Kampante naman at may tiwala si Bryan kay Marc. Matagal niya na rin itong kaibigan nagkalamat lang ito dahil sa isang babae. "Greg! Wait for me!" Habol ni Wilson. "Me too." Saad naman ni Bryan. "I'll follow you guys, I'll be with Rex." Sabi naman ni Grace. Kahit tuliro si Greg sa kakaisip sa mga posibilidad ng maaaring mangyari sa asawa maayos niya pa rin nabibigyan ng instructions ang mga tauhan na nauna na sa kanila. "Greg, alam ko ang tumatakbo sa isip mo tandaan mo hindi ka pwedeng makialam mamaya. Hayaan mo kaming magligtas kay Dana." Hinampas naman nito ang manibela. "And you think I can do that?! Asawa ko ang pinag uusapan natin dito.!" "Don't you dare go against me Greg!" Banta ni Bryan. Bago sinagot ang tawag ni Marc. "Nasa malapit lang si Dana, sa may kabilang bayan la

