Chapter Twenty Two SANYA MASAKIT na sa mata ang tumatamang sinag ng araw sa mukha ko. Siguro ay nakalimutan kong ibaba ang kurtina ng glass window ko kagabi. Ang ganda ng panaginip ko kagabi. May kayakap daw ako at ang exciting doon ay walang mukha iyong lalaking kayakap ko matulog. So, matutulog akong muli para ituloy ang panaginip kong iyon. NAPABALIKWAS ako nang tumunog ang cellphone ko na nakapatong sa mesa. Nagtaka pa ako ng ilang sandali dahil nakalimutan ko yatang wala ako sa bahay. Tila ba nagising ang buong diwa ko nang makita ang oras sa aking cellphone. Alas otso na ng umaga. Lagot, late na ako. Mabilis akong bumaba sa kama at nagtungo sa kusina. Hindi ko mahagilap si Aling Sabel. Tanging si Mon-mon lang ang nadatnan kong nagpi-prito ng tuyo. Natakam ako nang pumasok s

