Chapter 3

2041 Words
Aurora POV I'm warm. My eyes fluttered open, I began to blink rapidly to gain my vision. When I look around I realized that I'm in my room. Paanong narito ako ngayon sa kwarto ko? Napansin kong hindi ko na suot ang damit na suot ko kagabi. Siguro ay binihisan na ako ni Miss Yasmine, ang nag-iisang katulong namin dito sa bahay. Siya lang ang pinagkatiwalaan ni Daddy sa lahat ng taong nag-apply dito bilang katulong. Pinipilit kong bumangon paalis sa kahit na ang bigat bigat ng katawan ko. Napa-igik ako nang maramdaman ko ang pagpitik ng kung ano sa ulo ko. Ang sakit no'n. My head is pounding. I groaned and force myself up out of my bed. Sinubukan kong alalahanin kung ano ano ang mga nangyari kagabi. Kung may nagawa na akong katangahan? Baka kung ano ano ang ginawa ko! Ang naalala ko lang ay napilitan akong uminom ng isang shoy ng alak at nang makaramdam akong nasusuka ay lumabas ako ng bar para sumuka. Tapos. . . tapos may babaeng tumulong sa akin, pina-inom niya ako ng tubig tapos bumalik ako sa mga kaibigan ko sa loob ng bar. Tapos. . . Tapos wala na akong maalala. And everything else is a blur. Wala na akong maalala! Napasapo ako sa ulo ko at impit na napatili sa frustration. "Gosh! I hope I didn't do anything stupid last night!" mesirableng sambit ko. Wala naman siguro akong nagawa 'no? I am behave. . . "Pero naka-inom ka, Nabi," paalala ko sa sarili. Hindi ko kilala ang sarili ko kapag naka-inom dahil kailangan, hindi pa ako uminom at 'yon ang unang beses. Magiging huli ko na rin 'ata 'yon. Sana naman ay wala talaga akong ginawa. Baka makarating 'yon kay Dad. Tatanongin ko na lang sila Chloe at Evonne mamaya. Sa ngayon ay kailangan kong lumabas upang hanapin si Miss Yasmine, tatanongin ko lang kung alam ni Daddy ang ginawang kung pagtakas kagabi ng bahay. Yap. Tumakas lang ako. Kahit kailan ay hindi ako pinayagan ni Daddy na lumabas ako ng bahay. Sabi niya. . . para proteksyonan ako. Naintindihan ko naman 'yon pero hindi ko maiwasang hindi magtaka kung anong meron sa bar na laging pinupuntahan ng mga kaibigan ko tuwing gabi at nagsasaya raw sila ro'n, base sa kwento nila. Kaya naman. . . 'yon, tumakas ako. Habang naglalakad palabas ay iniwasan kong dumaan sa kwarto ni Daddy dahil alam ko na nasa loob lamang siya. Pumunta ako sa kusina kung saan ko matatagpuan si Miss Yasmine at nakita ko nga siya ro'n. "Magandang umaga, Lady Nabi," magalang na bati sa aking ng matandang babae nang makita niya ako. "Miss Yasmine.." alanganing tawag ko rito. Alam niya na agad ang nais kong itanong dahil bumuntong hininga siya. "alam na po ni Dad 'yong. . . kagabi po?" "Oo, Lady Nabi, alam ng Daddy mo na tumakas ka kagabi dahil inuwi ka ng mga kaibigan mo ng walang malay." sabi niya at bumuntong hininga. Nilapitan niya ako at hinaplos ang ulo ko, "bakit mo naman naisipan na tumakas, huh?" "Si Evonne. It was her birthday!" sabi ko. "ayaw ko pong ma-disappoint siya kung hindi ako pupunta. Birthday is just once in a year." nakangusong paliwanag ko. "Hay, wala naman akong magagawa pa. Dalian mo at puntahan mo ang Daddy mo. Mapaliwanag ka sa kaniya. Galit na galit siya kagabi. Pinagalitan niya ang mga kaibigan mo at inalisan niya ng trabaho lahat ng guwardiya." kwento niya. Oh no. "Po?" "Sinabi niyang wala silang kwentang lahat dahil nakatakas ka sa kanila." pagpapaliwanag nito sa akin. Pigil ang luhang iniwanan ko doon si Miss Yasmine at lakad takbong pinuntahan si Daddy sa kwarto ko. Humugot muna ako ng malalim na hininga bago pinihit ang pinto at marahan na binuksan 'yon. Mukang hindi man lang niya napansin ang pagbukas ko ng pinto. Abala ito sa kaniyang ginagawa at hindi ako nilingon. "Uh.. Dad?" alanganin na in ko ang pansin ng aking ama. Nag-angat siya ng tingin sa akin. Matamis na nginitian ko ang seryoso kong ama bago ako dahan dahan na naglakad papalapit sa kaniya. "Dad.. I'm really sorry about last night. Nagawa ko lang naman iyon kasi birthday ng kaibigan ko. I don't want to disappoint my friends for not coming with her birthday party." paliwanag ko. "That's why you choose to sneak out?" seryosong tanong nito. Napangiwi ako. "I know it's wrong. Please,. forgive me. . . Or kahit na huwag muna. Ground me, or be mad at me. Okay lang po but please, dad, huwag mo pong alisan ng trabaho ang mga guwardiya mo.. hindi nila kasalanan." pakiusap ko dito. Hindi kakayanin ng konsensiya ko na mawalan sila ng trabaho dahil lang sa katigasan ng ulo ko. Nagmamakaawa kong tinignan si Dad, "please.. hindi ko na uulitin. I promise. That would be my first and last." sabi ko at nagtaas pa ng kanang kamay. Bumuntong hininga siya. "bakit ba kasi hindi ka makaintindi, Nabi, huh? Ilang beses na kitang sinabihan na huwag kang lalabas ng bahay." kalmado man ang kaniyang boses pero ramdam ko ang kaniyang galit. My Dad is well-known business tycoon. He has wealth and power. My dad is inferred to be the most brutal, ruthless, cold-blooded, selfish man in the business world. That's why he has so many enemies that could hurt me. Dahil doon ay hindi ako naging malayang lumabas ng bahay simula nang magka-isip ako. Hindi pa ako nakapunta sa malalayong lugar. Kapag aalis naman kami ay sa company lang or sa rest house ang punta tapos tinted with curtains pa iyong kotse kaya never kong nakita ang tanawin. At higit sa lahat.. nakapalibot sa amin ang mga armadong guwardiya. Mataas din ang pader na nakapalibot sa kabuoan ng lupain namin. At dahil sa dami niyang ka-away ay hindi niya ako kahit kailan man pinakilala sa ibang tao bilang anak niya. It's hurting me sometimes but I got used to it. Naintindihan ko naman, dahil prinoprotektahan niya ako sa mga may ayaw sa kaniya dahil ang tingin nila sa kaniya. . . . masamang tao. But him being so bad to the eyes of others? That's sounds pathetic to me. Maybe because I'm his daughter and I haven't seen that side of him, only the strict one and the loving side. My dad is so gentle to me. My dad is so protective since then but it's overwhelming sometimes, whatever I do, whenever I go, I always need a guard by my side. I never get my privacy nor freedom. Hindi naman sa ayaw ko na may paki siya sa akin. Gusto ko lang namang maging malaya. "I'm sorry dad," hingi ko ng tawad. Lumapit ako sa kaniya at niyakap siya. "Please, forgive me . . ." "Gosh.." hinilot niya ang sintido niya. "you're forgiven. I love you, my daughter." bumigay kaagad ang Daddy ko sa akin. Niyakap niya ako at parang nakahinga pa siya ng maluwag. Napangiti ako. Alam kong hindi niya ako matitiis. "Please, huwag mo ng ulitin iyon. Sobrang nag-alala talaga ako." pakiusap niya rin. Tumango naman ako bilang sagot. "Dad, huwag mong alisan ng trabaho mga guard mo." nakangusong pakiusap ko. Nangiti naman siya, "my lovely daughter is so kind. . ." komento nito bago tumango tango. Impit napahiyaw naman ako sa tuwa. Pagkatapos kong humingi ng tawad kay Dad ay nagpaalam na akong babalik sa kwarto. Tinawagan ko kaagad si Chloe at saktong kasama naman niya si Evonne. "Girls, nalaman ko na pinagalitan kayo ni Dad, noong hinatid niyo ako?" panimula ko. "Sorry girls." nagu-guilty talaga ako. "Ano ka ba, Nabi! It's okay! It's our fault naman eh. Alam na nga namin na bawal sayong lumabas eh pinilit ka pa namin." sabi ni Chloe. "True! It's our fault. Pina-inom din kita kaya ka nalasing that night kahit na alam kong mahina tolerance mo sa alak. I'm sorry.. and we deserve na mapagalitan." dagdag naman ni Evonne. "No, girls! It's my fault. May utak naman na ako at kaya ko naman kayong tanggihan pero sumama pa rin ako." malungkot na sabi ko. "It's my choice." "Tama na ang sisihan. Change topic! Anyway, girl, sino iyong lalaking kasama mo kagabi?" tanong ni Evonne. Natigalgal ako sa nalaman. "H-Huh? Lalaki?" nagugulat na usal ko. May kasama akong lalaki kagabi?! "Yeah? Iyong gwapong lalaki na kasama mo noong nakita ka namin dahil bigla kang nawala sa paningin namin?" pasegundamanong tanong din ni Chloe. Napanganga naman ako. Lalaki? Kasamang lalaki? "What you girls is talking about? I didn't remember anything." naguguluhan na sabi ko. "Girls, tell me, did I do something crazy last night?" wala pa man ay tumibok na ng malakas ang puso ko. Kinakabahan na baka may nagawa nga akong kag-gahan. "Yap. With that guy. You said it yourself." Chloe said. "Kaya nga! Pero masamang alaala iyon for you so it's better na hindi mo na lang maalala. Right, Chloe?" "Yeah." "But I wanted to know.. sobrang sama ba? With that guy talaga?" kinagat ko ang kuko ko dahil sa sobrang kaba. Anong ginawa ko? "Trust us, girl. It's good to us but for you... It's better that you didn't know so yeah.. Bye!" "Bye!" paalam nila. Wala akong nagawa nang patayin nila ang tawag at nang tatawagan ko na uli sila at pinapatayan nila ako. Ilang ulit kong sinubukan pero mukang ayaw nilang malaman ko pa kung ano ang nagawa ko kagabi. Ngumuso ako at nahiga ako sa kama. Tumulala ako sa ceiling at pilit na inaalala ang nangyari kagabi. Hayst. Bakit kasi hindi na lang nila sabihin sa akin ang nangyari? Wala akong masagap na alaala kagabi, siguro iyon ang epekto ng alak? Kahit na anong pilit ko ay wala talaga. Kaya naman lumabas na ako sa kwarto ko at dumeretso sa kusina upang kumain ng almusal. "Good morning ulit, Miss Yasmine!" masayang bati ko rito. "Maayos na ba kayong mag-ama?" nakangiting tanong niya habang pinagsisilbihan ako. "Opo." tumango tangong ko. "Mabuti naman kung gano'n." sabi nito, "huwag mo ng uulitin ang ginawa mo kagabi huh? Sobrang nag-alala sayo ang Daddy mo. Kung nakita mo lang." Agad akong nakaramdam ng pagsisisi. Kagabi ko lang sinuway si Daddy, at talagang masama nga na sinusuway ko siya. "Hindi na po ako uulit, Miss Yasmine. I've learned my lesson." sabi ko. Pangit sa pakiramdam kapag nagagalit ang Daddy ko sa akin. "What time will Mrs. De Vera come here po?" tanong ko habang pinaglalagay niya ako ng pagkain sa aking pinggan. "Oh? Hindi pa ba nasabi sayo ng Dad mo?" "Nasabi po ang ano?" nagtatakang tanong ko. "Si Mrs. De Vera ay nag-quit na sa pagiging private teacher mo, Lady Nabi," imporma nito sa akin. Napasimangot ako sa nalaman ko. Si Mrs. De Vera, siya na ang ika-limang private teacher ko ngayong taon, tapos. . . siya na rin ang ika-limang private teacher ko na umalis. Although it is a bit understandable since I'm not that good and not actually the easiest person to teach. I am a slow learner and I got easily distracted. "It must had been the math..." malungkot na sabi ko at sumubo ng pagkain at mabagal na nginuya 'yon. "Ayos lang 'yan, Lady Nabi, hindi mo naman kasalanan 'yon. At mukang nakahanap na ang Daddy mo ng kapalit. Mukang makikilala mo rin ang bago mong guro sa mga susunod na araw." sabi nito sa akin, reassuring me and comforting me. "Okay..." I said. She flash a comforting smile so I smiled too. Susubo na sana ako sa hatdog na siyang ulam ko ngayon pero napatigil ako nang may sumulpot na alaala sa utak ko. Napasinghap ako. Nanlaki rin ang mga mata ko at parang takot na takot ako sa hatdog na hawak ko dahil hinagis ko iyon palayo sa akin! "Lady Nabi? Ano iyon?" gulat at nagtakang tanong ni Miss Yasmine sa akin. Napatingin pa siya sa hotdog na hinagis ko. "Ah. W-Wala po." sagot ko. "may. . . may ipis po akong nakita at nagulat lang. Hehe." palusot ko na lang. Natawa ang ginang sa akin bago umalis at bumalik sa kaniyang ginagawa. Ako naman ay napatulala sa hotdog na naiwan sa plato ko. Hindi makapaniwala sa alaalang sumulpot sa utak ko. Oh my gosh. Nabi, what have you done?! Did I really do that? Did we do that?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD