Naveen's POV "This is Arfhaxad, good morning." Bigla akong nagising sa boses ni Fhax kinabukasan. Hindi muna ako gumalaw at hinintay siyang magsalita ulit. Minulat ko ang isang mata ko at nakatalikod pala ito saakin. Nakatayo siya malapit sa pinto kung saan nakapwesto ang telepono. "Ah, yes. Ikaw pala 'yan." Napahinga siya ng malalim. "Gusto ko sanang tanungin kung may bakanteng room na ba kayo?....Wala pa?...Ah, okay." Napahalukipkip siya. "Ayoko kasing maistorbo ulit sina Naveen. Nagpapahinga na sila sa oras na 'yun...What?...Thank you Lyn...Sana as soon as possible may vacant room na para makalipat na ako...Hindi naman sa ayoko...Gusto ko lang maging masaya sina Naveen sa pagbabakasyon nila dito...Okay, Baka mas maaga ang balik ko sa Maynila kung ganun." Napakagat ako ng labi ko sa

