Gabby's POV
Mahigit dalawang oras pa ako tumambay sa labas just to make sure na tulog na si Mama at hindi n’ya na ako maabutan. I don’t think kasi na kaya ko s’yang harapin ngayon. Alam kong tatadtarin n’ya ako ng tanong about how the prom went.
She really likes Peejay. Sino ba namang hindi?
G’wapo s’ya at mayaman. Kahit sino ay kilala s’ya dahil na rin Mayor ang Dad n’ya ng bayan namin. Mainpluwensya at talaga namang tapat ang paglilingkod sa tao. Kaya naiintindihan ko rin talaga ang excitement ni Mama.
But how do I tell her the truth? Na hindi naman talaga genuine sa’kin si Peejay. That it was all part of a stupid dare.
I was a fool for thinking that he would actually like someone like me.
Hindi pa ako nagtaka na mas’yadong mabilis ang lahat ng pangyayari. Na para bang nasa isang akong fairytale at ako ang bida. That one random Tuesday afternoon, he just decided to kneel down in front of the entire students of Loarte Academy to confess his feelings for me.
Too much books, Gabby.
Walang Prince Charming sa totoong buhay.
Pagsapit ng alas kwatro ng madaling araw ay saka ko lang naisipang pumasok sa loob para magpahinga. Gano’n na lang ang gulat ko nang maabutan ang Mama kong tulog na nakaubob sa lamesa.
Mukhang nakatulog na s’ya kakahintay sa’kin.
I checked my phone kanina pero wala naman s’yang mga pinadalang message. Ayaw n’ya sigurong istorbohin ako kahit na nag-aalala na s’ya. She wanted me to enjoy the prom night.
Minsan lang naman kasi.
I was never invited to any parties. Maybe, I was invited. But I never really considered attending. And when I finally did… she got too excited to the point na nakalimutan n’yang I was never pretty like her when she was my age.
She’s trying to make me live the life she failed to live when she got pregnant with me at a young age.
I feel bad kasi I feel like I ruined it for her again.
“They didn’t like me, ‘Ma,” kausap ko sa tulog kong Nanay.
Alam ko namang hindi s’ya sasagot. And I prefer that. Bukas ko na lang s’ya kakausapin. Mag-iisip pa ako ng dahilan para marason sa kanya ng maayos ang breakup namin ni Peejay.
Paakyat na sana ako sa itaas nang marinig kong magsalita si Mama. “Hindi ka hinatid ni Peejay?”
I froze.
She was awake?
Tumunghay si Mama at doon ko lang nakita ang pamumugto ng mga mata n’ya. She wasn’t sleeping. She was crying like me.
“Ang tagal mo nakaupo ro’n sa may labas. Hindi ko alam kung ano’ng dahilan kaya hindi kita nilapitan…” wika n’ya. Nag-init ang magkabilang sulok ng mga mata ko. Akala ko pa naman din ay ang galing ko magtago. Nakita pala n’ya ako. “...ano ba’ng nangyari sa prom?”
Hindi ko na napigilan at kusa nang bumagsak ang mga luha sa mata ko.
“Anak…” nahihirapang sabi ni Mama.
Parang bata akong umiyak sa harapan n’ya. Seventeen years old na ako pero para pa rin akong bata sa lagay ko ngayon.
“Binully nila ako, ‘Ma!” iyak ko.
Mabilis na lumapit sa’kin si Mama para yakapin ako. Agad naman akong sumubsob sa balikat n’ya at umiyak nang umiyak. Halos mabasa ko ang damit ni Mama sa sobrang dami ng luha ko.
“Sino’ng mga nang-away sa anak ko? Isumbong mo sa akin at susugurin ko sila ngayon mismo!”
“Huwag na po, ‘Ma.”
Agad akong umiling.
Lalo lang akong pag-iinitan ng mga iyon. Ayaw ko ring madamay pa si Mama.
Mukha lang mga immature bullies sina Czarina pero mas malala pa ang kayang gawin ng mga bruhang iyon.
Kaya nilang sirain ang buhay ko.
Malakas ang loob nilang mambully dahil protektado sila ng kayamanan ng parents nila. Ayaw kong pati ang trabaho ni Mama ay madamay. Cashier pa naman s’ya sa isa sa mga malls na pag-aari ng pamilya ni Czarina.
“Okay lang po ako.”
Nakailang subok din akong kumbinsihin si Mama na huwag nang patulan ang mga estudyanteng nangbully sa’kin bago n’ya ako hinayaang pumasok sa room ko. Bakas pa rin ang lungkot sa mga mata ko habang inaalis ang mga tumigas ng itlog at harina sa buhok ko. Mahigit isang oras rin ang tinagal ko sa shower.
Nagkukuskos pa ako ng buhok ng mapatigil ang mata ko sa cellphone kong nakapatong sa lamesa. Pinatay ko iyon after nang nangyari sa prom. Sunod-sunod kasi ang notifications at alam kong about lang iyon sa mga nakuha nilang video ng humiliation ni Czarina sa’kin.
I’m sure na they tagged me on every post.
Gano’n sila kaproud sa kasamaan ng ugali nilang lahat sa Loarte Academy. And the entire campus is with them.
Tanging ang si Sergio Martinez lang talaga ang naiiba.
But I’m also thinking na baka dahil lang iyon sa obligasyon n’ya as SSC President. He doesn’t really care about me.
Sasampa na sana ako sa kama nang may mapansin akong note na nakasingit sa dala kong maliit na purse kanina.
Call this number if you get this…
Peejay’s POV
“Did you see her face, dude?” natatawang sabi ni Marco habang pinapanood ang prom video. He even showed it to me proudly like I haven’t seen it for twenty times already.
Honestly, I’ve watched it so many times, not because I find joy seeing her humiliated, but because I genuinely felt bad.
When I agreed to do the dare, Czarina never told me that she would humiliate her in front of the entire school. Three weeks with her… I know it sounds dumb, but I’ve never felt so comfortable with someone.
She’s funny, thoughtful, and smart.
And despite my shortcomings, she never really changed. There were times na alam kong napapansin n’ya na baka ginagamit ko lang s’ya and sinasadya ko iyon. I didn’t know how to tell her the truth.
Gabby didn’y deserve any of that.
“Hey…” Napatingin ako sa babaeng nakaupo sa lap ko nang marinig ko ang maamong boses ni Czarina. “Marco is trying to show you something. You don’t seem interested. What’s on your mind?”
She snaked her arms around my neck.
“You’re not thinking about that Balyena Girl again, right?” she bitterly said.
I chucked dryly.
“What… Why would I think about her?” I lied.
My eyes closed when she softly kissed my cheek.
“You’ve been quiet since last night. You’re not feeling anything weird about what we did, right?”
I opened my eyes.“I don’t know, Babe.”
Her brows arched.
I cleared my voice. “It’s just that… You know… What happened at prom… It wasn’t part of the plan.”
She scoffed in disbelief.
“So you do feel weird about it?”
She removed her hands from me, looking disgusted. Medyo malakas iyong boses n’ya kaya napatingin sa’min ang mga kaibigan namin. Suddenly, I felt pressured to redeem myself.
“No! What are you saying? I’d never feel bad about what happened to her. She deserved that. Maybe that would knock some sense into her and finally lose weight.”
Agad bumalik ang ngiti sa mga labi ni Czarina.
“That’s my good boy,” she said before kissing me in front of our friends.