"GRAY!?" napamulagat na tawag ni Emerald dito nang mabungarang hawak ni Gray sa kanang dibdib ang nurse.
Na-shocked marahil si Gobernador Gael dahil hindi ito nakaimik bagkus ay napatanga sa kalokohan ng anak.
Napatingin sa kaniya si Gray pati na rin ang nurse na nakuha pang ngumiti sa kaniya. Inalis ni Gray ang kamay sa dibdib nito at patay-malisyang umayos ng higa.
Mabilis na kumilos si Emerald at inilang hakbang ang distansiya ng hospital bed na kinahihigaan ni Gray. Walang anu-ano ay kaagad niya itong sinampal nang ganap siyang nakalapit dito.
Nasapo nito ang pisngi at napamata sa kaniya maging ang dalawa pa nilang kasama roon.
"Ano ba'ng problema mo?!" paasik na tanong nitong sa kaniya.
"Hindi tama ang ginawa mo sa kaniya, Gray—"
"No, it's okay," putol sa kaniya ng nurse kaya naman natigilan siya bago napatingin dito. "Hindi naman niya sinasadya, nililinis ko ang sugat niya at medyo napadiin ang paglapat ng kamay ko kaya nagulat siya at napahawak sa dibdib ko, nagulat din ako kaya napasigaw ako, sorry," pagpapaliwanag nito.
Gusto niyang mapatikwas ang kilay sa nurse. Mukhang nagustuhan pa nito ang ginawa ng binata. Tiningnan niya ang sugat ni Gray sa tagiliran na nakayangyang bago ibinalik ang tingin dito.
"Kung natingnan mo na ang vital signs niya, ako na ang bahalang maglinis sa kaniyang sugat." Sinikap niyang maging mahinahon nang sabihin iyan kahit pa nga ang totoo ay labis siyang naiinis dito at nahihiya sa pinaggagawa nito.
"Pero—"
"No, it's okay," gagad niya sa sinabi nito kanina. "Mas magaan ang kamay ko kaysa sa kamay mo kaya sigurado ako na hindi niya dadakutin ang dibdib ko," napika na niyang sabi sa nurse.
"Wow!" react ni Gray. "Ano ba'ng problema mo?" tapos ay halos pabulong na tanong nito.
Tinapunan niya ito ng medyo matalim na tingin.
Lumapit naman sa kaniya si Gobernador Gael at ipinatong ang mainit nitong palad sa balikat niya.
"Mas magagawa niya ng tama ang paglilinis sa sugat ni Gray, let the nurse do her job."
"I'm not making a bad point here," kaagad niyang sabi upang pagtakpan ang pagiging obvious niya. Tinitigan niya ang nurse. "Pero kase, ang gusto naming mangyari, gumaling ang sugat ni Gray. Paano mangyayari ang nais namin kung may deperensya 'yang kamay mo?" mahinahong tanong niya rito. Nagawa niyang pakalmahin ang kaniyang dibdib at maging malumanay ang tono.
Natamimi ang nurse, marahil ay napapaisip sa mga sinabi niya lalo pa't intensiyon talaga nitong magpaharot dito kay Gray.
Binalingan niya si Gob. "Ibang nurse na lang dapat ang maglinis sa sugat nitong si Gray," suhestiyon niya.
Napaangat ng bahagya ang mga kilay nito bago tiningnan si Gray at ang nurse, tila napapaissip at nangingilag sa maaaring maramdaman ng huli.
"Sige po, kung iyon po ang nais ninyo, walang problema," kapagkuwan ay wika ng nurse. Hindi na nito hinintay na makapag-decide pa si Gob.
Pasimple siyang napabuga ng hangin.
Mabuti naman pala at tinatalaban pa ito.
"Maiwan ko na muna po kayo, magtutungo lang po ako sa nurse station sandali," dagdag pa nito.
"Sige, sasama ako para makausap na rin ang attending physician ng anak ko," kaagad namang sabi ni Gob dito.
Napamata siya sa asawa. "Sasama ako," mabilis niyang sabi.
"Maiwan ka na muna rito kay Gray para may kasama siya. Alam mo naman kahit may pulis sa labas ng pintuan hindi pa rin tayo dapat na makampante," malumanay nitong sabi habang tinatapik siya sa braso.
Tahimik na kumilos ang nurse palabas sa pintuan kaya naman sumunod kaagad dito si Gob at hindi na siya hinintay na makatanggi pa. Saglit niyang napigil ang paghinga sa isip na maiiwan sila ni Gray roon.
Nang makalabas ang dalawa at lumapat ang pintuan ay saglit na nanahimik ang apat na sulok ng silid na iyon. Parang ayaw niyang tingnan si Gray habang ito naman ay matiim na nakatitig sa kaniya.
Hindi na niya napigil ang mapabuntong-hininga kasunod ang pagbaling ng tingin dito.
Nagtama ang mga paningin nila ilang sandali bago siya kumilos at maingat na inayos ang gauze cloth sa sugat nito.
"Sabihin mo nga sa 'kin, nagseselos ka ba?" diretsahang tanong nito habang titig na titig pa rin sa kaniya.
Napakunot ang noo niya. "Bakit naman? Kung gusto kita, ikaw dapat ang pinakasalan ko at hindi ang iyong ama."
"Obvious na obvious ka na nga, tumatanggi ka pa. Gusto mo ako, 'di ba?" giit ng binata.
Marahas siyang napabuntong-hininga at tiningnan ito. "Itahimik mo na nga lang 'yang bibig mo," inis na saway niya rito. "I'm your stepmom, don't talk to me that way."
Tumahimik nga ito pero kapagkuwan ay kumilos upang bumangon kahit na kandangiwi.
"Mahiga ka na lang para hindi mapuwersa at magdugo ang mga sugat mo," madiing utos niya sa binata.
"I need to use the restroom because I have to pee!" asik nito sa kaniya.
Napaikot ang eyeballs niya dahil sa pagkapika. "Naka-diaper ka," maikling sabi niya rito habang nakatirik ng bahagya ang mga mata.
Halos lumuwa ang mga mata nito nang marinig ang sinabi niya. "Ano'ng. . .sino'ng naglagay ng diaper—"
"Eh 'di sino pa, eh 'di ako," nakatikwas ang kilay na sabi niya dito.
"Fvck!" asik na namang wika nito kasabay ang paghampas ng kaliwang palad sa kinahihigaan nito. Napangiwi ito, hindi niya alam kung dahil sa sakit ng sugat nito o sa pandidiri. "Hubarin mo nga 'to, hindi ako lalo makakaihi, eh, baka ma-irritate pa ako at—"
"Mm-hmm. . ." pigil niya sa pagbubunganga nito sa kaniya sabay dukdok ng hintuturo sa nguso nito upang patahimikin ganap subalit nagulat siya nang aksidenteng mapasubo nang tuluyan sa bibig nito ang kaniyang daliri.
Kapwa sila natigilan at nakatitigan.
Napalunok siya at tila ba pinanawan ng hininga sa loob ng ilang segundo nang madama sa kaniyang daliri ang mainit nitong dila at labi.
Natilihan din naman siya kaya kaagad niyang binawi ang daliri at wala sa loob na nakagat iyon, nalasahan niya roon ang laway ni Gray.
Napalunok siya kasabay ang pagbilis ng t***k ng kaniyang puso, ngunit sinikap niyang maging normal sa harapan ni Gray lalo pa at matiim ang titig nito sa kaniya.
Nasaan na ba si Gobernador Gael?
Parang gusto niyang iwanan doon si Gray, nakadarama na siya ng labis na pagkailang ganitong hindi pa rin naaalis ang titig ng binata sa kaniya.
Tumikhim ito pagkaraan. "Gagamit ako ng comfort room," wika nito sabay kilos at pinilit na bumangon.
Natilihan siya at kagyat na napalitan ng inis ang kaniyang pagkailang. "Alam mo kapag hindi ka nagpaawat, catheter ang ipapakabit ko riyan sa ano mo," banta niya sa binata sa isip na mapipigilan ito, pero para ba itong bingi. Hindi siya nito pinansin bagkus ay tuluyang umibis sa hospital bed at itinulak ang IV stand kung saan nakasabit ang dextrose bag nito.
Nataranta siya at walang nagawa sa katigasan ng ulo nito kaya naman napilitan siyang lapitan ito at alalayan patungo sa comfort room.
Tahimik sila hanggang makapasok doon, akmang kikilos na siya palabas upang bigyan ito ng privacy nang pinigilan siya nito sa braso.
"Paano ko tatanggalin ang diaper eh masakit itong kamay ko kapag nagagalaw." Ipinakita pa nito sa kaniya ang kanang kamay kung saan doon nakatusok ang karayom ng dextrose nito.
Napabuntong-hininga siya at saglit na nag-isip. Ito naman ang napabuntong-hininga habang napapailing.
"You've seen it all a few times, ngayon ka pa ba mag-iinarte?" iritang tanong nito sa kaniya.
Oo nga naman, bakit nga ba mag-iinarte pa siya ngayon? Samantalang ilang beses na niya iyong nakita. Yata nga at sinabi pa niya dati noong nasa hallway sila ng mansion na hindi siya takot sa kargada nito. Subalit nakakainis lang isipin sapagkat ngayon ay bigla siyang nakadarama ng tila takot na makita at mahawakan iyong muli.
Hindi na lang siya nagsalita pa at kunwa'y nagtapang-tapangan sa harapan nito. Kaagad siyang kumilos at iniangat ang lalaylayan ng suot nitong hospital gown at inalis nga ang diaper dito.
Habang ginagawa niya iyan ay sinisikap niyang hindi ito tingnan sa mukha, nakatuon lang sa dingding ang kaniyang tingin. Hindi siya aware sa panginginig ng kaniyang kamay maging sa pagbilis ng t***k ng puso niya.
"Ayan, okay na. Naalis ko na," maging ang boses niya ay nagkaroon ng bahagyang panginginig.
Gusto niyang mainis at sapakin ang sarili. Hindi naman siya dating ganito lalo na pagdating dito, sanay siyang ang lalaki ang nanginginig at kinakabahan kapag ganitong malapit sa kaniya.
Dumistansiya siya kay Gray. Iritable naman itong kumilos habang itinataas ang laylayan ng suot upang mahawakan ang pag-aari nito.
Napailing siya. "Bakit kase ayaw mong gamitin 'yang isa mong kamay?" naiinis na tanong niya sa binata.
"Di mo ba narinig? 'Di ba sinabi kong masakit nga kapag nagagalaw ang isa kong kamay, hindi ka ba nakakaintindi?!" pasinghal na sabi nito habang masama ang tingin sa kaniya.
Siya pa talaga ang hindi nakakaintindi ngayon.
Napabuntong-hininga siya at kumilos upang lumabas at iwanan ito, ngunit napapiksi siya nang bigla siya nitong daklutin sa braso at itulak pasandal sa dingding.
Nanlaki ang kaniyang mga mata dahil sa ginawa nito, nabigla siya at hindi nakagalaw kahit pa nga nang kumilos ito at sinugod ng mariing halik ang labi niyang nakaawang dahil sa tangka sana niyang pagsasalita.
Subalit hindi pa pala riyan natatapos ang kalokohan nito at kapangahasan. Hinawakan nito ang kaniyang kamay at dinala sa p*********i nito na higit pang ikinabilog ng mga mata niya. Nakasaludo iyon sa kaniya, tayung-tayo at nagmamalaki.
Parang sasabog sa kaba ang kaniyang dibdib at hindi mapigil na mapalunok habang pinakikiramdaman ang ginagawa nitong paggabay sa kamay niya sa pag-back and forth doon sa kahabaan ng p*********i nito.
Tinangka niya itong itulak pero naramdaman niya ang bahagyang pagbaon ng ngipin nito sa kaniyang malambot na labi.
Isa ba itong babala o paghahamon?
Ginaya niya ang ginawa nito, kinagat din niya ng bahagya ang labi nito at mas lumakas pa ang pagkabog ng kaniyang dibdib nang marinig ang masuyong pagsinghap nito kasabay ang paggaan ng halik nito na naging palaisipan sa kaniya. Hindi niya mahulaan kung ano ba talaga ang nais nitong mangyari.
Napahigpit ang hawak niya sa p*********i nito nang gumalaw ang dila nito sa loob ng kaniyang bibig. Siya naman ang napasinghap at naramdaman niya ang pagguhit ng kakaibang init sa kaniyang kaibuturan. Bigla ay nabuhay ang pananabik sa sistema niya.
Akmang tutugon na siya sa halik nito nang bigla ay may kumatok sa pintuan.
Mabilis niyang naitulak palayo si Gray sabay tadyak sa kaliwang hita nito. Nawala sa isip niya ang kalagayan nito nang mga sandaling iyan.
Napahiyaw ang binata sa sakit dulot ng ginawa niya. Nasapo niya ang kaniyang bibig at nanlaki ang mga mata nang makitang natumba ito sa gilid ng toilet bowl kasama ang stand ng dextrose na bumagsak pa sa likod nito mismo.
Bumukas ang pintuan at bumungad doon si Gobernador Gael.
"Gray, my son!" nanlalaki ang mga matang sabi nito, bakas sa tono ang malabis na pag-aalala sa nabungarang ayos ng anak.
"D-Daddy, help!" padaing na sambit ni Gray.
Inunahan na niya si Gob sa paglapit kay Gray. "My gosh, Gray! Sabi ko naman sa 'yo mag-ingat ka kase madulas ang sahig!" kabado at natatarantang sabi niya habang dinadaluhan ito.