12 - Bruise

1722 Words
NATIGILAN si Emerald nang paglabas niya sa powder room ay makita niyang nag-aabang doon si Gray. Kaagad itong umalis sa pagkakasandal sa dingding nang makita siya. Umayos ito ng tayo at hinintay siyang humakbang hanggang mapatapat dito. "Sino ang lalaking iyon?" kaagad nitong tanong nang ganap siyang mapatapat sa kinatatayuan nito. Huminto siya at tumingin dito. Alam niyang kanina pa nito iyon gustong itanong dangan nga lamang at isinasaalang-alang nito ang presensiya ni Dra Kayleigh. "Isang kakilala," tugon niya. Dumilim ang anyo nito, nagsalubong ang mga kilay. "Isang kakilalang may malalim na ugnayan sa'yo?" Hindi siya nagsalita bagkos ay pinasadahan ito ng tingin sa mukha bago kumilos upang talikuran ito. "Lalaki rin ako, Emerald," turan nito kaya huminto siya sa pagkilos upang pakinggan ito. "At alam ko kung anong ibig sabihin ng mga titig niya sa iyo." Tiningnan niya ito. "Ikaw, akala ko ba ku-konsulta ka sa Urologist." Hindi niya napigil ang sariling mapasulyap sa ibaba nito at napalunok siya nang makita ang maumbok nitong harapan sa suot nitong pantalon. "M-May problema ka ba riyan?" lakas loob na tanong niya dahil napapaisip siya kanina pa. "Sa totoo lang," sabi ni Gray kaya dinala niya ang tingin sa mga mata nito. "I'm having a bit of problem at ang advice niya sa akin, kumuha raw ako ng s*x therapist." Napaawang ang bibig niya. Bakit sinasabi nito iyon sa kaniya? Huwag nitong sabihin na siya ang kukunin nitong s*x therapist, wala siyang alam tungkol diyan at lalong wala siyang kinalaman sa pakikipagtalik. Tumangu-tango na lamang siya at tumalikod na nang tuluyan. Sumunod ito agad sa kaniya. "Sino si Eric?" Natigilan siya sandali nang marinig ang tanong nito pero kapagkuwan ay nagpatuloy sa paglakad imbes na sagutin ito. "Ano'ng klaseng propesyon meron ka?" tanong pa nito habang sinasabayan siya sa paglakad. "Gaano na ba kayo katagal na magkakilala ng aking ama bago nauwi sa pagpapakasal? Bakit 'ni minsan hindi ko narinig sa kaniya ang tungkol sa'yo, at sa totoo lang nagulat talaga ako nang—" "Nang magkita tayo sa coffee shop," putol niya rito. "Your Dad and I were married a week ago." Huminto siya sa paghakbang at hinarap ito. "Matagal ko ng kilala ang iyong ama, kung hindi niya ako nabanggit sa'yo noon 'ni minsan, siguro siya ang dapat mong tanungin." Totoo naman, years ago nakilala niya si Gob Gael sa isang political event kung saan ay ginanap malapit lamang sa boundary ng Quezon at ng Laguna. Bumisita siya noon sa isa sa mga military camp installation sa dulong bahagi ng Laguna. Nagmula siya noon sa military base ng Second Infantry Division Camp Capinpin sa Tanay Rizal kung saan kasama siyang bumaba ng kaniyang ama para personal itong bumisita. Hindi nagsalita si Gray bagkos ay napatitig sa kaniya. Ewan niya kung ano'ng iniisip nito, malikot ang mga mata nito kaya hindi niya mapairal ang psychological op dito kay Gray. Nasa ganiyang ayos sila nang makarinig ng kakaibang ingay buhat sa dining area ng restaurant na kinaroroonan nila. Sabay pa silang napatingin ni Gray roon bago magkasabay na kumilos papunta doon. Nang sumapit sila sa dining area ay natigilan sila sandali nang makita si Dra Kayleigh na umiiyak habang kaharap ang isang lalaki na pamilyar sa kaniyang mga mata. May kasama itong babae na noon ay tigalgal na nakamata sa doktora, habang ang mga tao sa paligid ay tahimik na nakamasid. Kumilos si Dra Kayleigh at may kung anong bagay na hinubad sa daliri nito at ibinato sa lalaking nasa harap nito, kasunod niyan ay kumilos ito at lumakad palabas sa exit way ng restaurant. Sinundan ito ng lalaki. Kumilos naman si Gray at tinungo ang exit way upang sundan ang doktora, sumunod siya. Sa labas ay inabutan nila ang eksenang sinasampal nito ang lalaki. "Kay, mali ang iniisip mo," hopeless na paliwanag ng lalaki habang sapo ang pisngi nito na kaagad na namula dahil sa kaputian ng balat nito. "Mali?!" pigil ang boses na tanong dito ng doktora, luhaan. "Nakita ko na magka-holding hands kayong pumasok sa entryway. Is this how you treat your patients, Martin!?" Saglit na hindi nakapagsalita ang lalaking ito. Habang siya ay natigilan at napanganga sa lalaking ito matapos niyang marinig ang pangalan nito. Martin. Bigla niyang naalala, ito ang marriage counselor na nilapitan ng parents niya noon nang magkaproblema sa pagsasama. "Kay, ilang metro lang ang layo nitong restaurant sa hospital, sa tingin mo ba may lakas ako ng loob na dalahin dito ang babaeng iyon kung talagang karelasyon ko siya!?" mangiyak-ngiyak na paliwanag pa ni Martin kapagkuwan. "Please, pag-usapan natin ito, ayusin na—" naputol nito ang sinasabi nang muling dumapo ang palad ni Dra Kayleigh sa mukha nito tapos ay umiiyak na tumalikod kay Martin. "Kay, please!?" Habol nito. Noon kumilos si Gray sa tabi niya at sumunod sa mga ito. Sinundan niya ito ng tingin at napaawang na lamang ang bibig niya nang makitang bigla na lamang nitong hatawin ng suntok si Martin. Napasadsad sa isa sa mga sasakyang naroon sa parking lot ang sinuntok habang napatulala naman ang doktora. "Gray!" tawag niya sa binata sabay lapit upang awatin ito nang makitang muli nito sinugod si Martin na noon ay maagap namang tumayo at kaagad na tinangkang iwasan ang suntok ni Gray, pero nabigo ito nang umangat ang isa pang kamao ng binata, nasiyapol ito sa panga at muling napasadsad sa sasakyang binagsakan nito kanina na kasalukuyang nag-iingay ang alarm. "Gray!" twag niya ulit dito sabay pigil sa braso nito upang awatin ito sa muling pagsugod kay Martin. Ngunit dahil matindi ang gigil ni Gray rito ay hindi nito ninais na magpaawat, kaya naman nang lumapat ang kamay niya sa braso ni Gray ay umigkas ang braso nito kasama ang siko. Hindi niya inasahan iyon kaya hindi niya nagawang iwasan nang tumama ang siko ni Gray sa kaliwang bahagi ng kaniyang dibdib. Malakas iyon kaya napadaing siya at nakabitaw kay Gray, muntik pa siyang mawalan ng balanse mabuti na lamang at matibay ang mga tuhod niya kaya kaagad siyang nakabawi. Natilihan naman si Gray at kaagad na napatingin sa kaniya. Nanlaki ang mga mata nito nang makitang sapo niya ang kaniyang dibdib. Napatingin din sa kaniya si Martin at agad na namilog ang mga mata nito nang matitigan nito ang kaniyang mukha. Ibinalik ni Gray ang tingin kay Martin at nakita nito ang paraan ng pagkakatitig ng huli sa kaniya. Pasimple at pailalim niyang sinulyapan si Martin bago tiningnan si Gray. "Umalis na tayo," madiin ngunit napapangiwing sabi niya sa binata habang sapo ang kaniyang dibdib. Masakit talaga iyon, pakiwari niya ay nabali na ang kaniyang mga buto roon. Tiningnan niya si Dra Kayleigh na noon ay luhaan at tulalang nakamasid sa kanila habang si Gray naman ay napapakunot ang noong nakatitig sa kaniya. Kumilos siya at nagpatiuna ng magtungo sa sasakyan ni Gray. *** KINABIG ni Gray ang pintuan ng kaniyang silid matapos na makalabas doon. Akmang kikilos na siya upang humakbang nang matigilan. Tiningnan niya si Emerald na noon ay nakatayo sa kaniyang daraanan. "Kumusta na siya?" kaswal ang tonong tanong nito sa kaniya habang nakatitig sa mukha niya. Iniuwi niya roon sa kanilang mansiyon si Dra Kayleigh dahil hindi niya alam kung saan ito ihahatid sapagkat hindi niya ito makausap hanggang sa ngayon. Masamang-masama ang loob nito at walang gustong gawin kun'di ang umiyak. "Umiiyak pa rin siya," tugon niya kay Emerald bago kumilos upang lampasan ito. Patungo siya sa kitchen upang magpahanda ng hapunan kay Camille para kay Dra Kayleigh. "Okay na ang Dad mo," sabi nito na siyang nagpahinto sa kaniyang paglakad sa mismong tapat nito. Sa ospital ito dumiretso kanina at sinilip ang kaniyang ama, bagay na dapat ay ginagawa niya. Tiningnan niya ito sa kaliwang bahagi niya. "Bukas ng umaga ay makakauwi na siya," sabi pa nito saka tiningnan siya sa kaniyang mga mata. "Hindi niya puwedeng maabutan si Dra Kayleigh dito. Kabastusan sa iyong magulang ang mag-uwi ng babae sa kaniyang tahanan." Gusto niyang ikainis ang sinabi nito pero sinikap niyang ngumiti kahit na manipis. "Sa pagkakaalam ko, magiging kabastusan lamang iyon kung mayroon kaming—" "Gray, dinala mo siya sa'yong silid," putol nito sa kaniya. "Ano'ng gusto mong isipin namin?" Pasinghap siyang napangisi bago iniiwas ang tingin dito. "Heto na naman po tayo," kunwa'y nadidismayang gumod niya bago muling ibinalik ang tingin dito. "Huwag mo na nga akong pakialaman sa gusto kong gawin." "Gray, step-mom mo ako at—" pinutol niya ang sinasabi ng madrasta sa pamamagitan ng pagdaklot sa tigkabilang balikat nito. Padarag niya itong isinandal sa dingding. "Hindi mo ba natatandaan 'yong sinabi ko sa'yo sa pool?" pigil ang inis na tanong niya rito. Hindi ito tumugon bagkos ay tinitigan siya sa kaniyang mga mata, bagay na mas nagpasidhi sa inis niya. Bumitaw ang isa niyang kamay sa balikat nito at kaagad iyong pinadapo sa pagitan ng mga hita nito. Narinig niya ang mahina nitong pagsinghap dahil sa kaniyang ginawa. Nagtama ang kanilang mga mata at sa pamamagitan noon ay naghamunan sila. Napatiim-bagang siya sabay kilos ng kaniyang kamay at ini-unbutton ang pantalong maong nito sabay baba sa zipper niyon. "Don't dare me..." gigil na anas niya rito. Napalunok ito. "Ako rin, Gray." Muli siyang napatiim-bagang sabay pasok ng kaniyang kamay sa loob ng panty nito. Napaangat ang mga kilay nito kasabay ang pag-awang ng bibig at pagsinghap. Kumabog ang dibdib niya nang hindi niya sinasadya nang kaniyang maramdaman sa palad niya ang mainit nitong pagka.babae. Tila may sariling isip ang kaniyang kamay na kusang gumalaw roon. Buhat sa mga mata nito ay bumaba ang tingin niya sa dibdib nitong madalas ang naging pagtaas-baba, nahigit nito ang paghinga, palatandaan na matindi ang epekto rito ng ginagawa niya. Napakunot ang noo niya nang makita ang pasa sa dibdib nitong bahagyang nahantad sa suot nitong long-sleeved black shirt. Muli niyang ibinalik ang tingin sa mga mata nito. "Saan mo nakuha iyan?" Hindi ito sumagot bagkos ay iniiwas ang tingin sa kaniya sabay tulak sa kaniya palayo. Napasunod siya ng tingin dito nang kumilos ito at tinalikuran siya. "Emerald..." tawag niya rito. Hindi siya nito pinansin. Napaangat ang kilay niya nang sa dulo ng pasilyo ay makita ang bumungad nilang kasambahay na si Zeny, ito ang nakatoka sa ibabang palapag ng kanilang mansiyon. Naalala nga pala niya na inutusan niya ito na palitan ang kaniyang beddings. Tumikhim siya at patay-malisyang kumilos pasunod kay Emerald.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD