CHAPTER 02

686 Words
“Ayaw pumayag nung matandang African na pumasok tayo sa kweba!” inis na sabi ni Jonas sa mga kasamahan matapos makipag-usap sa isang matandang African na si Minekarta. Ito ang itinuturing na pinuno sa baryong iyon. Kasalukuyang nasa Kenya sila. “Ano daw sabi?” tanong ni Tommy. “Mapanganib daw pasukin ang kweba dahil nagagalit daw ang espiritu ni Ezana.” sagot ni Jonas. “Itutuloy pa ba natin to?” sabat ni Owen. “Of course! Ang sabi pa ng matandang iyon papayagan nya lang tayong pumasok sa loob ay kung magbubuwis tayo ng buhay! Ito daw ang magsisilbing alay kay Ezana upang makalabas daw pati tayo ng buhay sa kweba!” nagsindi ng sigarilyo si Jonas. “Thats totally crazy! Life offering? Bullshit! They’re just scarying us!” gigil na sabi ni Bella. “Relax guys. Ano tuloy pa ba tayo, hon?” malambing na tanong ni Maya sa nobyo sabay yakap dito. Ganun sila ka-intimate sa isat-isa. “Tuloy tayo. Mag-camping na lang tayo malapit sa kweba. Lets start moving, 5 hours pa ang lalakarin natin before we will reach that cave.” seryosong turan ni Jonas. Tama ito. Dadaan pa sila sa malawak na gubat bago marating ang kwebang pinaglibingan kay Ezana kung saan matatagpuan ang golden tiara. Ang susi sa pagyaman nilang lima. “Wait guys! Can we rest here for a while?” hinihingal na sabi ni Bella. “Oo nga, hon. Besides, i want to take pictures of this forest.” sang-ayon ni Maya. “Okey. Pero 15 minutes lang,” ani Jonas. Umupo sila sa malaking ugat ng isang puno. Naglabas sila ng inumin upang mawala ang kanilang uhaw. Naglabas naman ng make-up kit si Bella at nag retouch. Biglang napatili si Bella nang may isang nakakasilaw na liwanag ang tumama sa kanyang mukha at galing iyon sa salamin ng make-up kit nya. Natawa na lamang siya nang mapag-alaman nyang flash lang pala un ng camera ni Maya. “Jezz, Maya! You scared me!” nakahawak sa dibdib na sabi ni Bella. “Oops! Sorry Bella. Ngayon ko lang nalaman na takot ka pala sa camera… Joke lang!” natatawang sabi ni Maya sa kaibigan. Labis na nagandahan si Maya sa gubat kaya naman panay ang shots nya. Nang magsawa ay napagdesisyunan na nyang bumalik sa mga kasama. Nagtataka sya dahil sa parang seryosong nag-uusap ang apat. “Anong meron?” tanong ni Maya. “M-maya, we have to—,” di na naituloy ni Tommy ang sasabihin dahil sa bigla syang siniko ni Jonas. “Wala. Tara na, guys! Lets keep moving!” ani Jonas at tiningnan nito ang hawak na mapa at nagpatuloy na sila sa paglalakad. EXACTLY 10PM nang marating nila ang kweba. Agad silang pumasok. Gamit ang kani-kanilang flashlights ay madali nilang natunton ang kinaroroonan ng bangkay ni Ezana. Labis ang pagkamangha ng lima ng marating ang libingan ni Ezana na nasa dulo na ng kweba. Puro salamin ang paligid. Yun ay isa sa paniniwala ng mga Africans. Nilagyan nila ng mga salamin ang kweba bilang harang upang di na makalabas dun ang espiritu ni Ezana. Isa pang ikinagulat nila ay ang bangkay ni Ezana na nakahiga sa mga batong pinagpatong-patong upang maging tila higaan yun! Hindi pa ito naaagnas. Bagaman at sunog ang buong katawan nito ay dapat agnas at buto na lang ito. Pero hindi! Tila na-preserve ito sa tagal ng panahon. Magkahawak kamay na lumapit sina Maya at Jonas sa bangkay. At ayun ang golden tiara! Nasa uluhan ni Ezana. Pero laking gulat ni Maya nang biglang lumuhod sa harapan nya si Jonas. “Maya, will you marry me?” Hindi makapaniwala si Maya sa singsing na hawak ni Jonas. Ito pala ang sinasabing surprise ni Tommy. “Yes, I will!” walang pagdadalawang isip na sagot ni Maya at isinuot sa kanya ni Jonas ang singsing. Sabay nang pagsuot ng singsing kay Maya ay isang malakas na pagsabog ang naganap. Dahil sa hindi kaagad nakadapa si Maya ay sinalo ng kanyang katawan ang mga nagtalsikang basag na salamin. Kumikisay-kisay na bumagsak sa lupa si Maya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD