BIGLA n’yang binagsak ang hawak na papel sa ibabaw ng mesa habang hindi inaalis ang pagkakatitig n’ya sa ‘kin. Hinuhusgahan na naman nito ang pagkatao ko, sigurado. Nagpapakabuti ako ngayon dahil natuloy ang planong lasunin s’ya na hindi ko sinasadya. This is at least I can do for him. “Bakit bigla ka yatang bumait sa akin. Ano ang nakain mo?” seryosong usal n’ya. “Toasted bread lang naman at dalawang sunny side up egg tapos ang panghimagas ko, saging na dalawang piraso—“ “Nais mo bang ibuhos ko sa iyo ang laman ng tray na ‘yan? Can’t you see that I am busy?” “Alam ko pero nabalitaan ko kasing aalis kayo ngayon. Baka hindi kayo makapagtrabaho ng maayos dahil walang laman ang tiyan mo. Matanda pa naman kayo—“ Ako na mismo ang tumigil sa pagsasalita dahil pinandilatan na ako ng mga

