Reconciliation

2012 Words
Nagmamadali si Dana papuntang opisina, lunes na lunes pa naman, late na talaga siya. Panay na ang tawag at banta ni Greg sa mga text, na mas pinili niyang huwag sagutin. Inatake kasi ang Dad niya noong sabado at isinugod nila sa ospital. Sa tinagal tagal nang may sakit ng ama noong sabado niya lang nalaman ang totoong sakit nito. "Iha, you're Dad has been diagnosed with muscular dystrophy. Matagal na pero nakiusap siya sa akin na huwag ipaalam sa iyo." Kwento ng Doctor na nag aalaga sa Daddy ni Dana. "But Doc, I am his daughter, didn't I deserve to know the truth?" She's crying like a child. "Yeah I know and I'm sorry for not telling you. But all of your Kuyas knew about it. Since you're so young at that time, they choose not to tell you." "A-ano po ba ang muscular dystrophy? Mahal po ba ang gamutan sa sakit ni Dad? Tell me Doc gagawa ako ng paraan." "I'm sorry Iha, but muscular dystrophy is incurable. The muscle weakens, and eventually your Dad can't walk normally until he can't walk at all.  And this is hereditary." Napakapit nalang sa katabing silya ang dalaga dahil sa narinig. "Diyos ko po, bakit nyo po ako pinaparusahan ng ganito?" Tanging usal niya.  "By the help of modern technology mapapabagal lang natin ang paglala nito thru therapy, but in the long run, sorry to say at his age it's impossible for him to get through." Walang ampat ang luha ng dalaga. "Dasal lang Iha." Tinapik siya sa braso ng doctor bago umalis. Ang sabi dati sa kanya ng Dad niya na matanda na siya kaya nahihirapan na siya maglakad. Minsan hirap na rin ito lumunok.  Kaya sinisigurado ni Dana na laging may suplay na gamot sa Hypertension ang Dad niya. Akala niya high blood lang ang sakit nito. Si Yaya Nena lang ang kasa-kasama nito magpacheck up dahil lagi siyang may trabaho. Araw ng linggo nang dumating ng sabay sa ospital sina Rex, Drake at Jepoy. Kasama ng magkapatid ang kani-kanilang mga asawa. Tanging ang mga ito lamang ang makakapitan niya at nakakapagpalakas ng loob niya.  Bumalik sa kasalukuyan si Dana nang tumunog ulit ang message tone ng phone niya. 'Kapag hindi ka pa sumagot ipahahalughog ko ang buong Pampanga.' Mensahe ni Greg sa dalaga. Dala na rin ng pag aalala, kaya kung ano anong pagbabanta ang ginagawa niya na hindi naman niya kayang gawin kay Dana. She sighed pagkabasa ng mensahe. Andami na nga niyang problema, dumagdag pa ito. Dahil nasa building na rin siya ng office mas pinili na lang niyang huwag magreply. Pag akyat niya sa taas, parang nabunutan ng tinik si Grace nang makita siya. "Thank God you are here. Iyong Boyfriend mo konting konti na lang mag tatransform na kay incredible hulk iyon." Natawa ang dalaga sa tinuran nito. "Hoy parang hindi ka affected alam mo naman kung paano magalit iyang si Greg. Lahat dito damay." "Kaya nga Grace haayyy, sira ang beauty ko ngayon hhhmmm!" She flicked her hair.  "Ang aga-aga, baka nag a-andropause na ang kaibigan mo?" Humagalpak ng tawa ang kaharap. "Ganun pa man sanay na sanay na po ako diyan. Kaya easy ka lang. Saka excuse meeee?" With matching taas ng kilay. "Anong boyfriend pinagsasabi mo diyan?"  "Eh ano mo siya husband-to-be? In short, fiancé?"  Nakangiti na rin ito at umiiling. Alam niya na kasi ang totoong kwento ng dalawa.  "So paano wish me luck girl!"  Saka nag martsa papasok sa opisina ni Greg.  Pagbukas niya ng pinto, mukhang inaabangan talaga siya ng binata. Madilim ang anyo nito.  Magkasalubong ang kilay. "Where the hell have you been!?"  "Good morning to you too!" (Sarcasm to the highest level).. Tumuloy siya sa lamesa niya at inayos muna ang mga kalat saka nagbukas ng laptop. Lumapit si Greg sa kanya at marahas na hinawakan siya sa panga. Pilit namang kumakawala ang dalaga. "Look at me!" Sigaw nito. "I just wanna remind you about our agreement.." Tinabig ng dalaga ang kamay niya at hindi na siya pinatapos magsalita. "Don't worry, I will never forget about that f*cking agreement." Mahinahon pa niyang sabi. "Kampante ka ngayon sa mga ginagawa mo ha? Dahil assured ka na walang mga matang nakabantay sayo!" "Isipin mo na ang gusto mong isipin! Maging tao ka naman minsan Greg, sa halip na tanungin ako ng maayos kung bakit ako nalate iba ang bungad mo sa akin!” Tuluyan ng nalagot ang pagtitimpi ng dalaga.  "Don't be such an over confident woman! Baka nakalimutan mo kung sino ang kaharap mo! Kayang kaya kitang saktan!" "Oh yeah, a million times actually. You hurt me a million times and still continue hurting me!" Nahimasmasan si Greg sa sinabi ng dalaga.  "May pagkakataon ba na sumagi sa isip mo that something f*cking bad things happen to me?"  "Instead of asking me, hey stupid wazzup? You ok? Kung ano anong pananakot ang pinagsasabi mo! As if naman matatakot mo ko!"  Greg was speechless. Hindi niya akalain sasabog ng ganun ganun na lang si Dana. All those times that they've been together maayos naman itong kausap, panay tango lang ito sa kanya, may mga pagkakataon lang na kapag may demand siya at sa tingin ng dalaga ay dehado ito saka lang ito aalma. Tumayo ang dalaga, dinampot ang bag at lumabas ng opisina matapos itong magbanta na huwag siyang pasundan sa bodyguards nito.  Tinawagan niya si Dexter. "Tawagan mo ang pinsan mo, tanungin mo anong pinaggagawa ni Dana sa Pampanga sa loob ng dalawang araw." Kahit kasi pumayag siya na walang kasamang bantay si Dana tuwing uuwi, pinapasundan pa rin niya ito ng sikreto. Mahirap na marami siyang karibal sa negosyo ayaw naman niyang mawala ang babaeng pinakamamahal niya. "Boss nakaconfine daw sa isang public ospital ang Daddy ni Dana. Simula noong sabado, doon na rin siya nag stay dahil kaninang alas singko ng umaga lang naispatan si Dana na umuwi ng bahay at mabilis ding bumayahe ulit pabalik dito sa Maynila".  Matapos niya mapakinggan ang voice message ni Dexter napagtanto ni Greg kung bakit ganun na lang ang inis sa kanya ng dalaga. Dagdagan pa na kulang ito sa pahinga.  'I'm sorry my love.' Usal niya sa sarili. Paglabas niya ng office ang mapang asar na mukha ng kaibigan ang bumungad sa kanya. "Friend, nasaan ang tapang friend? Mukhang tiklop ka kay baby Dana mo?" "Stop it, Grace!" "Bakit? Hindi ba totoo?" Umupo siya sa isang silya. Habang himas himas ang sentido. Ilang beses bumuntong hininga. "Oo nga pala, naalala mo ang pinagawa ko sayo last two months? Na finalize na ba iyon? Nasa pangalan na ni Dana ang kalahati ng assets ko?" "Oo, nasa email mo na, hindi mo kasi chenicheck. Saka may mga messages doon si Lexi. Mukhang mahihirapan ka niyan kapag nakabalik na siya dito sa bansa."  Pinagkatiwala na niya sa kaibigan ang iba pa niyang personal na bagay. "Bakit ko siya poproblemahin wala naman kaming relasyon. Kelan daw ang balik niya?" "Walang sinabi basta see you soon daw." "Balak ng mga Board Officials na palitan ako. And their damn,bullshit, lousy reason was I'm not a family man and I'm not capable of running this business." "What the f*ck! Napakababaw na dahilan yan. So what is your plan?" "Papakasalan ko si Dana." Bakas sa kaharap ang gulat dahil sa narinig. "Tingin mo papayag siya?" "I have my ways." "Are you insane? Talagang mag aasawa ka ng di oras para lang patunayan sa mga sakim na yon na capable ka? Oh come on friend. Among them, you are more capable." Tumunog ang phone ng binata, pagtingin niya na si Wilson ang tumatawag, he canceled the call. Ngunit makulit ito. "What do you want f*****g asshole?" Bulong niya. "Sino yan?" "Best friend mo." "Sagutin mo na baka gusto nang makipagbati sayo. Para kayong mga bata hhhmmp!" "Mauna na ako sayo nasa baba na ang jowa ko. Bye.." "Ingat." Simpleng sagot niya sa kaibigan. "What do you want? Make it fast, I'm busy." "Nak ka ng P*ta Greg!"  Bungad sa kanya ng kaibigan sa kabilang linya.  "Bakit mo hinayaang maglasing si Dana mag isa? Kung hindi mo siya kayang alagaan ipaubaya mo na lang siya sa akin!" "What?! What do you mean?" "Will it just happen that I have a meeting and after that I decided to unwind alone because of my f*cking best friend disowned me, then saw her there in the bar, f*cking wasted!" "Saan siya ngayon?" Nagbago ang tono ni Greg napalitan ng pag alala. "Sa condo ko."    Hindi na nagsayang ng oras si Greg, Tinawagan agad si Dexter para ihanda ang kotse. Pagdating sa condo ni Wilson pumasok na kaagad siya. Dahil sa closeness nila pareho silang may access sa kanya kanyang condo. Pagpasok niya sinalubong kaagad siya ng kamao ni Wilson. Nasapo niya ang panga na tinamaan nito. "Look Bro I'm sorry about what happened last time. Nadala lang ako ng galit."  Sa halip na patulan ito nagpakumbaba siya sa kaibigan. "Huh! The legendary Gregory, humihingi ng sorry? Oh my God! The end of the world is coming." Pang iinsulto ni Wilson. "Matagal ko na siyang pinasusundan. Bago mo pa siya na meet sa Fashion show sa Makati. Matagal ko na rin siyang kilala alam mo yan." Umupo siya sa sofa. Matagal na katahimikan ang namagitan sa kanilang magkakaibigan. "Si Dana ang mahal ni Anthony, at dahil nasa akin na ngayon ang puso niya…."  Hindi niya magawang dugtungan ang nais sabihin. "Mahal mo siya." Umupo na din sa tabi niya ang kaibigan. "I blackmailed her just to stay with me. Ginagamit ko ang nangyari kay Anthony, just to be with her. I blamed her. Dala na rin ng konsensya kaya siya pumayag."  "G*go ka Greg, anong nangyari sayo? Desperado ka ba?" "Akala ko magiging masaya ako dahil sa pagpayag niya. Pero masakit pala. Masakit pala na kahit solong solo mo siya, pero iba ang mahal niya." He sighed before he continued talking. "Masakit sa pakiramdam na makita mo sa kanyang mga  mata ang pagmamahal pero hindi para sayo, nagseselos ako sa kapatid ko! T-there are times that she wants me to close my eyes, because she misses him, and she wants to kiss and hug him." Pumatak ang luha ng binata. "Sorry, wala lang kasi akong mapagasasabihan ng sama ng loob. Si Grace naman wala ring kwenta kausap, mas kinakampihan pa si Dana kesa sa akin." "Good for you, you deserve it. Karma mo iyan dahil una palang hindi na maganda ang motibo mo." Ngumiti siya ng mapakla. "Akala ko nakahanap na ako ng kakampi." "Ulol! Hindi ikaw ang agrabyado dito."   Sabang silang napatayo ng lumabas si Dana. Magulo ang buhok nito halatang kakagising lang.  "Mahal?!" Namumungay ang mata niya halatang nasobrahan ng alak. Kahit hirap ituwid ang lakad mabilis pa rin siyang nakalapit kay Greg.  Hinaplos nito ang pisngi niya, niyakap siya saka siya hinalikan ng mabilis sa labi.  "I missed you."  She lay her head on the crook of Greg's neck, a moment later before she passed out. Binuhat niya ang dalaga papuntang kotse para maiuwi na. Nakasunod sa kanya ang kaibigan bitbit nito ang sapatos at bag ni Dana. "Thanks Bro, buti na lang nandun ka sa bar na yon."  Tumango naman ang kaibigan at tinapik siya sa balikat. "We have to go." Wika ni Gregory. "Kung kailangan mo ng kausap Bro tawagan mo lang ako. Mahirap yang problemang pinasok mo." Ngumiti lang si Greg. "Wala eh, mahal ko kasi." Sagot niya kay Wilson. "O siya sige na, kailangan ko na talaga mag move on. Wala na talagang pag asa. Ingat ha?" Naaawa man sa kaibigan wala rin siyang magagawa kundi alalayan na lamang ito sa problema niya. He knows ever since that Greg's greatest fear was love. Dahil sa sakit nito, ayon sa kanya kung mamamatay lang din naman siya bakit pa siya mandamay? Kasi daw kapag nagmahal siya at namatay magiging kawawa ang sinumang babae na maiiwan. Saka napakapihikan kasi ng kaibigan niya na yon kaya hindi talaga ito nagkaroon ng serious relationship. Masaya ngayon ang dalawang binata dahil naayos na nila ang gusot sa isa't isa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD