“Ano 'yan?” tanong ko habang nakatingin sa makapal na papel na inilagay ni Spike sa harapan ko habang sumisimsim ako sa kape ko.
“Prenuptial agreements.”
I rolled my eyes at padabog kong kinuha ang mga papel. Binasa ko ang mga iyon at halos masuka ako sa mga pinaglililista niya roon.
“First, no sweet talks, touching, hugging, and kissing unless necessary. Aba! As if gagawin ko iyon. Tss!”
“Who knows. Baka mag take advantage ka.”
Nanlilisik ang mga mata ko nang lingunin ko siya. His arms were crossed while his looking at me.
“It'll never happen! Second, never get close or attached to the Guillermos. And what do you mean by this?” Nag angat ako ng paningin sa kanya.
He shrugged his shoulders. “I just wanna remind you that all of these were temporaries. Kapag na-attach ka sa pamilya ko it'll be hard for you to leave.”
Natulala ako saglit sa kanya. Yes. I have no plans of staying. I have my own plans. At hindi siya kasali sa mga plano ko. Pero bakit pakiramdam ko pinapalayas ako. Ayaw ko ng ganung feeling, e. Ganun na ganun ang pakiramdam ko no'n noong ipadala ako ni daddy sa Las Vegas.
“I won't get attached that easily.”
“Falling in love is forbidden. Huh! Wala bang mas mahirap dito sa mga conditions mo?”
“Iyan ang pinakamahirap, Serra. Because the way you moan my name earlier, tells me that you're on the verge of falling in love with me,” sabay ngisi niya.
Ngumisi pa siya! Ni hindi man lang nag e-effort!
Umawang ang labi ko. Literal na napanganga ako sa sinabi niya. f**k? Ganun ako umungol sa lahat ng mga lalaki ko! Pero kahit isa sa kanila, walang nakapagpa-in love sa akin!
“Huwag kang ilusyonado! I will never fall in love with you. Baka ikaw ang kailangan maghanap ng paraan d'yan para hindi ma-fall sa akin. Dahil sa paraan ng paghalik mo sa akin, sa paraan ng paghaplos mo sa akin, nangungusap, nanggigigil, nang aangkin. It's like you wanted to own every part of me!” singhal ko sa kanya.
Agad na sumeryoso ang kanyang mukha. Kumunot ang kanyang noo at nandilim ang aura. Bakit? Totoo naman ang sinabi ko ah?
“Oh! Ano? Ngayon galit ka kasi totoo!”
“It's not true!”
“Yes it is! Unang s*x pa lang, gusto mo na agad ako!”
Padabog siyang tumayo. “Basahin mo ang mga nakasaad sa kontrata, pirmahan mo na rin agad,” aniya at nilayasan ako.
Napabuntonghininga ako. Ano na kayang nangyayari ngayon sa burol ni daddy? Dalawang araw na akong wala at bukas na ang libing niya. Hindi man lang ako nabigyan ng pagkakataong maasikaso siya. Damn this Spike Guillermo! Walang puso! Inuna pa ang engagement naming dalawa at ang pakikipag-s*x sa akin. Ni hindi man lang ako binigyan ng pagkakataong magluksa sa pagkamatay ni daddy.
Kinabukasan ay maaga akong nagising. Pagkagising ko pa lang ay wala na akong ganang kumilos. Si daddy ang panaginip ko. Lahat ng masasayang alaala namin na magkasama, no'ng kasama pa namin si mommy ay parang isang video na nag play sa panaginip ko.
Nagising akong basa ang unan ko. Nagising akong naninikip ang dibdib ko. Nagising akong mag isa at nasasaktan. Hindi ko alam kung paanong sa isang iglap ay nasa ganitong sitwasyon ako. Walang mga magulang, walang kaibigan, mag isa. Walang kayamanan, walang pera, walang matitirhan at nakikitira na nga lang, doon pa sa taong walang puso at pansariling kaligayan lang ang iniisip.
“Are you ready?”
Aagd akong nagpahid ng mga luha nang biglang bumukas ang pintuan ng kwarto kung nasaan ako at ang biglaang pagsasalita nitong si Spike. Sinigurado ko munang maayos ang hitsura ko bago ako tuluyang humarap sa kanya.
“Maliligo pa lang. I just got awake.”
Kita ko ang marahan niyang pagpikit, animo'y naubusan agad ng pasensya.
“Ngayon ang libing ng daddy mo. I don't want us to be late. My family will be there, Serra.”
“Hindi na kailangan ng pamilya mong dumalo pa sa libing ng daddy ko.” Umiling ako. “Hindi na kailangan.”
“Nabalitaan nila ang nangyari. Nabalitaan ko rin kung sinong naka-engkwentro ng daddy mo. Si Terese Flores, ex-girlfriend siya ng kaibigan ko.”
Nanlaki ang mga mata ko. Napaayos ako ng upo. An idea suddenly come in my mind.
“I'm sorry, Serra. In behalf of Terese . . . I am so sorry.”
Nagulat ako sa mga sinabi niya pero hindi ko iyon ipinakita. I don't want him to see that I'm a little bit affected with him saying those f*****g words.
“Why are you saying sorry in behalf of her? Magkaibigan ba kayo ni Terese?”
“No. But my friend love her. I know you're plotting something on your mind. Ngayon pa lang binabalaan na kita, Serra. Don't. Make. Any. Mistakes. While. You're. With. Me. Roiden's one of my closest friend. Ayaw ko ng gulo sa pagitan naming dalawa.”
Tumango ako. “So you think I might be a pain in the ass to you? Sa tingin mo ako ang magdadala ng gulo sa buhay mo?” Sarkastiko akong natawa.
“Maligo ka na,” aniya at lumisan sa kwartong kinaroroonan ko.
Ipinikit ko ang mga mata ko at ibinagsak ko ang aking katawan sa kama.
I was hurt. I don't wanna be here in the first place. Tapos ngayon binalaan niya ako? Dahil tingin niya magdadala ako ng gulo sa buhay niya? If that's the case, dapat ay hindi ako ang pinili niya. Oh right! He had no choice. He just wanna hit two birds in one stone. Dahil pambayad utang ako, hindi na niya kailangan pang maghanap ng ibang babae para anakan niya. Dahil nandito na ako, he made a deal with me so all his plans won't be messed up in the end.
But I can't just sit here and wait for him kung kailan niya ako pakakawalan. May sarili akong utak, hindi ako robot na pwede niyang utusan at balaan. In fact, I can use him. He's somehow close to Terese. I can use him to kill her. I don't f*****g care if he's friends with Terese's ex-boyfriend. I can ruin everything, if Terese's the deal.
She ruined my life, I will surely ruin hers too.