38

2013 Words

Lutang na lutang ako. Ilang ulit sinalo ni Agassi ang mga recitation na ako ang tinawag. Ito rin ang nagsagot ng quiz ko, pati na ang pagsusulat sa notebook ay ito na rin ang gumawa. Nakailang tanong na rin sina Dianel kung ayos lang ba talaga ako. Pero hindi ako tumugon. Muli, si Agassi na naman ang sumalo ng tanong. Hindi rin ako lumabas ng break time. Nang lunch naman ay umalis si Agassi, naiwan akong mag-isa sa classroom. Pagbalik nito ay may pagkain na itong dala. "Kain na!" ginagap nito ang kamay ko. Saka iyon marahang pinisil. Kinuha pa nito ang upuan ng guro para makapwesto ito sa harap ko nang maayos. Pinisil din nito ang baba ko para makuha ang atensyon ko. Pero imbes na kumain ay yumakap lang ako rito. Panay ang buntonghininga nito. Pabigat na rin ba ako sa kanya? "S

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD