Halos lahat ng staff ko noon at mga kaibigan ko ay alam na hindi ako plastik na tao. Kapag ayaw ko sa tao, hindi talaga ako makikipagplastikan. Kung may karapatan lang ako tulad noon ay kanina pa akong nag walk out sigurado. Pero wala akong karapatan. Wala akong choice. So I had to stay at humarap sa dalawang ito na parang sila ang ikakasal. And oh! If you think na nagseselos ako, no! Hindi ako nagseselos. I was just humiliated, naapakan 'yong ego ko. And that was all. “Hatid ka na namin,” suhestiyon ni Spike pagkatapos naming mapag usapan ang lahat ng pwedeng pag usapan tungkol sa kasal. “You sure? Mapapalayo lang kayo, e.” “It's okay, Ril.” “Ayos lang ba talaga? Pasensya na, nasa trabaho pa kasi si Zac kaya hindi niya ako masusundo. Ayos lang ba sa 'yo, Serra?” sabay lingon niya sa

