Nilingon ko siya at nakita kong titig na titig siya sa katawan ko. Napangisi agad ako. Sa nakikita ko ngayong mukha niya, sigurado na ako kung sinong panalo sa larong ito. “Pwede mo namang hindi ipahalata.” Inirapan ko siya at tuluyan kong hinubad ang gown ko. Hindi ito iyong bridal gown ko, ito 'yong isinuot ko after ng kasal at bago kami bumaba for reception. Pumasok ako sa banyo at nagtagal ako roon. Matagal naman talaga ako sa loob ng banyo pero mas matagal lang ako ngayon. Nagbabad pa ako sa tub at naglaro pa ng bula. Iniangat ko ang kamay kong may suot na mamahaling singsing. Pinakatitigan ko 'yon. I can't believe this is happening. Totoong kasal na ako! May dalawang bagay lang naman akong hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala. First, daddy died on an accident and the se

