SIMULA

3700 Words
LANCE POV Naglalakad ako sa times square nun, galing ako sa school katatapos ko lang din magpasa ng requirements at pagkatapos ay may kinausap lang na isang kaibigan. Tinignan ko ang oras sa aking phone ng makaalis yung kaibigan ko. "Damn, it's 7 PM" sabi ko sa sarili kaya dali dali akong naglakad papunta sa bus stop. Dahil magagalit sakin ang auntie ko kapag ginabi ako ng uwi. Baka isumbong niya pa ko kay daddy na gumagala ako dito sa New york. Pagkababa ng bus takbo-lakad ang ginawa ko. Pero bago ako makarating sa bahay ng auntie ko may dadaanan muna akong mini bridge kung saan maganda tumambay kung gusto mo mapag-isa. Kaya lang nasa gitna na ko ng tulay nang may nakita akong lalaki na sa tingin ko di nalalayo sa edad ko. At nakita ko siyang paakyat sa tulay, mukhang tatalon pa ata si kuya. Balak pa niya atang magpakamatay. "Hey! Hey! What you intend to do?" sabi ko sa kanya at hinawakan ang braso nito at hinatak siya pabalik. "Who are you?! Dont you dare to stop me!" sagot niya at inalis ang kamay ko sa braso nito. Hindi ko masyado makita ang mukha niya pero parang gwapo. Bahala ka sa buhay mo tinutulungan ka na nga na wag magpakamatay diba. Sayang may itsura ka pa naman mababawasan ng isang pogi dito sa mundo kapag mawala ka sabi ko sa isip. "Go away" sigaw niya sakin. Tinutulungan na nga nagsusungit pa. "Bahala ka diyan edi magpakamatay ka!" sabi ko sabay talikod sa kanya. Hindi naman niya siguro maiintindihan ang sinabi ko kaya ayos lang. "Sinong nagsabi sayong magpapakamatay ako?" anito kaya napahinto ako. Marunong siyang magtagalog. Kaya nilingon ko ulit siya. "Akala ko kasi tatalon ka para magpakamatay" nahihiya kong sagot sa kanya. "Tignan mo nga kung mamamatay ako kapag tumalon ako diyan" sabi niya kaya sinilip ko naman. Mababaw lang ito kaya kahit bibe ata ay hindi malulunod dito. "Okay" tipid kong sagot at aalis na sana ako kaso pinigilan niya ko. "Wait, pwede ka bang sabihan ng problema kasi hindi ko na kaya tong nararamdaman ko para na akong sasabog" pakiusap niya sakin. "Bakit naman ako. Di mo naman ako kilala diba at di naman tayo magkaclose para sabihan mo ng problema mo" deritso kong sabi. "Sabi nga nila na mas maganda raw magsabi ng problema sa strangers para no judgement" nakangiti niyang sabi pero bakas sa mata niya ang lungkot. May point naman siya kaso di ako mahilig magkwento sa mga strangers no. "Sige. Basta umalis ka muna diyan baka kasi mamaya matuluyan ka na dyan mahulog" sabi ko at sinunod naman niya. Natulala ako sa kanya at gusto kong kamutin ang mata ko kasi hindi ako makapaniwala. Malinaw ko ng nakikita ang mukha ng taong kanina ko pa kausap dahil sa liwanag ng street light na tumatama sa kanyang mukha. Masasabi kong hindi siya gwapo dahil sobrang gwapo niya. "Let's go" aya niya sakin tapos hinawakan ang ulo ko saka hinagod. Are we so close that he can pat my head? Sa ilang minuto na yun sa tingin ko para akong aso na hinawakan ng aking gwapong amo. "Saan naman tayo pupunta" tanong ko. "In your place. Dun nalang tayo" sagot niya. "What? Gusto mong pumunta sa bahay ko agad agad parang ang bilis mo naman ata" nagtataka kong sabi. Aakyat ka kaagad ng ligaw eh, hindi ko pa nga alam ang pangalan mo sabi ko sa isip. "What do you mean na mabilis ako?" "Bilisan na nga natin pumunta sa bahay sabi ko. Payag na ako pumunta ka dun" tapos naglakad na sumunod naman siya sakin. Akala ko hindi siya magsasalita nung naglalakad kami pero siya na din ang unang bumuka ang bibig. "I'm Bright and you are?" pagpapakilala nito. "Tawagin mo nalang akong Lance" sagot ko. "Nice to meet you Lance" sabi niya. Kahit hindi ko man kita ang mukha niya sa likod ko alam kong ngumiti ito. "Nice to meet you too Dwight" "Its not Dwight, its Bright" pagtatama niya. "Basta sounds like ganon na din yun" natawa ako sa sinabi ko. "Bright, I'm just kidding. Ang seryoso mo kasi" dagdag ko. "Kung seryoso ako baka hindi mo na ko makausap dyan" Sana seryoso din siya kapag nagmahal no charot!. Nasa harap na kami ng bahay at deritsong pumasok. Sabi ko sa kanya na magpakilalang close friend ko kahit ngayon ko lang siya nakita. "Auntie nandito na po ako" sabi ko "Oh may bisita ka palang kasama. Tara papasukin mo siya" "Pumasok ka na, wag kang mahiya" sabi ko kay Bright. Naghanda na si auntie ng dinner namin ngayong gabi at pasalamat na din ako kay Bright na dinala ko siya dito, dahil nakalimutan akong mapagalitan ni auntie dahil gabi nako umuwi. Habang magkakasabay kaming kumakain sa harap ng hapag ay walang tigil na si auntie sa pakikipagusap kay Bright at napakarami nitong tanong dito. Kulang nalang interviewhin niya yung tao pero parang ganon na nga ang ginagawa nito. "Yes po nagaaral naman po ako" sagot ni Bright "Hijo, malapit lang pala yang school mo kung saan pumapasok itong si Christian" sabi ni Auntie "Auntie naman sinabi ko po sa inyo na ayaw kong marinig yan" angal ko "Ayy! oo nga pala. Hijo, ayaw niyan tinatawag siya sa first name niya ha. Ewan ko ba diyan sa pamangkin ko" "Bakit po ayaw niya" tanong nito kay auntie tapos tumingin sa gawi ko. "BASTA!" ani ko saka sumubo ng kanin at ulam. Naiwan kaming dalawa ni Bright sa mesa dahil umalis na si auntie para dalhan ng pagkain ang pinsan ko. Tahimik lang kami simula ng umalis si auntie hanggang si Bright na ang unang nagsalita. "Bakit ayaw mong Christian ang itawag sayo" tanong nito. "Sinabi ko ng basta diba. Wag ka ngang matanong diyan" sumagot ako sa kanya ng hindi tumitingin sa gwapo nitong mukha. "Ang sungit naman" narinig kong tumawa siya ng mahina "By the way, thank you nga pala dahil di ka nagdalawang isip na patuluyin ako dito sa bahay niyo kahit ngayon mo lang ako nakilala" sabi ni Bright "No problem. Alam ko naman na mabait kang tao at mukha namang wala kang gagawing masama" sabi ko. "Ganon ba ang tingin mo sakin. Pano kung sabihin ko sayo ngayon na nagpapanggap lang akong mabait at balak ko talagang magnakaw dito sa bahay niyo" seryoso niyang sabi. Napahinto ako sa pagkain at tumingin sa kanya. Kita sa mukha nito na seryoso ang kanyang sinabi at nakatingin din siya sakin ng matalim kaya hinawakan ko ng mahigpit ang tinidor na hawak ko. Juice colored! pati ba naman dito sa ibang bansa may ganitong budol-budol na nagpapanggap na mabait pero akyat bahay pala. Putspa naman kasi nagtiwala agad ako sa gwapo niyang itsura. Magisa pa naman ako ngayon dito. Anong gagawin ko? Unti-unti siyang lumapit sakin dahilan para tumibok ng mabilis ang puso ko hindi sa kilig kundi sa kaba. "Diyan ka lang, wag kang lalapit" asik ko tapos tinutok sa kanya yung tinidor. Hindi niya pinansin ang nakatutok na tinidor sa kanya lumapit pa din siya sakin at pinunasan ang labi ko. "Ang kalat mo kumain para kang bata" sabi nito. "Totoo ba yung sinabi mo" diin ko sa kanya "Ang alin na para kang bata kumain o nagpapanggap lang ako na mabait" nagiba yung tono ng boses niya. "Syempre nagbibiro lang ako" dugtong nito. Tumawa siya ng malakas "Kaya ibaba mo na yang tinidor baka makatusok ka pa" dagdag niya. Kainis to. Ang sarap niyang kagatin. Lels. Tinulungan niya kong magligpit ng pinagkainan at siya na din ang naghugas ng plato kahit sinabi ko ng ako na ang maghuhugas nito. Pagkatapos naupo ako at inintay siyang matapos sa ginagawa. Tinignan ko ang wall clock sa pader. '9:12 PM' Wala ba siyang balak umuwi? "Hindi ka pa ba hinahanap sa inyo" tanong ko "Yun nga ang gusto kong sabihin sayo kanina pa" pagkatapos niyang magpunas ng kamay naupo siya sa harap ko. "Naglayas ako" malungkot niyang tono "What!? Nagbibiro ka ba" pagtataka ko "This is true, hindi na ko nagbibiro. Nagaway kasi ang parents ko kaya umalis muna ako samin. Nagsasawa na din ako na palagi nalang silang ganon sa bahay. Tapos di man lang nila ko makamusta o kausapin man lang kung ayos lang ba ako. Nahihirapan na ko sa amin" bago siya yumuko nakita kong pumatak ang luha niya. Tumayo ako at tumabi sa kanya. Hinaplos ko ang likod nito. "Ayos lang sakin dito ka muna kong wala kang matutuluyan. Kasya naman siguro tayo sa kwarto ko" sabi ko. Wala akong sagot na narinig sa kanya. "Kung payag ka sa sinabi ko. Kung lang naman" dagdag ko. Pinunasan niya ang luha at tumingin sakin. "Oo naman ayos lang" sagot niya "Sorry nalang ha. Malikot ako matulog eh" ngumiti lang siya sa sinabi ko. Pumayag naman ang auntie ko na dito si Bright tumuloy samin ng ilang araw. Mas lalo ko siyang nakilala dahil sinasabi niya sakin ang lahat ng problema at mga bagay na ayaw at gusto niya tungkol sa kanya. Para na ngang kapatid ang turing ko sa kanya hanggang sa umalis na siya dito sa bahay. Akala ko nun hindi ko na siya makikita ulit pero nang pauwi nako galing school. Nakita ko siyang nagaantay sa labas ng gate. Kaya napangiti ako ng makita ko siya. "Anong ginagawa mo dito" bungad ko sa kanya. Malapad ang ngiti nito. "Sinusundo kita, bakit bawal ba" balik niyang tanong sakin. "Hindi naman. Di lang ako ready na pupunta ka pala at wala ka man lang pasabi sakin" "Sus, kailangan pa bang magsabi ako sayo. Kung pupuntahan kita, pupuntahan kita kahit na may pumigil man sakin" sabi ni Bright. "Ang drama naman. Tara na nga" sabi ko. "Okay. Sakay na" binuksan niya ang puting kotse sa harap namin. Di ko akalaing dala pala niya ito. "Talaga bang sayo yan" paninigurado ko. "Malamang" hinawakan niya ang balikat ko "Pasok na" dagdag pa niya. Pumasok naman ako at mabilis din niyang pinaandar ang sasakyan. "Uyyy mali ang daan mo hindi diyan ang pauwi sa bahay namin" sabi ko "Sinong nagsabi na ihahatid kita agad sa inyo. May pupuntahan muna tayo" ngiting ngiti niyang sagot sakin. Di naman ako nakatanggi sa kanya. "Wala ka bang music dyan. Magpatugtog ka naman" sabi ko. You were driving the getaway car We were flying, but we'd never get far Don't pretend it's such a mystery Think about the place where you first met me "Wow. Getaway car pa talaga ni Taylor Swift ang tugtog mo. Nakikinig ka pala ng mga kanta niya ah" sabi ko "Oo maganda kasi lalo na kapag nagdridrive at malayo ang pupuntahan" "Yes, totoo yan sinabi mo pa. Sa katunayan nga niyan favorite artist ko yan" "Nice" sabi ni Bright. Kalahating oras na din kaming nasa daan. Tinitignan ko ang mga nadadaanan namin at di ko na alam ang lugar kung nasaan kami. Mukhang malayo na ito sa amin. "Hoy! saan ba tayo pupunta. Hindi ako pwedeng gabihin sa daan magagalit ang auntie ko, mayayari ako nito" "Wag kang magalala, hiniram na kita sa kanya este pinagpaalam na kita sa auntie mo. At wag kang mainip dyan kasi malapit na tayo" sagot ni Bright. Ilang sandali pa nakarating na kami sa kung saan man lugar ito at piniringan niya pa ko bago bumaba. "Sinasabi ko sayo kapag madapa ako kunyat ka sakin o baka iwan mo ko dito yari ka talaga" sabi ko habang nakahawak sa braso niya at inaalalayan akong makalabas. Maya-maya lang tinanggal niya na ang panyong nakaharang sa mata ko. "Sige na pwede ka ng dumilat" bulong niya sa aking tenga. Nanlaki ang mata ko sa aking nakikita. Sa sobrang ganda ng tanawin na kita ang buong siyudad sa kinatatayuan namin. Medyo madilim na kaya kitang kita ang maliwanag na siyudad at mga bituin sa kalangitan. Ang ganda at dun ko lang din napansin na ang taas pala namin. Kaya napaatras ako. "Ano di kana nagsalita diyan" tumingin ako sa kanya. "Speechless sa sobrang ganda ng lugar nato" sabi ko "Oo maganda talaga. Alam mo bang dito ako pumupunta kapag masaya ako" nakangiti niyang sabi. So ibig sabihin masaya siya ngayon. Buti naman ayos na siya at di ko na siya makikitang malungkot. "Tignan mo oh ang ganda talaga" turo ko sa kanya "Oo maganda nga" tumingin ako sa kanya. Napansin kong nakatingin siya sakin at umiwas din naman siya ng makita akong nakatingin sa kanya. * * * Lumipas ang mga buwan na halos nagiging sweet na si Bright sakin. Diko pinapahalatang napapansin ko na yun sa kanya pero nakakaramdam na talaga ako na parang may something. Inalis ko sa isip ko yun kasi baka sabihin pa niyang feelingero ang lolo mo. Diba mahirap na. Tama ako ng hinala na may gusto nga siya sakin. Ang isang gwapong kagaya niya magkakagusto sakin na parang malabong mangyari pero malaking OO. At dumating ang araw na umamin na ito sakin. "I like you Lance, hindi bilang isang kaibigan kundi higit pa dun" nashock ako sa sinabi niya at di makatingin sa mata nito. Ehmyghed eneng eseseget ke se kenye. "I think I'm in love with you" dagdag pa niya na nagpabilis ng t***k ng puso ko. Putspa naman oh! parang nablanko ang utak ko at di ko alam ang isasagot sa sinabi niya. Papa Bright why me? Bakit ako ang natatanging pinagpala para ibigin mo? Charot! "Hindi ba parang masyado atang mabilis" mahina kong sabi ng hindi tumitingin sa kanya. "I think I'm in love with you" sabi niya ng mabagal. Hindi yun ang ibig kong sabihin pero sinabi niya ulit yung kaninang mabilis niyang sinabi kaso mabagal na. Kainis tong si Bright. Gusto kong kiligin pero hindi ko pinahalata. Nilakasan ko ang loob ko para magsalita sa kanya. "Halata naman na gusto mo ko dahil nakikita ko sa mga kilos at tingin mo pero—" tumingin ako sa kanya "Masyado ka atang nagmamadali para maging tayong dalawa" sabi ko. "Sinabi ko lang sayo na gusto kita. Baka kasi maunahan ako ng iba sayo, pero ikaw parin naman ang magdedesisyon kung payag kang mahalin kita at papasukin ako diyan sa puso mo" kita sa labi niya ang saya. Napangiti lang ako sa sinabi niya. Ilang linggo ko din pinagisipan ang sinabi niya hanggang sa sinagot ko na siya at naging kaming dalawa. Naniniwala kasi ako na dapat ang relasyon ang pinapatagal hindi yung panliligaw. Ang saya-saya namin ng araw na naging kami para ngang wala ng makakapaghiwalay samin. Ramdam ko din na mahal na mahal niya talaga ako. Nagdaan ang dalawang taon at pinakilala niya na ko sa mommy niya at sa kanyang cute na bunsong kapatid na si Kris. "Siguro paglaki niya ang daming paiiyakin nito" sabi ko habang nakakandong sakin si Kris. "Oo naman nagmana ata yan sa gwapo niyang Kuya" proud na sabi ni Bright sa sarili. "Weh? Sa tingin ko mas gwapo pa siya kaysa sayo eh" pangaasar ko. "Anong sabi mo" nilapit pa niya sakin ang mukha para tanungin ako. "Nagbibiro lang ako. Siyempre mas gwapo pa din naman ang lucky one ko" sabi ko. Nabigla ako ng halikan niya ko sa labi buti nalang nakatalikod si Kris at di kami nakita. Akala ko hindi na matatapos ang saya at pagmamahalan sa pagitan naming dalawa ni Bright. Akala ko lang pala yun. Nang malaman ng mommy niya na hindi lang pala kami magkaibigan kundi magkasintahan, nagalit ito sakin at pinagbawalan na akong pumunta sa lugar nila. At kulang nalang nga na isumpa ako nito. Daig ko pa ang nakagawa ng kasalanan para itaboy niya ko. Sinubukan naman akong ipaglaban ni Bright pero hanggang doon lang ang ginawa niya dahil mas sinunod niya pa din ang kanyang ina. Ang mas masakit pa dun kumalat sa buong school kung saan ako nagaaral ang tungkol sa relasyon namin ni Bright. Wala akong ideya kung sino ang nagkalat nito. Lahat ng mga close friends ko na inaakala kong totoo sakin ay sila pa ang unang lumayo ng malaman nila na isa akong gay at pumatol ako sa isang lalaki. Ang dumi ng tingin nila sakin kahit wala naman akong ginawang masama sa kanila. Nagmahal lang naman ako. Anong masama sa ginawa ko? Para tuloy akong isang basura kapag tinitignan nila ako. Hanggang sa binubully na nila ako at pinagkakaisahan. Di ko nalang sila pinapatulan sa ginagawa nilang pananakit at masasakit na salita na sinasabi nila tungkol sakin. Iniiyak ko nalang lahat ng sakit kapag magisa ako. Mag-isa akong nakaupo sa bench malayo sa maraming tao dahil katatapos lang ng klase namin. Iniisip ko na malapit na kong umuwi sa amin kaya konting tiis nalang. Ilang buwan na lang naman ang bibilangin at malapit na ang graduation na matagal ko ng hinihintay. Napahinto ako sa pagiisip ng may tumabi sa inuupuan ko kaya napatingin ako sa kanya. Si Radson lang pala. Ang kapitbahay namin na half-pinoy, half-chinese. Nung una akong pumunta dito ay siya ang una kong naging kaibigan at aaminin kong naging crush ko siya. Crush lang wala ng iba, paghanga lang ganon. Wag kang ano diyan!. "Chinito nandyan ka pala" yun ang tawag ko sa kanya. Kaysa naman sa crush no. Gwapings din kaya itong si Radson may ipagmamayabang din kaso hindi niya pinagyayabang. "Mukhang problemado ka ata. Napansin ko kasi nakatulala ka na parang ang dami mong iniisip" pagaalala nito. Kahit na maraming nangyari sakin na masama at maraming lumayo na kaibigan ng malaman ang tungkol sakin. Siya lang ang taong hindi ako iniwan at nandyan lagi sa tabi ko. "May problema nga ako, pero hindi ko naman masyado iniisip. Bakit mo pala nalaman na nandito ako" tanong ko. Medyo wala na kasing estudyanteng pumupunta dito sa likod na bahagi ng school. "Sinundan kita" binaba niya ang kanyang bag sa tabi ko "Ayaw mo ba ng may kasama, gusto mo bang mapag-isa lang. Aalis nalang ako" deritso nitong sabi. "Wag! Hindi naman sa ganon" pigil ko sa kanya at hinawakan ang braso. "Maupo ka lang diyan. Gusto ko lang kasi ng tahimik na lugar para mawala yung mga nasa isip ko" sagot ko. "Basta kung kailangan mo ng kausap nandito lang ako at kapag gusto mong may mapagsabihan ng problema. I'm a good listener" nakangiti niyang sabi sakin. "Thank you Radson. Nandyan ka pa din sa tabi ko, hindi ka umalis kahit na nadadamay kana ng dahil sakin" "No problem. Kahit na masaktan ako o kahit na anong masasakit na salita ang ibato nila tungkol sakin dahil gusto nilang lumayo ako sayo. Di ko gagawin yun. Basta dedma lang ako sa kanila" napangiti lang ako sa sinabi niya. "Malapit na nga pala ang graduation natin. Alam kong pagkatapos nun babalik ka na sa inyo, sana wag mo akong kalimutan" sabi ni Radson "Malamang ikaw pa ba, syempre hinding-hindi kita kakalimutan. Promise!" tinaas ko pa ang kanang kamay ko para convincing. * * * Graduation day came. Lahat sila ay tuwang-tuwa dahil lahat ng pinaghirapan sa apat na taon sa highschool ay nagbunga na. Masaya din naman ako kaso may kulang dahil hindi nakapunta sila mommy at daddy dito, para sana sa pinakamahalagang araw para sakin na dapat nandito sila. Si Auntie lang pati ang cousin ko ang kasama sa aking graduation. Kahit papano inintindi ko nalang sila kahit na wala sila dito, hindi din naman nila ako nakalimutang batiin at tumawag pa sila sakin. "Congratulation! sa pinakagwapo naming bunso. Pagpasensiyahan mo na si mommy at daddy, di kami nakapunta diyan. Basta paguwi mo dito babawi kami sayo anak" sabi ni mommy sa kabilang linya "Ayos lang po naiintindihan ko naman. Miss ko na po kayo ni daddy at excited na kong umuwi diyan" "Yes Lance miss ka na din namin anak. Ang alam ko inaasikaso na ng daddy mo ang flight mo para makauwi ka kaagad dito" sabi ni mommy. "Sige po mommy. Mag aayos pa po ako ng mga gamit na dadalhin ko pauwi diyan sa pinas" "Ok anak see you soon. I love you" "I love you too mom" Sa wakas natapos ko din ang aking pagaaral sa america. Tama ka! Sa america ako pinag aral ng mga magulang ko ng high school. Yayamanin hehe. Pero hindi sa pagmamayabang mayaman talaga ang pamilya ko dahil si daddy lang naman ang nagmamayari ng isang sikat na travel agency dito sa pinas at nagpapatakbo ng marami pang businesses pati sa ibang bansa. Si mommy naman ay busy sa kanyang mga restaurants na nagkalat sa mga sikat na malls sa Pinas at marami pang ibang pinagkakaabalahan sila. Kaya minsan sa sobrang sipag nila magpayaman este busy sa mga trabaho nila nakakalimutan na nila ako. Pero hindi ako nagtatampo sa kanila dahil para din naman yun sa future ko. Oo nga pala. Hindi pa ako nagpapakilala sayo kaya ito na. By the way Im 'CHRISTIAN LANCE SANTOS', 17 yrs old. Maputi, matangkad , matangos ang ilong, at syempre given na yun since birth. For short saksakan ako ng gwapo. Marami ngang nagkakagustong girls sakin kaso dedma ako sa kanila dahil mas bet ko ang mga boys. Yes i like boys pretty and handsome boys lalo na yung mga daks. Lels. May kapatid nga pala ako at dalawa lang kami ng gwapo ko din na Kuya. At hindi niya alam na may puso akong babae. Big secret ko sa kanya yun kasi mas attracted talaga ako sa kapwa ko lalaki kaysa sa babae kahit sobrang ganda pa niyan. Di ko talaga hilig ang tahong dahil mas gusto ko ng talong. At saka naguguluhan pa ko ngayon kasi di ko alam kung ano ba talaga ako. Kung tutubi ba o paruparo. Kung bakla ba, lalaki talaga? o isang bisexual. Hinahanap ko pa talaga ang sarili ko. Charot!! Hanggang sa napagdesisyunan ng aking mga magulang na dito nalang raw ako mag college sa Pinas at Syempre gusto ko yun. Para na din malayo ako sa lugar kung saan ako nang galing. At para na rin makakilala ng new friends and new environment for short makahanap ng bagong mundo. Gusto ko na din kasi kalimutan ang lahat ng mga masamang nangyari doon sa america. Ano kayang kahaharapin ko sa pagbabalik ko sa pinas? Dito ko na kaya makikita ang tunay na magmamahal sakin at makakahanap ng mga tunay at totoong kaibigan?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD