Aurora Nabi Agustin Point of View "Ahm, Mr. Donovan— I mean, Vladimir, where are going?" alanganing tanong ko sa lalaki. Nagmamaneho na siya ngayon at ang seryoso ng muka niya habang nakatingin sa kalsada. Inakma ko siyang susundutin pero pinigilan ko ang sarili ko. Parang galit kasi siya o ano. Basta na lang niya kasi akong inaya na umalis na sa resto. Napanguso ako nang hindi niya man lang ako sinagot. Tinikom ko na lang ang bibig ko at tumingin sa labas at mapanood ang mga bagong lugar na nakikita ko sa paligid. Dapat nag-eenjoy ako ngayon dahil may mga bagong lugar kaming nadadaanan. Bago sa mga mata kp. At may bagong lugar akong mapupuntahan kasama si Vladimir. Pero hindi ko magawang magsaya dahil kanina pa tahimik ang lalaking kasama ko. Kanina pa siya. Hindi na niya ako pin

