Chapter 20: He kissed someone behind his back "Ano ang gusto mong pag-usapan Aya?" tanong ko sa kaniya ng makarating kami sa isang silid na nasa pinakadulong pasilyo ng bahay nila. Tumingin siya sa akin at ngumiti. ‘Yung ngiting hindi abot sa tenga, ngiting may sakit, ngiting nagpipighati. "Nang mamatay si Mama, hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Kung paano na ba kami ng kapatid ko? Paano ko bubuhayin sarili namin ng mag-isa? Dati kapag lagi akong pinapagalitan nila Mama at Papa gusto ko na lang na mawala sila, pero ngayon..." tumingin siya sa mga mata ko habang umiiyak "…ngayong wala na sila pareho, hindi ko pala kaya." Napapikit ako at hinawakan siya sa batok pagkatapos ay marahang dinala sa dibdib ko. I stroked her hair for her to calm down. I felt her grip my clothing just on t

