Nadismayang napaupo nalang siya sa isang customer table na bakante sa isang bakery shop, kung saan lage siyang tumatambay kapag galing siya sa paghahanap ng trabaho. Dito din nagtatrabaho ang pinsan niyang si Riza.
Tatambay ulit siya dito ngayon dahil hindi na naman siya natanggap sa inaaplayang trabaho. Kahit nga siguro dish washer hindi siya makakuha at nakakabwesit ang patakaran dito sa pinas. Kaya sambakol na naman ang hitsura niyang nakaupo. Habang hinihintay matapos ang pinsan niya at sabay ma silang uuwi.
Magtatatlong buwan na siya dito sa Maynila wala paring resulta sa inaapplayan niyang agency papuntang Hongkong. Reading ready na ang pang tesda niya na nagkakahalaga ng 25,600. Nakapagmedical narin siya pero hanggang ngayon wala paring update man lang. Tinitext niya yong agent subalit yung reply lang ay hintayin lang muna yung agency doon sa Hongkong. Malapit na siyang mawalan ng gana lalo na’t malapit ng maubos ang allowance niya. Malaking naging kita niya sa pagtitinda niya ng maliit na sari sari store sa kanilang probinsiya. Subalit hindi parin yun sapat para mabayaran ang utang nila sa pagkakasakit ng nanay niya. At ang magaling na ama wala namang ginawa malaki parin ang galit niya dito sa ginawa nito. Kita naman niya na nagbago na ito pero ayaw niya paring tanggapin o masikmura man lang na tanggapin ang ginawa nito. Dahil kung totoong mahal nito ang pamilya hindi sana ito kamuntikan ng sumama sa kabit nito.
Iwinaksi nalang niya ang iisiping iyon ngayon dagdag lang sa sakit ng kanyang ulo. Sa edad niyang 28 wala na siyang inisip kundi ang mapunan ng pangangailangan ng kanyang pamilya. Kahit nag-iisang anak lang naman siya. Dahil din sa nagkasakit ang kanyang ina sa awa ng Diyos nakaraos din naman ngunit nabaon din sa utang.
Mga ilang minuto din siyang naupo roon bago natoon ang pansin niya sa mga batang namamalimos. Napaisip siya bigla na baka mamalimos nalang din kamo siya para makaraos sa araw araw na gastusin at makakain dito sa Maynila. Masyadong magastos kasi dito.
Nasa kalagitnaan siya sa pagmumuni ng lapitan siya ng kanyang pinsan.
“Oh Erica?sambakol na naman hitsura mo ah?!”, puna nito at napaupo sa harapan niyang may upuan. Katatapos lang ng shift nito, at naka uniform pa. “Hulaan ko...?hindi ka na naman natanggap sa inaapplayan mong trabaho ano?”
“Hayyyy!”, aniyang napabuga ng hangin. “Nilibot ko na yata buong Quezon City kung saan may malapit na part time lang na trabaho dito sa tinitirhan natin, mukhang malabo. Laging full time ang hinahanap at maliit pa ang sahod.” Napailing iling nalang siya. Nakatingin lang siya sa binigay na softdrinks sa kanya ng serbedorang si Femi. Nagtaka siya at hindi naman niya inorder yun, may kasunod pang ensamada.
“Salamat Femi”, ani ng pinsan niya. “Kain na pinsan alam kong nagugutom ka.”
Sa kay Riza pala yun nanggaling. Kaya nilantakan talaga niya at gutom na siya. “Kapag hindi pa ako nakahanap ng mapapasukang part time magfufulltime nalang talaga ako”, aniya habang nginunguya ang ensamada.
“Gusto mo ipapasok kita sa factory? Kausapin ko si Danny.” Suggestion ng pinsan niya. Boyfriend nito ang tinutukoy nito. “Malaki sahod doon, kikita ka ng 18k per month at lalampas ng 20k pag palagi kang nag-o.o.t.” Patuloy nitong suhestiyon habang ngumunguya din ng ensamada.
“Hmmm?” Nag-iisip pa siyang mabuti. Ano kaya kung magfufull time nalang siya at bahala na ang Hongkong dahil bagot na bagot na siya sa kahihintay at higit sa lahat gahol na gahol na siya sa panahon. Naniningil na yung pinag utangan nila. 5,6 pa naman ang lintik na tubo na yun. Sumasakit na ulo niya sa naiisip na utang.
“Ano?” Untag nito. “Bukas magkikita kami ng jowa ko at offday niya at ako rin.”
Oo nga pala at linggo bukas. Magkasabay pala ang mga ito. “Hmmm??!! Oh siya sige.” Aniyang nakaramdam ng konting pag-asa.
Sanay matanggap na siya sa aaplyang factory. Si Danny nalang ang kanyang pag-asa. Matagal na kasi ito sa tinatrabahuang factory. Mahigit 10 years na. Di bale na papatusin na niya ito kaysa maghintay sa wala.
Ipanagpatuloy nila ang pagmemeryenda at mayamayay natapos sila at umuwi na. Nagpasalamat siya dito sa libreng meryenda. Pinayuhan din niya ang pinsan na magtipid, dahil meron itong dalawang anak na binubuhay at naiwan sa probinsiya nila sa Cebu. Hindi naging maganda ang pagsasama ng una nitong ka-live-in bukod sa nananakit pay babaero pa. Kaya ang swerte nito kay Danny ngayon. Maasakisao nay gwapo pa at napakaresponsable. Kabaliktaran ng ex nito. Kaya masaya siya para sa pinsan. Sanay mahanap na nito ang tunay na kaligayahan kay Danny.
At siya, walang kainte interes sa lalake. Bukod sa ex ng pinsan niya isa narin sa nakapag bad image sa kanya ang kanyang ama. Babaero at sugarol. Nalulong sa sabong ang kanyang ama. Dati silang may malakas na grocery shop. Yun ang ikinabubuhay nila hanggang siya ay makapagtapos ng kolehiyo. Subalit ng dumating ang mga lintik na mga pulang manok na walang ginawa kundi ubusin at lustayin ng walang hiya niyang ama ang kita ng grocery store nila bukod doon ay napabalitaan nalang nila na naging kabit din nito ang isang hindot na babaeng malandi sa lugar nila.
Malaking eskandalo ang ginawa nito kaya nagkasakit ang kanyang ina dahil doon. Sa puso. Pero siguro andon pa yong pagmamahal ng ama niya sa kanyang ina kaya pumirmi ito sa kanila. Hindi sila nito iniwan, at sising sisi ito sa nagawang kasalanan. Pero siya? Ewan?parang siya ang nasasaktan sa ginawa nito sa kanyang ina. At dahil narin sa pakiusap ng huli na sanay mapatawad pa niya ito at bigyan ng pangalawang pagkakataon. Kaya nanatili siyang may respeto dito pero hindi na tulad ng dati na sweet siya sa ama. Parang nadismaya na siya.
Mahal pa rin naman niya ito. Kaso hindi pa bukal sa loob niya ang pagpapatawad.
Kaya wala sa isip pa niya muna ang pag-aasawa o bf man lang. Dahil baka masasaktan lang siya.