Chapter Eight

2018 Words
Chapter Eight MON "A-ANONG pinagsasasabi mo?" gulat na tanong ni Sanya matapos kong sabihin na ibuka niya ang kanyang hita kung sasakay siya. Iba yata ang iniisip niya. Tinago ko ang ngiti sa labi. "Ang sabi ko, ibuka mo ang mga hita mo kung sasakay ka-" pinutol niya ako sa pagsasalita at nilasap ko ang pangungurot niya sa aking tagiliran. Pambihirang babae, pakiramdam ko ay nabalatan pa ang parteng kinurot niya. "Napaka manyak ng isipan mo Ramon. Anong ibuka ang hita ang pinagsasabi mo? Siguro nanonood ka ng p**n no? Grabe ka Ramon, hindi ka na nahiya sa akin," dere-deretsong talak niya. Humagalpak ako sa tawa dahil sa paratang niya. "Ikaw ang may maduming iniisip diyan, Sanya. Patapusin mo kasi muna ako bago ka magsalita," Pinagkrus niya ang kamay niya sa kanyang dibdib saka matalim akong tiningnan. "Ewan ko sa'yo, Ramon. Ihatid mo na lang ako," inirapan pa niya ako. Hindi na ako nagpalit pa ng damit dahil wala naman akong dala. Sana lang ay hindi siya mahiyang ako ang maghahatid sa kanya dahil luma ang suot kong jacket at pantalon. Sa bukid naman kasi talaga ang punta ko. Dahan-dahan ang pagmamaneho ko dahil bukod sa gusto kong ligtas ang angkas ko, gusto ko ring damhin ang tsansang ito na sobrang magkalapit kami. Tahimik lamang kami. Tanging ang ugong ng motorsiklo ang naririnig. Kakaunti pa lang ang mga sasakyang nadadaanan namin dito sa Villa Hermoso ngunit pagdating sa bayan ay nakatitiyak akong maingay na doon. Tinuro naman niya ang daan papunta sa bahay ng kaibigan niya. Kilala ko iyon. Siya iyong payat at maputing babae na kasa-kasama niya palagi. "Diyan sa may pulang gate. Bukas naman kaya ipasok mo na lang 'yang motor," siya. Pansin kong malaki ang bahay ng kaibigan niya. Napansin ko rin ang isang itim na van at bumaba doon ang isang lalaking maputi at matangkad. Napakunot ang noo ko habang tahimik na pinagmamasdan ang lalaki. Bumaba si Sanya kaya siya ang tiningnan ko nang masama. Lumingon sa amin ang lalaki at napangiti nang makita si Sanya. "Oh, baby! Ikaw pala," pucha baby raw. Hinigpitan ko ang pagkakawak sa motor dahil sa panggigigil. Tila ba gusto kong manapak ng isang lalaking mukha namang lumpia. "Hi, kuya. Welcome back," sagot naman ni Sanya. Pinaandar ko ang motor at mabilis na umikot at sa muling nilingon si Sanya. "Magre-review pala ah," kako saka hindi na pinakinggan ang sagot niya. Baby raw eh. Baby raw siya ng damulag na iyon, pucha. Hindi ko alam kung bakit tila mas lalong uminit ang sinag ng araw. O baka mainit lang talaga ang ulo ko kaya ganito. Habang nagmamaneho ako ay hindi ko maiwaksi sa isipan ang nakitang palitan ng ngiti ni Sanya at ang lalaking iyon. Nakarating na rin ako sa bahay nila at naabutan ko si Mang Sandy na nilalagay ang isang sako ng abono sa kanilang side car. "Pakikuha naman iyang krudo diyan sa tabi, Mon," aniya kaya tumalima ako at kinuha ang krudong nakalagay sa dalawang bote ng Wilkins. "Aanhin niyo po itong krudo?" ako. "Magpapatubig ako mamaya pagkatapos nating tanggalin ang ilang d**o sa palayan bago tayo mag-abono," sagot niya at sumakay na rin ako sa side car nila. Lumabas na rin si Sally na balot na balot habang bitbit niya ang dalawang kaldero sa kanyang kaliwang kamay. Sa kanan naman ay ang water jug. Dali-dali akong bumaba saka siya nilapitan. "Ako na diyan sa water jug," ngumiti siya. "Salamat, Mon," sagot niya. Ginantihan ko ang ginawad niyang ngiti at sabay na kaming sumakay sa side car. Pinaandar na ni Mang Sandy ang makina ng motor at pinatakbo ito nang dahan-dahan. Nakakamangha ang berdeng kapaligiran. Presko sa pakiramdam ang titigan ito. Hindi ko na napansin kung ilang kilometro ang layo ng kanilang bukid mula sa kanilang bahay dahil abala ako sa pagmamasid sa magandang kapaligiran ng Villa Hermoso. TINIGIL ni Mang Sandy ang side car sa ilalim ng puno saka tinuro ang kubo sa gitna ng palayan. "Diyan ang bukid namin, Ramon," hindi iyon kalayuan mula sa aming distansiya. Mabuti na lang at tabi iyon ng hindi sementadong kalsada. Nagsibabaan na kami at binuhat na namin ang mga abono samantalang si Sally naman ay binuhat ang dalawang kaldero at ang water jug. Nauna si Mang Sandy at sumunod na rin ako. "Malawak pala po ang palayan niyo," komento ko habang tinatahak namin ang makitid na daan sa gitna ng palayan. "Sakto lang naman, Mon. Sobrang hirap maging magsasaka. Sa dami ng trabaho at gastos, sa huli'y kakapiranggot lamang ang kita namin. Madalas ay lugi pa," "Oo nga po. Nabalitaan ko sa telebisyon na maraming magsasaka sa Pilipinas ang nalulugi dahil mataas ang presyo ng bigas ngunit bagsak presyo naman ang palay," "Kapag ako ang naging presidente, wala nang maghihirap," biro niya. Nakarating na rin kami sa munti nilang kubo. Binaba namin sa gilid ang mga abono maging ang krudo na gagamitin para magpatubig. "Huwag ka nang tumulong magtanggal ng d**o sa palayan, Sally. Dito ka na lang sa kubo at ipagluto mo na lang kami mamaya ng tanghalian," "Opo, pa," sagot ni Sally saka inayos ang ilang gamit sa kubo. Sa tingin ko ay preskong matulog sa kubo at pwede ring matulog sa gabi dito dahil natatakpan naman ang loob nito. Napapalibutan din pala ito ng mga munting gulay sa paligid. May mga puno rin ng cacao at mga santol kaya presko talaga. Napansin ko rin ang isa pang kubo sa di rin kalayuan. Siguro doon ang makina ng patubig nila Mang Sandy. Sinimulan na rin namin ang pagtanggal ng mga damong nahalo sa mga palay. Lumipas ang ilang sandali ay tagaktak na rin ang pawis ko dahil sa sinag ng araw. Nakarinig ako ng ugong ng sasakyan sa kalsada. Naririnig pa rin naman mula sa kinaroroonan namin dahil bulubundukin ang paligid. Tumayo ako dahil nangalay ang likod ko saka pinunasan ang namuong pawis sa aking noo. Pagbaling ko sa kalsada ay nasilayan ko ang pamilyar na pigura ng isang babae. Tinitigan ko iyon dahil baka namalik-mata lang ako ngunit tila ba may nagsasabi sa aking siya nga iyon. Nakita kong tinatahak niya ang daanan sa gitna ng palayan at doon ay nakasisiguro akong si Sanya nga iyon. SANYA HINDI ako mapakali habang tinatanaw ang papalayong likod ni Mon na nakasakay sa motorsiklo. "Beshy!" patakbong lumapit sa akin ang kaibigan ko at sumimangot nang bumaling ito kay kuya Reese. "Nakauwi ka na pala, kuya," pagmamaktol niya saka lumapit sa kuya niya. "Na-miss kita bunso!" ginulo ni kuya Reese ang buhok niya kaya lalo siyang sumimangot. "Na-miss mo lang naman akong asarin, kuya," "Oo na, payatot," natatawang ani ng kuya niya. "Ikaw naman? Damulag!" Ang sweet nilang tingnan kahit na asar na asar si Cindy sa kuya niya. "Halika na, Sanya. Tara na sa loob. Kainis 'yang si kuya," natatawa naman akong sumunod sa kanya. ALAS NUWEBE pa lang ngunit uwing-uwi na ako. Hindi ko gusto 'yong tono ni Mon bago siya umalis. Nasa kwarto kami ni Cindy habang sinisimulan ang pagre-review ngunit kahit anong basa ko sa notes ko ay wala talagang pumapasok sa isipan ko. Hanggang sa sumapit ang alas dyes, heto pa rin ako, hindi mapakali. "Uyy, beshy, okay ka lang? Kanina ka pa diyan. Para kang kiti-kiti," "Parang ano kasi, beshy… uhh, ano," hindi ko naman alam kung anong sasabihin ko o kung paano ko ipapaliwanag sa kanya ang nararamdaman ko. I just feel uncomfortable with Mon's malicious eyes kanina. "Ahh, beshy kasi…" Tiniklop niya ang binabasa niyang libro saka ako tinitigan. "Beshy naman, ang seryoso mo naman eh," reklamo ko. "So, bakit ka nagkakaganyan?" "Eh kasi, hindi ako komportable doon sa tingin ni Mon sa akin noong umalis siya eh. Kainis. Parang may ginawa ako sa kanya pero hindi ko naman siya inaano eh," Maya maya pa ay humagalpak ang lukaret kong kaibigan. "I knew it! You're starting to fall in love!" "Hah? Gaga, anong in love ka diyan. Hindi ah," "Ayiee, in love na siya!" tinutukso na niya ako. "Cindy naman eh, bawal muna akong ma-in love. Alam mo na. Priority first," "Alam mo, Sanya my friend, you don't have to hold back kasi there's no turning back na talaga," maarte ang pagkakabigkas niya sa tuwing naghahalo ang Filipino at Ingles na salita niya. Ang sarap niya tuloy batukan. "Anong turning back ka diyan, ayokong ma-in love," Hinawakan niya ang kamay ko saka ginawaran ako ng nang-aasar na tingin. "Yieee, sige na. Umuwi ka na. Baka nagseselos nga ang prinsipe mo kung nakita niya si kuya kanina. Go na beshy, ipapahatid na lang kita kay kuya," hinila niya pa ako. "Alam mo ikaw, bugaw ka talaga," natatawang ani ko. Kinuha ko na ang shoulder bag ko habang si Cindy naman ay kinausap niya si kuya Reese. "Huwag na, kuya Reese, beshy. I can manage. Marami namang tricycle diyan eh," nahihiya akong mang-abala. "Ano ka ba, Sanya, come on. Ihahatid ka ni kuya, right kuya?" at bumaling siya sa kapatid niyang nakasalampak sa magara nilang sofa. "Of course, I will! Mas gusto ko pa ngang maging kapatid itong si Sanya kaysa sa'yo eh," pang-aasar ni kuya Reese kay Cindy. Nakakatuwa talaga silang pagmasdan. Kung hindi ko lang alam na magkapatid sila ay iisipin kong bagay sila. Um-oo na lang ako dahil si kuya Reese pa ang naunang lumabas sa pintuan nila at kinuha ang susi ng magara nilang motor. Hindi ko na rin alintana ang hiyang nadarama dahil gustong gusto ko nang umuwi. MABILIS naman akong naihatid ni kuya Reese sa bahay. "Salamat, kuya hah? Naabala pa tuloy kita," "No problem, baby. Parang kapatid na nga rin kita eh," kahit na gano'n ay nahihiya pa rin ako. Muli akong nagpasalamat at umalis na rin siya. Mature siyang tingnan ngunit nasa tatlo hanggang apat na taon lang naman ang agwat namin. He's such a sweet brother to Cindy. Sana lahat may kuya. Dalawa lang kasi kami ni Sally ang magkapatid at nataong ako pa ang panganay. Hindi man ako gano'n ka sweet kay Sally ngunit kung kailangan niya ako ay lagi naman akong nasa tabi niya. NAGBIHIS ako ng pajama at jacket dahil ayaw ko namang masugatan ako sa mga matatalim na d**o sa palayan. Natanaw ko si mama na abala pa rin sa garden niya ngunit kumaway na lang ako. Kinuha ko ang pitaka ko at naglabas ng bente pesos. Eksakto namang may tricycle na paparating kaya pinara ko iyon at tinanong kung maaari niya akong ihatid doon sa palayan namin. Matatagalan pa kasi bago ako makarating doon kung maglalakad ako. Pumayag naman ang tricycle driver at hinatid na ako sa bukid. Mabuti na lang at sa tabi ng rough road ang palayan ni papa. Inabot ko na rin ang bente saka bumaba sa tricycle. Tanaw ko ang kubo at sinimulan ko na ang paglalakad. Habang papalapit ako ay napansin ko si tatay maging si Mon sa gitna ng palayan. Oo nga pala, nagtatanggal sila ng mga damong nahalo sa palay. Lalo akong namangha sa maputing katawan ni Mon na aakalain mong anak-mayaman at hindi sanay sa trabaho. Ngunit heto siya ngayon, tila ba beterano sa kahit anong trabaho. Pagsasaka man 'yan o pagku- kundoktor. Nakamamangha. Bago pa ako matapilok kamamasid sa kanya ay nagtungo na ako sa kubo. Nadatnan ko si Sally na prenteng nakaupo. Pansin ko ring nakaluto na siya. Nagtataka siyang bumaling sa akin. "Ate? Naparito ka?" "Wala lang, gusto ko lang din tumulong," palusot ko. "Weh?" sadyang hindi talaga malilinlang ang babaeng ito. Nagtaas baba pa ang kanyang kilay. "Kung ano-ano na naman ang iniisip mo Sally. Study first," depensa ko kahit wala pa siyang sinasabi. "Ate hah, type mo rin pala siya," hagalpak niya. "Gaga ka. Tumahimik ka nga, baka may makarinig sa'yo. Bawal tayong lumandi. Bawal iyon. Aral daw muna bago jowa," "Oo na po. Tatahimik na," nakangiting saad niya. Muli ko siyang nilingon at pinagtanggol ang sarili. "Huwag kang ngumiti sa akin ng ganyan. Hindi ko crush si Mon," hirit ko pa. "Luhh, wala naman akong sinabi eh. Defensive." End of chapter 8.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD