"Tandaan mo hija, hindi lahat ng nag papakasal nag mamahalan at hindi lahat ng nag mamahalan totoo. Hindi lahat ng naririnig mo totoo pero yung nakikita at nararamdaman mo iyon ang totoo. Gets mo ba?" tanong ni Pipay habang naka-upo s'ya sa isang pang batang swing. Habang ang biyenan naman ay naka-upo sa wheelchair nito since may cast pa ang paa. Nakuwento na n'ya rito ang hinaing n'ya sa marriage life nila ni Saitan. Nilakasan na lang n'ya ng loob kahit ina ito ni Saitan, wala naman s'yang pag sasabihin ng problema n'ya. Marami s'yang kaibigan pero wala s'yang maituturing na bestfriend dahil ang kapatid lang n'ya ang usually na sumbungan n'ya pero pare-pareho ng may asawa. Si Klary naman busy sa pag rereview nito para sa bar exam nito kaya hindi maka-uwi ng Pilipinas. Kaya ang ending para

