CHAPTER 06

688 Words
Nanlaki ang mga mata ni Tommy nang makita kung sino ang papasok sa banyo. Hindi na niya maigalaw ang kahit na anong parte ng katawan niya dahil ang babaeng nakikita niya lamang sa repleksiyon ngayon ay nasa harapan na niya! Matalim ang mga mata nito. Nakalutang ito sa hangin at papalapit na kay Tommy. Nanatiling nakaawang ang mga labi ni Tommy sa sobrang shock. Tila sinemento ang buo nyang katawan. Gusto niyang sumigaw pero walang boses na lumalabas sa bibig niya. Ganap nang nakalapit kay Tommy ang babae. Tumitig ang nakakatakot na babae kay Tommy at may ibinulong ito sa kanya. Pagkatapos noon ay naramdaman ni Tommy ang unti-unting pagkadurog ng kanyang mga buto. Sa braso, hita... “Ahhhhh!” napasigaw na siya sa sobrang sakit ng pagkabasag ng mga buto niya. Nababasag ang mga iyon tulad ng pagkabasag ng salamin nun sa kweba. Napaka makapangyarihan ng babaeng ito dahil kaya niyang saktan si Tommy sa pamamagitan lamang ng mga titig nito. “Sino ka ba?!” sa wakas ay naisigaw niya rin. “EZANA!” hindi bumuka ang bibig ng babae pero narinig ni Tommy na nagsalita ito! Si Ezana! Tama ang pagkakarinig niya. Tama nga ang sinabi sa kanila ng matandang African na may kasamang sumpa ang pagkuha sa Tiara of Ezana! Gumapang si Tommy pero wala na siyang lakas. Ramdam pa rin niya ang pagkadurog ng mga buto niya. Bagaman at lupaypay na ang mga kamay ay pilit niyang kinuha ang cellphone sa bulsa niya. Kailangan nyang makahingi ng tulong sa mga kaibigan niya. Kailangang mabigyan niya ng babala ang mga ito tungkol kay Ezana! Agad siyang nagtype sa cellphone pero mabilis na lumapit sa kanya si Ezana. Hinawakan nito sa leeg si Tommy at pinilipit iyon. Sumuka ng dugo si Tommy. Hirap na siyang huminga. Maya-maya ay parang kinatay na manok si Tommy na nagkikisay ito. Nang wala na itong buhay ay saka lang ito binitawan ni Ezana. Patuloy pa rin ang pag-agos ng dugo sa bunganga ni Tommy... Isang nakakatakot na tawa ang pinakawalan ni Ezana... “EEEEEEEEE!!!” Isang tili ng babae ang narinig nina Jonas at Owen. Nagmumula iyon sa restroom ng restaurant. “Si Bella!” kinakabahang bulalas ng dalawa. Paano kasi ay nagpaalam si Bella kanina na pupunta lang sa ladies room. Mabilis na tumakbo ang dalawa papunta sa pinagmulan ng sigaw. Nakita nila si Bella na nakaupo sa harap ng nakabukas na pintuan ng men's room habang walang tigil ito sa pagtili. “Calm down, hon. Ano bang nangyari?!” agad na dinaluhan ni Jonas ang naghihisterikal na asawa pero maging sila ni Owen ay nagimbal sa nakita nila sa loob ng men's room. Si Tommy! Nakahandusay ito sa sahig ng CR. Pilipit ang ibang parte ng katawan nito. Dilat ang mga mata at distorted ang mukha nito na halatang namatay sa napakahirap na paraan! “DRINK this…” ani Jonas kay Bella sabay abot ng isang tasa ng kape dito. Kakauwi lang nila mula sa presinto. Tinanong lang sila ng mga pulis dahil sila ang kasama nito. Mukhang mahihirapan ang mga pulis na malaman kung sino ang may gawa nun kay Tommy. Kahit sila ay walang ideya, dahil wala naman silang kilala na may galit sa kanilang kaibigan na maaaring gumawa noon. Nanginginig na ininom ni Bella ang kape. Banaag sa mga mata niya ang takot sa nakita kanina. “Jonas, natatakot ako...” niyakap ni Jonas ang asawa upang maibsan ang takot nito. “Don't worry, hon. Makakalimutan mo di ang mga nakita mo kanina…” alo ni Jonas kay Bella. “J-jonas m-may aaminin ako sayo,” ani Bella. Napatingin si Jonas kay Bella. “Anong aaminin?” tugon ni Jonas. “Alam ko paano namatay si Tommy!” “Ha?! Bakit di mo sinabi kanina sa mga pulis?!” labis na nagulantang si Jonas sa isiniwalat ni Bella. “D-dahil alam kong hindi ako papaniwalaan ng mga pulis pag sinabi ko kung sino ang pumatay kay Tommy!” “Ano! Alam mo kung sino ang pumatay kay Tommy? Sino Bella?! Sino?!” tanong ni Jonas habang hawak sa magkabilang balikat si Bella...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD