Natigilan sa pag labas si Blessy ng makita si Saitan na nasa labas ng motel na pinuntahan n'ya para tulungan si Byran. Nakaramdam s'ya ng kaba ng makitang madilim ang anyo nito at mariin na nakatikom ang mga bibig. Nag kukuli tuloy s'yang lumapit sa asawa, kinakabahan s'yang mag paliwanag baka magalit ito at bigla s'yang sigawan. Alam n'yang mali ang ginawa n'yang palihim na pag tulong kay Byran at possible ikagalit talaga ni Saitan late na ng marealize n'ya. Madalas talaga shonga s'ya at padalos dalos kaya nagagalit sa kanya si Saitan. Umikot si Saitan at binuksan ang passenger seat napakagat labi pa si Blessy at hindi malaman kung hahakbang ba s'ya o hindi. "Sasakay ka ba ng maayos o kakaladkarin kita mula d'yan." mariin na usal ni Saitan kaya naman napahakbang na s'ya ng mabilis. Kaila

