Nabi POV "Why don't you—" "Hush. Don't provoke me, Miss Nabi." he hushed me, dinikit niya ang kaniyang hintuturo sa labi kong nakaawang. Kumunot din ang noo ko dahil sa tinawag niya sa akin. Hindi na Aurora? Muntikan pa akong matumba nang binitawan niya ako at lumayo sa akin. Nakatingin siya sa akin ng matiim at tumaas ang gilid ng labi niya dahil sa nakita. Kinagat ko ang labi ko dahil sa kahihiyan. Habang nawawala ang init at kung ano mang nararamdaman ko sa loob ko ay unti unti kong naramdaman ang hiya sa lalaking nasa harapan ko. Gusto kong pagalitan ang sarili ko. Ano iyon, Nabi? Why don't you try? Huh! Ang tapang mo naman. Parang hindi na ako iyon ah. Mabuti na lang at pinutol niya ang sasabihin ko pa. "You're my best friend's daughter." sabi niya habang nakatitig sa akin. Na

