"A___ng po_____gi mo." paunti-unting usal ni Blessy habang sumasailalim na ito sa therapy. It's been a month since ng magising si Blessy at paunti-unti nakakarecover na ito. Kita n'yang determinado si Blessy na gumaling at makabalik na ulit sa dati kaya naman hindi mapigilan ni Saitan ang maluha habang pinapanood ang asawa. Kita n'yang na hihirapan pa ito kumilos at mag salita, minsan iiyak na lang ito na parang gusto ng sumuko pero lilipas lang ng ilang sandali magiging okay na ulit ito. Nang una puro ungol lang ito at galaw ng daliri saka leeg. Naawa s'ya sa asawa dahil alam n'yang may gusto itong sabihin pero hindi nito masabi kaya iiyak na lang ito. Daig pa nila palagi ang nag pepenoy henyo kapag umuungol ito at kapag may gustong hingiin na sa huli naman ay na iintindihan din nila mata

