Days after... Naveen's POV "Para saan ‘yan?" Lumapit ako kay Fhax nang makita kong hinawakan niya ang isang remote control car na laruan pambata. He just faced me and smiled sadly. "I want to give him a toy, pwede ba?" He asked. Ngumiti naman ako sa kanya at tumango. Nasa mall kami ngayon at nandito sa kids’ section. Hinila niya kasi ako papunta dito ng matapos kaming maggrocery, iniwan rin namin si Gelo sa mga magulang ko para mas mapadali ang lakad naming dalawa. Nakamasid lang ako sa kanya habang bumibili ng tig-tatlong pares ng mga kinukuha nito, napabaling siya saakin at matamis na ngumiti. "For Tyrone, Baby and Angelo." He told me while raising the set of toy cars. Tumango lang ulit ako sa kanya. Kumuha rin siya ng mga dolls at ilang sandals. Hinayaan ko siyang mamili hanggang

