BEFORE THE ERA
DIUAN
FLASHBACK
*coughing*
"Ma,ayos lang po ba kayo?"may pagaalalalang tanong ko dito.Sumenyas lamang ito 'saka ay ngumiti sa'kin.
"Ah*cough* a-ayos lang a-ako!"pinilit nitong ngumiti sa'kin para kahit papaano ay 'di ako magalala.
"Magpacheck-up ka kaya,ma?"suhestiyon ko dito pero kaagad itong umiling
"Naku,simpleng ubo lang 'to anak.Kailangan natin ng pera,ayokong ilaan ang pera pampagamot lang sa'kin..."saad nito habang iniisa-isang ilagay ang mga plato sa hapag."napakadami nating utang,anak.Ayon muna ang iintindihin ko."
Bumuntong-hininga ako.
"Alam kong nagaalala ka pero para din naman ito sa inyo."
___________
"Diuan!"
"Uyy, si Di!"
"Tae pre,pakopya ako!"
"Diuan,can you teach me?"that was Felise,sikat siya dito sa school namin not because of her looks but because of money.Mayaman siya kaya nadadala at napapaikot niya ang mga nasa paligid niya.
"Ano ba yun?"inalis ko ang suot kong salamin at saglit na inilapag ito sa table.
"Oum,"umayos siya ng tayo 'saka ay lumapit ng kaunti sa'kin."ito oh? 'di ko masyado gets."
"Hindi ko rin gets e."walang emosyon kong sabi 'saka ay bumalik na sa pagsusulat ng mga reports ko.
"Tae,Fe.Tabi jan! ako kasi tuturuan niyan."at tumabi sa'kin ng upo si Ric at nagsusumamong tumingin sa'kin.
"Di,ampogi mo..."
"Alam ko,may crush ka nga sa'kin e."
"Tangina pre,nauumay ako!"
"Edi lumayas ka sa harap ko ngayon din!"
"Jowk,crush nga kita.In love na nga ata ako sayo!"agad akong napailing.
"Turuan mo-"
"Kumopya ka nalang."
"Huh?"
"Hakdog!"
"Luh?"
"Tsk,nagiinarte pa nga."
"Luh,inaano ka?"
"Kahit naman turuan kita 'di mo magegets."
"Sakit ah?"
"Wag kana kumopya masakit pala e."
"Cute mo,Di."
"Thankyou."
"Hindi manlang binalik."
"Ba't nanghiram ba ako?"
"Taena,nakakagago ka kausap!"
"You too."
Yan si Rico Rozal,Ric for short.Ayaw niyang tinatawag siyang Rico kasi daw ambantot.Matagal na kaming magkaibigan niyan first year highschool palang.Madaldal yang hinayupak na yan kaya marami ding nagkakagusto jan kasi 'di daw sila naa-out of place pag si Rico Mambo kasama.Kalalaking tao napakadaldal,sarap tahiin ng bibig.
"Pre,tapos na."
"Bilis ah?"
"Ganun talaga."kinuha ko ang notebook ko sa kanya 'saka ay inayos na ang mga gamit ko sa bag,wala naman kaming klase ngayon dahil may meeting ang mga teacher namin kaya half-day lang.
"Nga pala,bakit 'di mo tinuruan si Fe kanina."
"Alam naman niya."
"Paano mo nalaman?"
"Bobo lang,top 1 natin yan e."sambit ko dito sabay batok.
"Sorry pre,lutang lang."umismid ako 'saka ay nagpatuloy na sa pagliligpit ng mga gamit ko ng maramdaman kong nagvibrate ang phone ko.Kinuha ko ito at agad sinagot 'di ko na tiningnan ko sino ang caller dahil nabigla din ako.
"Hello..."
"Anak,si Dilan."
END OF FLASHACK
"It's just simple,"makahulugang ngumiti ang babae sa'kin.Tumayo ito at pumunta sa harapan ko.Pinadausdos niya ang mga kamay niya sa aking mukha pababa sa aking leeg.Ramdam ko ang talas ng kaniyang mga kuko na dumadampi sa'king balat.Tumigil siya sa may batok ko 'saka ay nagsimulang magsulat.
K
I
L
L
Inilapit nito ang bibig niya sa may tainga ko at 'saka ay bumulong ng"Her."
Umalis ito sa'king harapan at bumalik ulit sa kanyang upuan.Tahimik lang akong nakaupo doon at walang balak magsalita,aminado akong natatakot ako sa puntong ito pero hindi ko ipinapahalata."Pera kapalit ng buhay ng babaeng yon."dugtong pa nito dahilan para mamuhay ang pagaasam kong mapagtagumpayan ang misyong pinasok ko.
"Deal."
"Yeah,Deal."malumanay nitong sabi."Isang buwang palugit,isang buwan."dagdag pa nito bago ako makalabas ng pinto.Walang emosyon lang akong tumitig 'saka ay pinihit na ang door knob.
Para sa pamilya ko,papatay ako.
____________________
DAY 1
Tinapakan ko ang upos na sigarilyong ginamit ko bago pumasok ng ospital.
"SAN LOREZO MEDICAL HOSPITAL"
Dito nakaconfine ang kapatid kong si Dilan.May cancer siya sa buto sabi ni mama nasa lahi na daw namin yun kaya maysakit na ganun si Dilan.Nasa ICU parin siya ngayon dahil critical ang kalagayan niya dahil narin sa nasagasaan siya ng isang SUV noong araw na papunta siyang eskwelahan.Madaming nadislocate na buto sa katawan niya at andaming nabone-fracture,napuruhan din ang utak niya.Kaya nga pinasok ko ang trabahong 'to,dahil wala na kaming pagkukunan ng pambayad sa hospital bills at mga kailangan para sa operasyon ng kapatid ko.
"Dilan,gising na..."pumatak ang ilang butil ng mga luha ko habang nakatingin sa kapatid kong nahihirapan sa loob ng ICU.Nandoon si mama sa loob at siya ang nagbabantay,bawal ang dalawang bantay sa ICU kaya pinagpilitan ni mama na siya nalang daw ang magbabantay at magaalaga kay Dilan habang nagaaral ako.
Ako nalang ang inaasahan ni mama na makakatulong sa kaniya kaya kahit hirap sa buhay pinipilit niya kaming iahon sa hirap at matustusan ang mga pangangailangan namin sa pangaraw-araw.
Pinahid ko ang mga luhang patuloy na rumaragasa sa'king mukha 'saka ay pilit na ngumiti.
"Gusto ko maging katulad mo,kuya."
"Bakit?"
"Gusto ko maging sundalo katulad mo,"ngumiti sa'kin si Dilan at masuyo akong niyakap."ililigtas mo kami ni mama kahit anong mangyari diba?"
"Oo naman."
"Kahit yung iba nangangailangan din ng tulong mo,ililigtas mo parin kami?"
"Hindi ko naman kailangan mamili e,kung pwede ko naman kayong iligtas pareho."mapait itong ngumiti.
"Hindi lahat maililigtas mo kahit gaano mo pa ka-gustong iligtas sila."
"Dilan..."
Umalis nadin ako non dahil may pasok pa ako mamaya sadyang dumaan lang ako sa kapatid ko.Nasa labas na ako ng ospital ng marinig ko ang pagbusina ng ambulansiya.Nandun na kaagad ang mga nurse na nakaabang dala-dala ang stretcher.
"EMERGENCY ROOM!!"sigaw ng doctor
Tumigil ang ambulansiya sa may entrance ng emergency room kapagkuwan nagsibabaan ang mga nurse dala-dala ang mga gamit pangmedikasyon sabay ding yun lumabas ang isang babaeng nasa stretcher walang malay at duguan.Naliligo sa sarili niyang dugo.Kasing-edad ko lang ang babae mejo 'di ko siya mamukhaan dahil nakatabing ang ilang hibla ng buhok niya sa kaniyang mukha.
'Di ko alam kong anong mararamdaman ko,ito ang unang beses na nakakita ako ng babaeng walang malay at naliligo sa sarili niyang dugo.Dahil narin sa pagmamadali mabilis narin nilang naidala ang babae sa may emergency room at agad binigyan ng paunang lunas.
Pero agad din naningkit ang mga mata ko ng makita ko ang pakwadradong bagay sa kalsada.Mabilis ko itong pinulot at 'saka tiningnan.
Isang I.D
Napabaling ako ng tingin sa may nagmamay-ari ng I.D nito at laking gulat ko ng mamataan ko ang pangalan niya.
Letitia Ramos
Yung babaeng sinugod kani-kanilang sa ospital,ayun yung babaeng...
"Kill her."