Chapter 40: The Most Beautiful Moment in Life Nakatunghay lang ako sa mga naglalagasang bulaklak ng cherry blossom tree sa may pathway ng paaralan namin habang nakangiti hawak hawak ang aking diploma. Today is the day I've graduated highschool. Ah… mamimiss ko ang paaralang ito. "Nakakalungkot lang isipin na hindi natin nakasabay grumaduate si Akio, no pare?" ani ng isa kong kaklase ‘di kalayuan dahilan para mawala ang paningin ko sa mga bulaklak. Oo nga pala, umalis si Akio papuntang Brazil. Nakakalungkot dahil graduate na din sana siya ngayon, kaso dahil sa isang aksidente ay naantala iyon lahat. Mas nakakaawa lang si Rin dahil sa aming lahat, alam kong siya ang labis labis na nasasaktan ngayon. "Graduate ka na at lahat lahat, mukha ka paring may hindi nasosolve na Math Problem." ani

