Dana Paoline's P. O. V.

1997 Words
"Bakit mo binigay?!" Narinig kong sininghalan niya ang tauhan dahil hindi pa naman ako nakakalayo. "Ikaw nga walang may nagawa ako pa kaya?" Kontra nito sa amo. I was offended about what he said, but part of it is true. Hanggang dalawang taon lang ang natapos ko sa kolehiyo. Ewan ko ba bakit ganun ganun na lang bumaliktad mundo ko. Basta pagkagising ko sa ospital biglang nawala na lahat sa amin. Pati si Mommy at si Anthony nakuha din sa akin. I sighed. Bumalik ako sa kasalukuyan ng magsalita ang katabi ko. "Mukhang ang lalim nun ah?" Puna ni Kuya pogi. Siya ang nakaupo sa passenger seat hindi kasi ako pumayag na si Greg ang nandito. "May naalala lang." Maikling sagot ko. "Special someone?" "Uhmmm sort of.." Sagot ko. "Magaling ka sa pasikot sikot dito ah alam mo saan ang daan na kailangan iwasan."  "Syempre ako pa!" Pagmamayabang ko. Tumikhim si Greg sa likuran namin. Sakay kami ngayon ng kanyang black matte bulletproof mustang. Habang naka convoy ang tatlo pa niyang body guards. "Alam mo Kuya pogi kahit wala tayong natapos basta madiskarte lang tayo hindi tayo maging kulelat." Sinadya kong lakasan dahil para talaga iyon kay Greg. "Kong mahinang babae lang siguro ako baka pinuhunan ko na ng katawan ko. Biro mo sa edad na deyse otso lahat meron ako. Yaya, bodyguard… Name it, I have it. Then suddenly paggising ko ng ospital nawala na lahat sa akin pati Mommy ko tapos di ko pa alam kasabay ng pagkawala niya ang pagkawala ng first love ko." I smirked habang tuloy ang pagmamaneho. "Anong ginawa mo pagkatapos nun? "Huh! Naku Kuya pogi. Andaming hirap ko nun mga one thousand!" Tumawa siya. "Pumasok akong service crew sa isang fast food. Lagi pa ako napapagalitan kasi wala akong alam na trabaho. Buti na lang maganda ang lola mo!" Pagmamayabang ko. Na ta tawa naman siya sa mga sinasabi ko. "After my shift, gora ang beauty ko para mamasada. Nag grabcar ako gamit ko kotse ni Kuya Rexor. Haggard na haggard ang feyslak ko that time."  "Iyong mga Kuya ko, mga bodyguards ko dati iyon pero hindi ganun ang turingan namin. Para sa akin tunay ko silang kapatid. Matinding pasensya ang puhunan nang mga iyan sa akin. Tumira ako sa kanila… kahit panty ko nga hindi ako marunong maglaba!" Natawa kami pareho. "Hanggang ngayon?" Tanong nito. "Ay hindi ah! Natuto na ako. Tinuruan nila ako. Pati magsaing saka magluto ng ulam. Andami ko talagang sablay noon. Nakakahiya!"   Binitin ko muna ang kwento dahil alam kong curious pati ang nakaupo sa likod namin….  "Alright that's enough for today Kuya nandito na tayo sa office ng "boss" natin!" Pang iinsulto ko sa taong nasa likuran ko. Pagpasok namin sa building hinanapan ako ng identification. Sabi ko si CEO nalang magpapaliwanag.   Pagdating namin ng 20th floor may nakaupo nang babae dun sa table na nasa labas ng office niya. Sabado kasi ang unang punta ko dito kaya wala ito noon. Tumayo agad ito. "Wow! Ganda! Este gandang umaga!" Bati nito. Sinamaan siya ng tingin ng "boss" namin. "Grace." Inilahad niya ang kamay sa akin. "Paoline." Nakipagkamay ako. Ang pangalan kong Dana ginagamit ko lang sa mga taong malalapit sa akin. "Para pala sayo ang mga iyon?" Tanong niya. Kumunot ang noo ko. "I mean ang mga damit na pinabili ng boss ko." Sagot nito. "Enough Grace! Ang daldal mo." Sita ni Greg. "Never mind him. Let's proceed with the interview." Saka hinila ako papuntang mesa niya at pinaupo sa bakanteng upuan. Umiiling na pumasok sa opisina ang "boss" namin. "So anong ganap mo dito?" Tanong niya. "Pwede ako kahit ano basta mapagkakakitaan. Matindi ang pangangailangan eh, Alam mo na." "Ano sabi ni Greg?" First name basis? Baka magkamag anak sila. "Sinabi ko pwede na ako kahit bodyguard niya, hindi naman tumutol." "Wow matalino talaga ang g*gong iyon! Syempre payag siya kasi hindi ka mawawala sa paningin niya, lagi kayo magkakasama." "What?" Taka kong tanong. "Bilang bodyguard akala mo binabantayan mo siya but kabaligtaran lagi ka niyang mababantayan." Natatawa at naiiling niyang sabi. "Possessive ba?" Tumatawa na rin ako. Magaan agad ang loob ko sa Grace na ito. "Sinabi mo pah! Pero alam mo ba akala ko dati bakla iyan, ang sungit niya sa mga babaeng dumidikit sa kanya."  "Inborn na talaga ang kasungitan nun!" Ayon ko. "Tumpak!" Nagtawanan kami. "Dana Paoline in my office now!" Boses ng boss namin sa intercom.  Pagpasok ko I saw him leaning on the wall and two hands on his pocket. Napakagwapo niyang tingnan, no wonder na fall nga ako sa kakambal niya diba? Sigurado ako maraming babae ang willing maghubad sa harapan niya. "Do you need something Sir? Tanong ko. "Coffee? Juice"... "I need you." Sagot niya na nakangisi. Lumapit siya sa akin. Halos mabingi ako sa kabog ng dibdib ko. 'Kala ko ba matapang ka?' Sita ko sa sarili ko. Sinara niya ang pinto at inilock ito. Bumalik ulit sa harapan ko. At kinuha ang kaliwang kamay ko. Inoobserbahan ko lang siya sa ginagawa niya. May dinukot siya sa bulsa niya.  "Kailangan kitang talian baka makawala ka pa. Ito ang Patunay na pagmamay ari kita." Saad nito habang sinusuot sa akin ang bracelet. "Hindi Kita kaano ano at hindi ako bagay para maging pagmamay ari mo." Pagtataray ko. "Kung kinakailangan pakasalan kita para matalian Kita sa leeg gagawin ko. Magiging akin ka hanggang sa mawala ang pagkamuhi ko sayo dahil sa pagkawala ng kapatid ko." Mariin niyang sabi. "Maaaring ako nga ang dahilan ng pagkawala ni Anthony, pero kahit anong gawin mong pasakit at parusa sa akin hindi ko na maibabalik ang kapatid mo. Tingin mo matutuwa siya sa ginagawa mo ngayon?" Hindi ko napigilang maluha sa sinabi. Hinawakan niya ng mariin ang baba ko at pinisil ito. Kita sa mata niya ang iba't ibang emosyon na di ko mawari kung ano. Kahit nasasaktan ako hindi ako pwedeng magreklamo. Para lang maibsan ang galit niya at baka sakaling pagdating ng araw ay kusa niya akong pakawalan.  My tears keep on falling. Then slowly he released my chin. Umakyat ang kamay niya sa mukha ko para punasan ang luha ko pero iniwasan ko ang kamay niya. Lumambot ang anyo niya.  Iniwan niya ako at lumapit sa mesa niya may kinuha sa drawer. "Here. Take this.Kapalit ng nasira mong phone." Inabot niya sa akin ang kahon ng isang mamahaling brand ng cellphone. "Pagtatrabahuan ko to. Ibawas mo nalang sa magiging sahod ko. Hindi ako sanay sa libre." Sabi ko. "Nandyan ang number ko, Kay Grace at Kay Dexter at Kay Yaya Lydia.Sila ang mga taong pinagkakatiwalaan ko. At dapat wala nang ibang numero dyan na maidagdag." Habang nagsasalita siya abala na ako sa pagdial ng number ni Kuya Rexor. "Kuya! I miss you! Pasensya kana ngayon lang nakaalala itong prinsesa niyong  maganda. Nasira kasi ang phone ko." Pilit kong pinasigla ang boses para hindi mahalata ng kausap ko na umiiyak ako. "Miss ka na rin namin. Buti naalala mo pa kami! Umuwi ako kahapon sa Pampanga" Nagtatampo Ito sa akin pero alam kong lilipas din ito. Nakita ko na sumisenyas si Greg na patayin ko ang tawag. "Kuya kamusta po si Dad? Si Yaya Nena?" "Ayos naman sila. Pero si Daddy lalong nangangayayat. Alam mo may atraso ka sa akin. Bakit hindi ka umuwi kahapon pinagtakpan na lang Kita Kay Daddy na abala ka sa bago mong trabaho." Daddy din ang tawag ni Kuya Rex sa Dad ko since sa amin na siya halos nagkaisip. Malaki rin ang naiambag niya sa gamutan ni Dad.  "Salamat Kuya a. Sorry nga pala sa inasal ko nung nakaraan. Subukan ko makauwi next week." "Ayos lang iyon sanay na kami sayo tupakin!"  "Eeehhh Kuya naman hindi kaya. O siya sige na baka naabala Kita. Tawag nalang ako sa kanila Kuya Drake kapag may time ako. Bye Kuya, lab yu" "Ingat ka lagi lalo na sa kambal ni Anthony." Patay! Awtimatikong nalipat ang tingin ko kay Greg. Naka loudspeaker ako! "Mahal ka namin alam mo yan. Ingat!" "Nakakatouch naman! Ang sweet niyong mag Kuya. Pero are you sure kapatid ang turing niya sayo? Baka may pagnanasa iyon sayo! I'm warning you. YOU. ARE. MINE! Kaya Kong bilhin ang buhay ng mga taong mahalaga sayo!" He is threatening me! "Gawin mo na lahat ng gusto mong gawin sa akin. Saktan mo ako! Pero nakikiusap ako huwag sila. Sila lang ang kayaman ko! I can't imagine life without them." "Kaya dapat sumunod ka sa lahat ng gusto ko! You may go. Nasa labas si Dexter umuwi na kayo."  "I need a job."  "You may start tomorrow." His focus now is on his computer. Kaya tumalikod na ako para lumabas. Nang biglang hilain niya ako at ikinulong sa matitipuno niyang mga bisig.  "And where is my goodbye kiss?" He kissed me torridly.  "I'm going to miss you! But I need to work. Thousands of people are depending on this company." Bulong niya habang nakapatong ang noo sa noo ko. "I need to go." Paalam ko. Saka unti unti niya akong pinakawalan.  Natatakot din ako baka kung saan pa hahantong ang ginagawa namin kaya nagmamadali na akong lumabas.  Hindi ko maaaring ipagkaila ang nararamdaman ko. Hindi malayong mahulog ako sa bitag niya dahil taglay niya ang pisikal na anyo ng kauna unahang taong minahal ko. "Aalis kana?" Napukaw ako sa malalim na pag iisip. Hindi ko namalayan nasa tapat na ako ng lamesa ni Grace. "Oo, kita na lang tayo ulit bukas."  "Anong ginawa sayo?" Curious niyang tanong. "W-wala." Nauutal at namumula kong sagot. "Anong wala? You are blushing!" Tudyo niya. "Wala talaga!" "Kasalan na!.." Sabi ni Grace na ikinagulat ko. "Kasalan ka diyan? Ganyang ugali papakasalan ko? Baka sakalan pwede pa!" Tanggi ko. "Girl take note: First, ikaw lang ang babaeng nakapunta sa bahay niya. Second, ikaw lang ang babaeng binilhan niya ng lahat ng uri ng gamit, which is very unusual dahil ni minsan wala pang binigyan ng personal na gamit ang kaibigan kong iyan." Ngumiti lang ako sa kanya.  'Kung alam mo lang ang totoong kwento Grace baka pati ikaw magalit sa akin dahil sa ginawa kong p*******t sa kaibigan mo.'  "So paano, see you tomorrow? It's nice to meet you Grace. Nagkaroon agad ako ng instant kaibigan." I offer my hand for a hand shake. She stood and hugged me.  "I know that there's something between you and him. I can see that he is happy. Sana simula na ito, at ng bumalik na ang dating Gregory na kaibigan ko." Nagtataka man ako sa mga sinabi niya hinayaan ko nalang.  "Kuya Pogi pwede ba tayo dumaan sa police station? Dadalawin ko lang ang Kuya ko."  "Naku, negative. Baka magalit si Boss Greg sa akin. Kabilin-bilinan niya diretso uwi tayo."  "Saglit lang tayo Kuya." Pamimilit ko. "Hindi mo alam paano magalit iyon. Ayaw ko rin masisante sa trabaho. May mga kapatid ako na umaasa sa akin."  "Please Kuya, para na rin kitang kapatid eh. Diba ganun dapat mga Kuya binibigay ang gusto ng mahal na kapatid?" Sa huli napa oo ko din siya. Tinawagan ko ulit si Kuya Greg. Alam kong may itinatago siya sa akin. "Kuya busy ka ba?" "Yeah, lalabas kami ng grupo in ten minutes." "Labas ka muna saglit." Hindi ako mapakali while waiting, inabala ko nalang ang sarili ko sa pagtirintas ng buhok ko. "Akala ko ba busy ka?" "Kuya hindi ako mapakali alam ko may tinatago ka sa akin tungkol kay Daddy."  "OK lang si Dad ganun pa din tulad ng dati." Hinawakan ko ang kamay niya. "Kuya please look at me." Hinawakan ko ang mga kamay niya. Tumulo na naman ang luha ko. "I know he's n-not g-getting b-better." Niyakap nalang ako ni Kuya Rex dahil alam namin pareho na sooner or later mawawala si Dad sa amin. Narinig ko ang busina ng patrol car kaya kumawala na ako sa yakap niya. "Ingat ka Kuya. Palagi. Hindi ko kakayanin kapag nawala kayo sa akin." Tumango siya saka hinalikan ako sa noo bago tuluyang umalis.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD