Hindi siya makapaniwala sa sinabi nito. Tayong tayo na ang balahibo niya, dahil sa mainit nitong hininga. Pati u***g niya, tayong tayo na rin ata! Ay ano ba? Ang bastos ng isip niya. “Pera!” Sagot niya rito. “Pera ang gusto ko, at sasama na ako sayo. Isang milyon!” Nakita niyang bigla itong lumayo sa kanya ng bahagya. Ang kaninay nakangisi ay biglang dumilim ang hitsura. Eto lang pala ang makakapagpadilim ng mukha nito. Syempre sino ba namang matinong tao ang magbibigay ng ganung klaseng halaga?! Dahil lang sa gusto siyang isama. Ano siya? Beauty Queen? Oh ano ka ngayon Dicken? “Ano? Wala di ba?!” Untag niya rito ng hindi ito makaimik. “Kaya umalis ka na, at dinidisturbo mo yung pagtulog ko!” Pagtaboy niya ulit. Mayamayay napabuntong hininga ito. “I’ll give you your goddamn money.

