Nagising ako sa iilang katok na nanggagaling sa labas ng pinto. Ang akala ko ay kanina pang umalis si Spike pero mukhang hindi pa. Wala naman kasi kaming ibang kasama dito sa bahay niya kaya walang ibang kakatok kung 'di siya lang.
Oo nga pala at kahapon pa ako hindi kumakain. Nag aalala kaya siya sa akin?
Tamad kong binuksan ang pintuan. I already expecting him outside pero nagulat ako nang nakitang babae ang nandito. Kunot noo ko siyang tiningnan lalo pa nang malawak ang pagkakangiti niya sa akin.
“W-who are you?”
“Hi po, Ma'am Serra! Ako nga po pala si Rynette. Ako po 'yong new assistant niyo po.”
“Assistant? Hindi naman ako nag-wanted ng assistant. At saka paano ka nakapasok dito?”
Itinaas niya ang isang kamay niya na may hawak na susi.
“Ipinadala po ako ni Sir Spike dito para po may kasama ka po.”
“Oh?”
Muli siyang ngumiti ng malawak. “Ayaw niyo po ba sa pagkaing inihanda ni Sir Spike para sa inyo? Napansin ko kasing hindi nagalaw ang pagkain sa lamesa. Gusto niyo po bang ipaghanda ko kayo ng brunch? Ano pong hilig niyong kainin? Or comfort food po?”
“Wala akong gana. Pasensya na,” sabi ko at pinagsarhan siya ng pinto.
“Ma'am, Serra kailangan niyo po ng energy. Mahaba po ang araw natin ngayon! Any minute din po darating na 'yong mag aayos ng wedding gown niyo!” sigaw niya pa mula sa labas ng pinto.
Marahas akong napabuntonghininga. Kahit na nagluluksa pa ako ay wala pa ring pakialam si Spike. Kasal at anak niya lang ang iniisip niya. Wala siyang pakialam sa nararamdaman ko. Napakasama!
Napilitan akong lumabas upang kumain. Ayaw ko na ring abalahin pa si Rynette kaya hindi na ako nagpaluto at pinainit na lang 'yong mga pagkaing inihanda ni Spike. At least, nag effort siyang ipagluto ako ng pagkain.
“Bakit nga ba rush? Are you pregnant?” tanong ng baklang gagawa ng gown ko.
Hindi ko alam kung paano ko siyang sasagutin. It's Spike's decision. And I think iyon din ang sabi sa kanya ng mga magulang niya since akala nga nila buntis ako. But I am not pregnant yet kaya hirap akong sagutin itong tanong ng bakla.
“Oh, sorry! I'm being nosy,” sabay tawa niya.
Ngumiti na lamang ako at ibinaba ang tingin sa mga brochure na nagkalat sa coffee table upang maiwasan ang tanong niya.
“Anyways, you're a top model in Las Vegas. Babalik ka ba after ng kasal?”
Pagiging reporter ba ang sideline niya? Ba't ang dami niyang tanong?
“Ma'am Serra, ito maganda ito. Hindi masyadong revealing!” singit ni Rynette. Buti na rin at ginawa niya 'yon dahil hindi ko talaga alam ang mga isasagot ko sa mga itinatanong nitong baklang ito.
“Hindi ako mahilig sa mga may sequence, e. At saka masyadong conservative.”
“Ay, agree! Masyadong old fashioned 'yan. Pero ewan ko ba marami pa ring mga bride na gustong suotin ang mga katulad ng ganyang gown.”
Tumagal ng halos isang oras ang paghahanap ko ng wedding gown. I still want it to be beautiful and perfect kahit pa fake wedding ang mangyayari. Baka ito na rin kasi ang una't huli kong kasal. I still want to savor this moment, dahil kahit hindi ko pinangarap ito at wala ito sa bokabularyo ko, ay ginawan pa rin ng paraan ng universe para ma-experience ko ito.
“Parating na raw po si Sir Spike.”
Agad akong napatingin suot kong relo. Alas tres pa lang ng hapon.
“Bakit maaga?”
“Aalis po kayo para maghanap ng magandang venue ng kasal. Ano po bang gusto niyo? Beach wedding po ba? Or Church wedding? Garden wedding? Masarap sigurong ikasal sa pinakagusto mong venue no? Iyong tipong wala kang alalahanin sa budget kasi marami naman kayong pera. Ako, pangarap ko talagang ikasal sa beach, e. Iyong tipong ang view namin ay ang kulay kahel na kalangitan dahil sa papalubog na araw o di kaya sunrise para bagong simula. Kaso wala kaming pera kaya nakisali na lang kami ng asawa ko sa kasalang bayan tapos kumain kami sa karenderya. Ang importante naman kasi ay 'yong kasal. Pero iba pa rin 'yong dream wedding mo talaga. Ikaw po ba, Ma'am Serra, anong dream wedding mo?”
Nanatili ang mga titig ko kay Rynette. Hindi ko alam kung anong isasagot ko sa kanya. Dahil wala naman talaga akong dream wedding. Kahit kailan ay hindi ko pinangarap na maikasal.
“Kahit anong kasal ay ayos lang sa akin.”
“Kung sabagay, ang importante ay ang maikasal ka sa lalaking mahal mo.”
Sarkastiko akong napangisi. Sa estado ng buhay ko ngayon ay hindi ko pa alam kung ano bang tama sa mali. Nangangapa ako at hindi ko alam kung saan magsisimula. But I only have one goal in mind. At iyon ay ang patayin si Terese Flores. She dragged me to this kind of hell, kaya iyon din ang gagawin ko sa kanya. For now, gagawa muna ako ng matibay na daan papunta sa kanya. And if it means Spike, then he is.
“Kasal ka na?” tanong ko.
Nakangiti siyang tumango. “At may mga anak na din po kami. Actually, buntis na naman nga po ako ngayon. Mag i-isang buwan na. Buti na nga lang po at hindi ako maselan magbuntis.”
Napataas ang kilay ko. “Kung buntis ka, bakit ka nandito at nagtatrabaho?”
“Hindi naman po kasi kami mayaman, Ma'am Serra. Tricycle driver lang 'yong asawa ko at tatlo ang batang pinapakain namin araw-araw, kukulangin kung aasa lang kami sa kikitain ng asawa ko sa pamamasada ng buong maghapon. Buti na nga lang po at ang sabi ng kuya ko ay naghahanap nga raw po ang boss niya ng personal assistant para sa magiging asawa nito kaya sabi ko irekomenda niya ako. Magaling naman po akong magtrabaho, ma'am. Promise ko po sa inyo na hindi po magiging hadlang ang pagbubuntis ko sa magiging trabaho ko sa inyo.”
“Alam ba 'to ni Spike?”
“Po?” Mabilis na naglikot ang kanyang mga mata. Nasagot agad ang tanong ko sa simpleng galaw niyang 'yon.
Hindi ito alam ni Spike. Tatlo ang batang kailangan nilang sustentuhan, Tricycle driver lang ang trabaho ng asawa niya at buntis siya . . .
“Kung sakaling may mag a-adopt d'yan sa ipinagbubuntis mo, papayag ka?”
Her eyes widened. “Po?”