Chapter 23: Back at one "Sai! W-what happened?!" gulat na gulat na ani ni Shainon matapos niya akong pagbuksan ng pintuan sa mansyon namin at makita akong basang basa ng ulan. "Manang tuwalya at roba bilis!" dagdag niya pa. Hinang hina akong napayakap sa kaniya na noo'y tanging pulang silk na roba lang ang suot. Nailapag niya ang hawak na glass ng whine sa counter ‘di kalayuan sa b****a ng sala namin. "Shai." nakapikit kong ani habang ibinaon ang mukha sa dibdib niya."It hurts. My chest hurts." Humalo ang luha na kumawala sa mga mata ko sa tubig ulan na tumutulo mula sa buhok ko papunta sa mukha ko. Ang imahe ni Jun kanina na papalayo sa akin ay nakarehistro pa rin sa utak ko na nagbibigay ng sobrang sakit sa dibdib ko. Naramdaman ko ang gulat at taranta ni Shainon. Iginiya niya ako

