CHAPTER 2: Found Guilty

1875 Words
NAPAIYAK na lamang ako sa desisyon ng korte. Reclusion perpetua o habang buhay na pagkabilanggo ang ipinataw nilang kaparasahan sa akin dahil guilty ako sa pagpatay sa mama. “Attorney…” umiiyak na tawag ko habang nakaposas ang mga kamay ko. Nakatingin ako sa mga mata ni Marco. Ang mga mata niya ay hindi lungkot at awa ang ipinakikita. Bakit masaya ang mga matang iyon? Kumikinang at parang mas lalo akong idinidiin sa kasalanang alam kong imposibleng magawa ko. Napailing-iling na lamang ako habang ang mga mata ko ay nakikiusap sa kanya. Tumayo lang siya at tinalikuran ako saka diretsong lumabas ng court. Bakit parang tuwang-tuwa siya sa nangyari sa akin? Hindi na ba talaga ako mahal ni Marco? Wala na ba talaga siyang tiwala sa akin? Ito ang unang beses na nakita ko siyang muli simula nang magpaopera ako sa aking mga mata. Hindi ko mapigilang mapaiyak. Nakita ko sa buong oras ng hearing ang galit sa mga mata niya na parang hindi asawa ang tingin niya sa akin. Naniniwala siyang ako ang pumatay kahit alam kong hindi ako. Oo, nagising nga akong hawak ko ang kutsilyong itinarang sa tiyan ng Mama Miranda para bawian ito ng buhay ngunit hindi naman nangangahulugang ako talaga ang nakapat.ay sa kanya. Ngunit ang mga ebidensya ay walang ibang itinuturo kung hindi ako. Lumapit sa akin ang abogadong humahawak ng kaso ko. Bata-bata pa siya, sa tingin ko ay nasa thirty lang siya. Hindi ko na inusisa pa kung anong klase siyang tao. “I’m sorry, Miss Heaven. Ginawa ko ang lahat pero mas lalong nadiin ka lang sa kaso dahil sa mga ebidensya. Kung mayroon lamang tayong saksi ay baka hindi ka masesentansyahan.” Awa at pagkadismaya ang bumaha sa mukha ni Attorney Hint Alfaras. Alam ko namang gagawin niya ang lahat at tutulungan niya ako kahit isa siyang public attorney. “Puwede ba akong makiusap sa iyo?” Ngunit bago ko pa matapos ang sasabihin ko ay may nag-angat na sa akin sa kinauupuan ko para tuluyan na akong ikulong. “S-Sandali lang… Pakiusap, hayaan n’yo muna akong magsalita. Attorney, hanapin mo ang pumatay sa tatay ko. Pakiusap…” Napayuko na lamang ako upang itago ang kahihiyan. Lahat ng mga naroon ay masama ang tingin sa akin at hinuhusgahan ako. “Mamatay-tao!” “Dapat lang sa iyong makulong!” “Magdusa ka!” Mga sigawan at panghahamak sa pagkatao ko. Wala akong ginagawang masama. Bakit nila ako hinuhusgahan? Kahit naman ipagsigawan ko pa sa mundo na inosente ako ay walang makikinig sa akin, walang maniniwala. Bulag na ang mga tao sa katotohanan. Akala ko ako lang ang nabulag, iyon pala mas nakaaawa ang mga taong ito na may paningin nga, ngunit hindi naman makita ang katotohanan. Gusto ko na ring sumuko. Baka nga, hindi talaga ako nararapat sa mundong ito. Kahit ang asawa ko ay hindi naniniwala sa akin. Kung sa bagay, hindi pa naman talaga namin lubusang kilala ang isa’t-isa. Nakilala ko si Marco sa business namin ng tatay. Gumagawa kami ng mga furnitures at kapag may order, saka lang kami tulong-tulong na gumagawa habang minamano-mano ang lahat. Apat lang kami nila tatay na gumagawa, ang dalawa naming kapit-bahay, ako at ang tatay. Ako ang kumukuha ng order at si tatay naman ang kumikilos kasama ang dalawa pang lalaking kapit-bahay namin. Okay naman ang lahat, dahil kabisado ko na ang trabaho, ang bawat kanto ng bahay o anumang gawain ay sanay na akong kumilos. Mabilis lang sa akin ang lahat. Kahit bulag ako ay mas magaling pa nga raw ako ikumpara sa taong nakakakita. Kapag may ginagawa kasi si tatay palagi siyang nag-aanunsyo kung saan niya inilalagay ang mga gamit. Nakabisado ko ang lahat. Mahirap ngunit kapag sanay ka na at wala kang ibang mapagpilian, madali na lang ang lahat. Dumating sa bahay namin si Marco at nakapansin sa mga gawa ng tatay ko. Kumuha siya ng maraming orders at binigyan pa kami ng pang-capital para lumago ang negosyo namin. Inabot lang ng ilang buwan at hindi naglaon ay lumago ang negosyo. Hanggang nalaman ko ang rason kung bakit panay ang dalaw ni Marco sa bahay. Hindi ko alam na may gusto na pala siya sa akin. Si tatay ang nagde-describe ng hitsura ni Marco. Palagi niyang sinasabi sa akin na magandang lalaki si Marco, mukhang artistahin at halatang mayaman. Wala naman akong pakialam kung mayaman o gwapo pa si Marco. Ang mahalaga sa akin ay hindi niya ako hahamakin dahil bulag ako. Ayaw ko kay Marco noong una, iniisip ko kasing naaawa lang siya sa akin. Pero ang tatay, kahit fifty-three na ay nuknukan ng kulit. Siya ang nagiging tulay para lang bigyan ko ng pansin si Marco. Gusto raw ng tatay na masilayan ang magiging apo niya at gusto niyang maging manugang ay walang iba kung hindi si Marco Cervancia. Alangan talaga ako kay Marco dahil hindi ko alam kung anong background mayroon siya ngunit, nangako siya sa akin na hinding-hindi niya ako iiwan kahit maging against all odds pa nga raw, tutulan man daw kami ng buong mundo ay handa siyang ipaglaban ako. Parehas na taon ay nakasa kami ni Marco. Tatlong buwan simula nang magkakilala kami ay naging nobya niya ako at nag-propose siya ng kasal sa harap namin ni tatay. Naalala kong nag-record pa noon ang kasamahan namin dahil ang sweet-sweet nga raw ni Marco. May pa-flowers, teddy bear at chocolate mallows pa. Hindi naman iyon ang unang beses na nakatanggap ako ng mga suhol mula sa kanya. Walang araw na wala siyang dala tuwing pupunta siya sa amin. Napakasipag ni Marco na dalawin ako. Mas marami pa siyang oras sa akin kaysa sa mismong trabaho niya. Nalaman kong isa pala siyang CEO ng mga cosmetics at ang nanay niya ang chairwoman ngunit dahil nga siya na ang naging CEO ay huminto na sa pagtatrabaho ang nanay niya at minsan monitoring na lang daw sa business nila. KAYA pala palaging may mga cosmetics na dala si Marco noon at ang nakatatawa pa ay siya ang nagme-makeup sa akin. Hindi ako naglalagay ng kahit anong makeup o kolorete sa mukha. Kapag may okasyon ay si papa ang naglalagay ng organic lip tint sa labi ko at naglalagay ng pulbos. Iyon na ang pinaka-makeup at disenteng ayos ng mukha ko. Ang natural at diretso kong buhok ay madalas naka-ponytail lang. Itim na itim daw iyon at maganda ang lago ayon kay papa. Kapag umaabot na sa baywang ko ang haba, si papa ang gumugupit para daw makatipid kami. Naalala kong minsan na akong dinala ni Marco sa salon na pag-aari ng pamilya nila. Hindi ko akalaing iyon na para ang araw na ikakasal ako kay Marco. Twenty-three lang ako at twenty-five naman si Marco. Kung tutuusin ay mga bata pa kami ngunit tumibok na ang puso namin para sa isa’t-isa. Napamahal na sa akin si Marco at humiling ako na ibalik sa akin ang aking paningin para makita ko si Marco at hindi na sisihin pa ng tatay ang kanyang sarili. Palaging sinasabi ng tatay na kasalanan niya ang pagkabulag ko noong walong taong gulang pa lamang ako. Abala si tatay sa paglalagare ng mga kahoy na materyales sa gagamitin namin sa furniture. Iyon ang kinabubuhay namin at kapag may order ay siya lang ang gumagawa. Tumutulong-tulong lang ako noon. Bumagsak ang mga kahoy na may maliliit na piraso nang masangga ni tatay dahil nahilo siya mula sa halos walang tulog para lang mahabol ang deadline na ibinigay sa kanya ng customer. Hindi niya napansing naroon ako. Nang magising siya ay puno na ng dugo ang mga mata ko na natamaan ng mga piraso ng maliliit na kahoy at pumasok iyon sa iris ng mga mata ko. Inoperahan ako na maalis ang mga piraso ng kahoy sa mga mata ko. Nadismaya at sobrang na-depress si tatay. Naghanap din siya ng puwedeng mag-donate sa akin ng cornea para sa eye transplant ngunit wala kaming mahanap at kulang pa ang ipon ni tatay. Para nga sana iyon sa pag-aaral ko hanggang magkolehiyo ako ngunit nagamit namin sa hospital bills. Maraming naganap ng araw na iyon. Kasama na rin doon ang pag-iwan sa amin ni nanay. Nakahanap siya ng mayaman at dahil bulag na raw ako ay hindi niya kaya ang responsibilidad sa akin. Mahal na mahal siya ni tatay. Nakiusap pa nga si tatay na huwag kaming iwan pero walang nangyari. Ipinagpalit pa rin kami ni nanay sa ibang lalaki. Pinilit kong tanggapin ang lahat. Na sa murang edad ay kailangan kong magsumikap hindi lang para gumaling kung hindi para mabuhay at matulungan si tatay. Kinausap ako noon ni tatay na huwag na huwag akong susuko, na hindi kami dapat na sumuko, anumang dagok o hamon ang mayroon. Pinanghawakan ko ang sinabi ni tatay. Huminto ako ng isang taon sa elementarya dahil nagkasakit ako at pinasok naman ako ni tatay sa ibang school na eskwelahan para sa mga katulad kong may disability. Nakahanap naman si tatay at kahit medyo mahal ang tuition fee at mga materials sa school, itinaguyod ako ni tatay. Wala siyang pahinga at halos isa o dalawang oras lang ang tulog niya para lang masuportahan ako. Gusto niyang makatapos ako ng pag-aaral hanggang kolehiyo. Proud na proud ako sa tatay ko dahil napakasikap niya at huwarang ama para sa akin. Hinding-hindi ko siya maihahalintulad sa ibang ama dahil walang kapares ang tatay ko. May prinsipyo, may paninindigan, matiyaga, may pangarap at hindi lamang sa sarili niya kung hindi para sa aming dalawa. Katulad talaga ni tatay ang gusto kong mapangasawa. Pero nang tuluyan ko na ngang nakilala si Marco parang nasasalamin ko na rin na halos parehas sila ng ugali ni tatay. Ikinasal kami ni Marco sa huwes at nangako siyang magpapakasal kami sa simbahan kapag nakakita o bumalik na ang paningin ko. Tutol ang mama niya na ako ang mapangasawa nang unang beses na dumalaw kami sa kanila. Galit na galit nang malamang bulag ako. Simula niyon ay hindi na binabanggit pa sa akin ni Marco ang tungkol sa kanyang ina. Umalis din daw siya ng bahay dahil hindi niya kayang makasama ang kanyang ina na tutol sa pagmamahalan namin. Pinilit ko si Marco na huwag nang magdamdam sa kanyang ina at nakumbinsi ko siyang doon na lamang kami manirahan sa kanila. Mag-isa na lang din sa buhay ang kanyang ina at naawa ako dahil lumaki akong hindi nakasama ang nanay ko. Ayaw ko namang magaya sa akin si Marco. Pinilit din naman ng mama na matanggap ako hanggang may magandang balita na dumating na ang donor ko at matutupad na ang eye transplant na pinapangarap ng tatay ko para sa akin. Hindi ako tuluyang naging masaya dahil kapalit niyon ay ang pag-alis ni Marco para sa isang event sa Paris. Nasa ospital na nga ako nang makaalis siya. Hindi naman matagal ang surgery, dalawang linggo lang akong nanatili sa ospital kasabay rin pala niyon ang pagtatagal ni Marco sa Paris. Nakabalik ako sa bahay nila para sa tuloy-tuloy kong paggaling. Wala akong masabi sa mama ni Marco dahil bumait siya sa akin nang sabihin kong ako ang kumumbinsi kay Marco na bumalik sa ina nito. Nagkasundo na nga kami ng mama hanggang isang malagim na pangyayari ang gumising sa madilim kong paningin at napalitan ng kulimlim na kapighatian.

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD