagawa namin at napuntahan namin ni Vladimir sa labas kahit ilang araw lang kaming magkasama. "Talagang masaya ka sa labas ah?" "Oo naman po, Manang. Walang nakasunod sa akin na mga tauhan ni Daddy. N

