Chapter 2

1785 Words
IMOGEN's POV "Vampy ano? Ready ka na ba? Maya maya aalis na tayo. Handa mo na din yung mga gamit na dadalhin mo para hindi na tayo mahirapan mamaya sa pag baba ng mga gamit." Sumulpot si kuya Rhys Sa kusina. umiinom kasi ako ng animal's blood dito sa kusina. Kumuha naman si kuya Ng blood sa ref. At sumipsip na din. "Opo kuya. Ikaw talaga kuya hahaha akala mo naman totoong mahihirapan ka! Pareho nating alam na kaya mong buhatin lahat ng gamit natin ng isang kamay lang kahit gaano pa kabigat yun hahahahahahaha!" Humagalpak ako ng tawa kaya napabuga si kuya ng dugo sa mukha ko na ikinatigil ko sa pag tawa. Naamoy ko ang dugo na sobrang bango pero putcha! Ang baboy ng kuya ko! Sya naman ngayon ang humagalpak ng tawa with matching turo pa sa mukha kong puro dugo. "Vampy! Hahahahaha yung mukha mo nireregla! Hahahahaha!" Tinignan ko naman sya ng masama na ikinatigil nya sa pag tawa. Nag peace sign naman sya sa akin. "Ahh sige Vampy ahh di pa pala ako nakakapag ayos ng gamit at sasakyan. Hehehe sige ahh" sabi nya sabay takbo palayo. HAYYYYYYYSSSSSSS!!!!!!!! PARANG BATA LANG TALAGA!!!!!!!!!! "Vam....py. A..anong nangyari sa mukha mo? Naghilamos ka ba gamit ng dugo?" Takang nakatingin sa akin si kuya duke kasama si kuya vey at ang kambal. "Kuya duke do you think i will do that?" Inirapan ko lang sya at agad nang pumanik sa kwarto ko para maligo. Tutal maya maya aalis na kami. Mabilis ang mga kilos ko at wala pang 15 minutes ay tapos na ako agad. Hindi ko na kailangan iayos ang mga gamit ko dahil naayos ko na sya kagabi pa. Umupo muna ako sa aking kama at inilibot ang paningin sa aking kwarto sa huling pagkakataon. Hmmm mag flashback muna kaya ako. Hihintayin ko nalang silang tawagin ako. Gaya nga ng naisip ko ay agad namuti ang mga mata ko tanda na binabalikan ko ang nakaraan o ang mga mangyari na. FLASHBACK 14 YEARS AGO...... "Mahal na Hari. Nag balik na po si Roman mula sa kaharian ng mga DE LUNA." Agaw pansin ng isang kawal sa isang lalaking naka upo sa gitnang trono. "Mahal na hari. Gaya po ng ipinangako ko sa inyo. Nakuha ko na po ang bunsong anak ng mga DE LUNA." Sabi ng lalaki habang sya ay nakaluhod at nakayuko sa harapan ng hari. "Magaling ROMAN. Marunong kang tumupad sa usapan. Bilang Gantimpala...ikaw ay ginagawa kong isa sa mataas na posisyon ng mga kawal." Sabi nito at lumapit sa lalaki. Kinuha nya ako sa lalaking may buhat sa akin. Habang buhat nya ako ay nilalaro nya ako. Binigyan pa nya ako ng candy at kinakausap na parang nakikipag laro. Hindi nagtagal ay nakaramdam ako ng kaantukan kaya hinele nya ako. Napasabi nalang ako sa isip ko na "Ang bait nya naman." Dahil sa antok at paghele nya sa akin ay agad akong nakatulog. Pag gising ko wala akong maalala pero pakiramdam ko ang lakas lakas ko para sa limang taong gulang na bata. Anong meron? "Bata kamusta na ang pakiramdam mo? Nagugutom ka na ba?" Tanong sa akin ng hari kahapon. Nakaupo pala sya sa kamang tinulugan ko habang nakatingin sa akin. "Okay na po ako. Kaso po baka hinahanap na po ako ng mga magulang ko. Ayoko po kasi na mag alala sila ehh" sabi ko sa haring kausap ko ngayon. "Ganun ba munting prinsesa? Walang problema. Mag hintay ka muna dito at uutusan ko ang mga kawal ko na ihatid ka na pauwi." Tumango lang ako at agad na din syang umalis. Naghintay pa ako ng ilang minuto nang siya ay muling bumalik kasama ang isang babae sobrang pamilyar sa akin. "Carol. Ikaw na muna ang maghatid sa ating munting prinsesa. Kailangan nya nang magbalik sa kanilang kaharian." Sabi nito sa babae at tumingin sa akin. Pareho silang nakangiti kaya ngumiti na din ako dahil makakauwi na ako. Namimiss ko na ang magulang ko at mga kapatid ko. Binuhat na ako ng babaeng nagngangalang carol at naglakad na palabas ng palasyo. Pero may nagsalita sa likod namin na ikinahinto ng babae. "Sandali lang carol. May gusto lang akong sabihin sa ating munting prinsesa." Tumingin muna sa akin si carol na waring inaantay na pumayag ako. Tumango ako sakanya at ngumiti bago nya ako ibaba. Lumapit naman ako sakanya. Lumuhod naman sya at nakangiting hinawakan ang aking dalawang kamay. Hinaplos nya ito sa kanyang mukha. Habang nakahaplos parin ako sa kanyang mukha ay pumikit ito. Nagtaka ako dahil may luhang pumatak mula sa kanyang mga mata. "Bakit po kayo umiiyak? Masakit po ba ang paghawak ko sa mukha mo? Gusto mo po bang tanggalin ko nalang?" Inosente kong tanong pero ngumiti lang sya at umiling. "Hindi. Sa totoo lang ang sarap sa pakiramdam na hawak mo ang mukha ko kahit hindi kita kamag anak o kalahi. Patawarin mo sana ako sa nagawa ko sayo ah. Alam kong pag laki mo maalala at mauunawaan mo ang lahat. At kapag dumating ang panahon na iyon gusto kong personal akong makahingi ako ng tawad sa iyo at sa pamilya mo." Madamdamin syang nakatingin sa akin habang sinasabi nya lahat mg iyon. Inusente naman akong tumango ako sakanya at walang sabing niyakap ko sya. Yumakap din sya sa akin ng mahigpit at kumalas na din. "Ako nga pala si Feroso." Sabi nya at nilahad ang kamay sa akin. Tinanggap ko naman yun at masayang nakipag kamay sakanya. "Ako nga po pala si Imogen Blythe! Apo po ako ng reyna ng Aming kaharian." Pakilala ko sa sarili ko at tumango lamang sya. "Sya nga pala Imogen. Bago ka umalis. Maaari mo ba ako humiling sa iyo?" Sabi nya at hinawakan nya ulit ang mga kamay ko. May pag susumamo ang kanyang mga mata. "Oo naman po! Mabait ka po sa akin kaya wala pong dahilan para hindi kita pag bigyan." Ngumiti sya sa akin ng sobrang tamis tsaka nag salita. "Gusto ko sana na tawagin mo akong Tatay o Ama. Wala kasi akong anak kaya sabik ako sa pagmamahal ng isang batang kagaya mo. Yung dapat kasi na mapapangasawa ko ay nahanap ang mate nya kaya hindi natuloy ang pagiibigan namin. Pero sana ituring mo din akong pangatlong ama. Sunod sa iyong lolo at tunay na ama. Ayos lang ba iyon sa ito imogen?" Nag dalawang isip naman ako dahil sa sinabi nya. Hindi ko kasi alam kung kaaway sya o kaibigan. Mabait sya pero hindi ko alam kung pakitang tao lang ba. Pero hindi nagtagal ay Tumango ako sakanya na ikinatuwa naman nya. "Maraming salamat sa iyo Imogen! Isang malaking utang na loob ko ito sa iyo. Hinding hindi ko ito malilimutan. Maraming salamat anak. Dadating ang panahon na sayo ko din ipapamana ang aking kaharian. Sisiguraduhin kong matuturuan kita sa paghawak ng isang kahirang tulad nito. At pagiisahin mo ang lahi nga mga bampira at mga lobo at marami pang ibang lahi." Niyakap nya ulit ako ng mahigpit bago kumalas. Muli kaming nag paalam sa isat isa bago kami tuluyang makauwi sa aking kaharian. PRESENT SELENA's POV (Blythe's mom) "Mom patingin naman po si Vampy sa taas. Kanina pa po kasi namin sya minamind link pero nakablock kami." Utos sa akin ni Duke habang nag aayos ng gamit nila para makaalis na papunta sa syudad. "Sige nak. Ayusin nyo na yan ahh para maaga kayobg makaalis at hindi na kayo gabihin." Tumango na lamang sya sa akin. Pumanik na ako sa sa second floor at pumunta sa kwarto ng anak ko. Pero may ibang energy akong naramdaman kaya naging alerto ako at pinakiramdaman ang paligid ko. Nataranta naman ako nang maabutan kong nakahiga ang anak ko. Sisigaw na sana ako nang makita kong puti ang mata ng anak ko. Agad nawala ang pagaalala ko dahil alam ko na na nag babalik sya sa nakaraan. Pero hindi parin nawawala ang kakaibang enerhiya sa paligid ko kaya medyo nag aalala parin ako. Lumapit ako sakanya at hinaplos ang buhok nya. Dahil sa ginawa kong iyon nalaman ko kung saang parte ng nakaraan sya bumalik. Hanggang ngayon parin pala hindi nya yun nakakalimutan. Alam ko din na kapag nagpapaalam syang umalis ay sa kahariang iyon sya nag pupunta. Nag aalala ako na baka pag dumating ang araw ay malaman nya na ang katotohanan kung bakit nangyari ang mga iyon. At kapag nangyari iyon aaminin ko na sa kanya ang lahat. Sya nalang ang hindi pa nakakaalam. "My little vampy.....Wake up from you going back in the past......your Siblings are waiting for you...." I sweetly said. Her eye color turn to her original eye color. She smile at me and hug me tight. "Mom. Alam ko po na alam mong bumalik nanaman po ako sa nakaraang iyon..... Mom kung papagalitan nyo po ako sana po pakinggan nyo muna ako." Sabi nya sa akin. Malungkot nanaman sya. Tumango ako sakanya para iparating na handa na akong makinig. "Mom. Yung lalaki po na kumuha sa akin. Hindi po sya kaaway. Hanggang ngayon po mom ay napaka bait nya sa akin. Nararmdaman ko po iyon. Kaya po mom sana po na hahayaan nyo akong makausap at makasama ang pangatlo kong tatay. Parang si dad at lolo lang po sya mom. Binabantayan, inaalagaan, pinapahalagahan at minamahal nya po ako na parang tunay nyang anak. Sana po hindi na kayo mag duda sa kanya." Napabuntomg hininga nalang ako dahil hindi talaga ako sangayon sa kagustuhan nya. Lalo na ang asawa at magulang ng asawa ko. Pero para sa anak ko susubukan ko. Sila kasi ang pasimuno ng kaguluhan noon. Libong taon na ang nakararaan. Wala silang idinulot sa kaharian namin kundi kasamaan. Pero nagtataka ako dahil bakit nya kailangang tratuhin ng ganun si imogen. Siguro para turuan na labanan kami o ituring na kalaban din. "Susubukan ko anak. Pero wag ka muna magdiwang dyaan dahil hindi pa ako pumapayag." Sabi ko sakanya na ikinangiti nya at tumango nalang. "Ohh sya sige na at inaantay ka na ng mga kapatid mo. Aalis na daw kayo." Sabi ko at niyakap ko sya ng mahigpit at sinabi ko na din na mamimiss ko sya ng sobra. Sa kanilang magkakapatid si blythe ang pinaka clinggy sa akin. Kaya lagi syang nakayakap at nakadikit sa akin. Walang problema iyon para sa akin. Kahit kailan man ay hindi ako mag rereklamo sa pagiging clinggy ng anak ko sa akon dahil kapag dumating ang tamang panahon.....makikilala nya na ang para sakanya at mag kakaroon na din ng sariling pamilya. Sana hindi sya matulad sa nakaraang pagibig ko... o kahit sa mga kapatid nya. Hindi ko kakayaning makita silang malungkot. Hinatid naming mag asawa ang mga anak namin at nagpaalam na sa isat isa bago sila tuluyang umalis.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD