Naveen's POV Dumaan kami ni Mama sa presinto para alamin ang usad ng kaso ni Fhax. Hindi pa kasi namin matukoy kung sino ang naglagay ng bomba sa chopper. Under investigation pa rin ang company ng kaibigan ni Dad pero sabi nila ay wala rin naman silang alam. Hindi naman namin matukoy dahil kamakailan lang ay natagpuan na ang bangkay ng piloto nito. Even the records of the guest. Wala kaming napala. Pati rin ang mga records ng mga sasakyan, wala. "Mukhang tama ang manugang niyo Ma'am. Kung hindi ang may-ari ang may pakana, pwedeng may kilala rin nila. At iniimbestigahan rin naman kung pwedeng dumaan doon ang isang yate dahil 'yun lang ang naiisip naming paraan para makapasok ang suspect." Paliwanag ng pulis saamin. Inisip kong mabuti ang mga nangyari sa loob ng resort. "May kilala po ako

