Nabi POV Late na akong nagising kaya nagmamadali akong pumasok sa banyo at naligo. Anong oras na rin kasi akong nakatulog dahil kila Evonne at Chloe. Talagang seneryoso nila ang pagtuturo sa akin. They let me write it in my notes. Kaya late na rin sila umuwi kagabi. Nakalimutan kong magdala ng damit kaya naman binalot ko ang sarili ko ng bathrobe at siyaka taas noong lumabas ng banyo dahil maginhawa ang pakiramdam ko. Pero nawala iyon nang tumambad sa akin ang si Vlad paglabas ko. He's wearing black sleeves paired with black jeans and shoes. Sizzling hot. Agad na nakuha ng pansin niya ang tunog ng pagbukas ko ng pinto kaya tumambad ang tingin niya sa akin. Bigla akong nakaramdam ng hiya at uminit ang pisngi ko. At kahit na nakasuot naman ako ng bathrobe ay pakiramdam ko nakita na niya

